Kabanata 6

22 4 0
                                    

Parola

"Ano sasabay ka ba sa amin ngayon?" tanong ni Mau.

Lagpas isang linggo na rin akong umiiwas sa kanila.

"Huh... oo" alam kung magtataka sila kaya kailangan ko nang magpakita.

Magkasabay kaming naglalakad ni Mau patungong cafeteria, at hinanap ang table na tinext ni Rojan.

"Liv, you're here. Are you that busy these past few days?" Deo asked me.

Some students are looking at us now, these friends of mine are quite famous here in Villa Guarda. Yeah. Rich kids hindi naman halata. Tumawa ako sa aking isipan.

"Yes, Deo" I smiled to him. Totoo naman kasing may ginawa ako.

I saw Gabb observing us, bakit nga ba katabi ko to? Tumingin ako sa paligid kung may anino ba ni Sianna mabuti at wala naman.

"Sa bahay tayo mamaya. May susundo sa atin" pahayag ni Rojan at bigla siyang napalingon sa mga babaeng pumipila. May hinahanap ang loko.

Tuwing friday maaga ang uwiin kaya siguro naisipan ni Rojan na imbitahan kami. Pwede naman naming pag-usapan sa octagon park o sa halfmoon drive ang ganap namin sa sabado. Naghihinatay na kami ni Mau dito sa waiting shed sa labas ng school.

Then Deo, Migs and Gabb slowly approaching to us. Deo's skin color makes him attractive plus his chinito eyes and think eyebrows. Migs' the shy type guy but sometimes he's funny. And Gabb, he's tall, moreno but not that handsome pero anlakas ng appeal.

"Hi" Gabb greeted me.

"Hi" dahan dahan akong pumasok sa van " Kumusta?"

" I'm good " humikab siya matapos niyang sagutin ang tanong ko. Ang gwapo niyang tingnan habang humihikab. Ang sabi ko hindi siya gwapo ay hindi gwapo siya pero hindi masyado.

Sa likod ng driver ang pwesto namin. Siya sa may bintana at akong ang katabi niya, sa gawing kanan ko si Mau.

Marami kaming nakasakay sa van sakto lang at hindi nagsisiksikan. I was expecting Sianna to be here, lucky she's not here.

Hindi naman kalayuan ang Alta Tierra ilang minuto lang narating na namin. Bumaba na kami kaagad ni Mau at iniabot ni Gabb ang bag namin.

Buong akala ko sa mansion kami nila Rojan pupunta dito pala sa isa pang bahay nila malapit sa lake. Camp site ito na kasalukuyang inaayos pa ang ibang mga bahagi nito.

"Rojan, hindi dapat tayo magtatagal. Anyways, ang ganda dito" I have to agree with Lena.

"Liv, the floor is all yours. One week kang missing in action. So, tell us your plan" wika ni Rojan.

"Unfortunately, ayaw tayong payagan sa Balot Island. Siguro sa Parola na lang. What do you think guys?" tinaasan ko pa sila ng kilay.

"Okay, I'll ask my Tito tonight na magpapahatid kung pwede tayo sa mga tauhan niya" sabat ni Cheyenne.

Cheyenne's uncle owned some fishing boats kaya magandang ideya iyon. Ang huling punta namin sa Parola tatlong buwan na ang nakalipas at lumiban kami sa klase para doon. Napailing na lamang ako habang inaalala iyon.

"Dahil may bangkang gagamitin na, sa pagkain naman, we don't need to bring eating utensils gaya ng dati..." natigil ako sa pagsasalita dahil hinawakan ni Gabb ang buhok kung napupunta sa aking mukha at nilagay sa likuran ng aking tainga.

Pinalo ko ng mahina ang isang tuhod niya.

"Gabb, stop doing that" I glared at him ngunit ngumisi lang siya.

Find Peace In PainWhere stories live. Discover now