"Sino yon?" tanong ko dahil nakatulala siya at malalim ang iniisip.

"Sila Tita kasalukuyang nagbabakasyon rito" bumuntong hininga siya.

Kamag-anak niya pala bat ganoon ang asta? Bakit parang hindi siya kadugo at ganon na lamang ang inasta? Nilampasan na niya ako at nag-umpisang pumila sa counter.

Tahimik parin siya kahit nasa loob na kami ng sasakyan. Naninibago ako sa presensiyang ibinibigay niya parang bumabalik ang pakiramdam ko nung kakilala ko pa lang sa kanya.

"You...okay?" there's a hesitation in my voice.

Hindi naman siya ganito kanina nagbago lang nung nakasalamuha namin ang ginang na iyon.

"You see, they are my relatives but they still treat me as not part of the family" malungkot na tugon niya at bumuntong hininga.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin siguro mas mainam na tumahimik na lang muna ako ayaw ko siyang pangunahan. Magkaiba naman karanasan namin, noon nahihirapan ako dahil wala akong matawag na sariling pamilya, pinagpapasahan ako, nakikiapid ako sa pamilya ng iba. Hindi ko rin kayang timbangin kung kaninong karanasan ang mas masakit dahil ang alam ko parehong masakit iyon.

"Liv... I'm okay" malumanay na sabi niya sa akin.

Tumango ako at lumabas sa sasakyan niya, sumunod din siya at kinuha sa aking kamay ang mga pinamili.

He put his arm over my shoulder and guided my head to his chest and gave my hair a lot of kisses. He's doing this to stop me from worrying. Nakanguso akong pumasok sa bahay at nakaakbay pa rin siya. Binigyan ko na lang siya ng juice.

"Wag ka nang mag-alala ayos lang ako"

Nagpaalam siya aalis dahil marami pang gagawin at naiintindihan ko naman. Magkikita naman kami ulit bukas. Nababagabag pa rin ako kahit sinabi niyang ayos lang siya, hindi ko mapigilang hindi mag-alala.

Pagkatapos ng tangalian nagpahinga ako at makalipas ang ilang minuto ay nakapagdesisyong matulog saglit. Pagkagising wala pa namang alas tres at nag-umpisa akong mag-ayos. Busy ang schedule niya next week kaya magkikita kami ngayon dahil magiging abala siya at ganoon din naman ako. Malapit na rin ang final defense namin na matagal nang pinaghahandaan. I just wore a plain blue dress, strappy sandals and body bag as accessory.

Nasa labas na ako coffee shop at tanaw kong mabilis na lakad ni Sianna sa isang table, sa table ni Gabb. Sianna seems so excited to see Gabb, she sits beside him and initiates the beso beso. Akala ko ba ako ang kikitain parang hindi naman, biglang pumait ang nararamdaman ko. I always feel this everytime she's around or if she's with Gabb. It's clear that they are both excited to see each other and I don't want to ruin that moment.

Ako:

Hindi ako makakapunta next time na lang. Sorry talaga.

I texted him and left the place. Ayoko ko nang makita ang reaction niya.

Sa Friday na research defense namin kaya nagseseryoso na kami ng mga kasama ko, pabalik balik din kami sa research teacher namin, ilang beses binasa ulit ang paper at naglista ng possible questions hindi pa dito nagtatapos dahil sa susunod na taon meron pa.

Gabb:

Are you busy?

Ako:

Yes, sobra. How about you? Bakit?

Gabb:

Medyo. See you soon. I miss you.

Huwebes na at nasa school ako nang nagtext siya. Bukas na ang final defense namin kaya matinding preparation ang ginagawa namin. I'm so thankful because I have a good group mates. At gagabihin pa yata ako ng uwi, gusto ako hintayin ni Gabb pero tumanggi ako dahil may trabaho pa yon.

Find Peace In PainWhere stories live. Discover now