8th paragraph

55 6 0
                                    

ROSE
——————

Ilang linggo na ang lumipas at nabibigo ako sa kada araw na nangyayari sa pagitan namin ni Cain. Gusto ko siyang kamustahin. Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin pero gusto ko lang siyang makausap.

Unfair, alam ko, ako ang tumulak palayo sa kanya, ako ang nambasted pero ako ang nagiisip ng mga ganitong bagay. Deserve ko nga ata talaga maramdaman ang lahat ng ito.

Hindi ko alam kung iniiwasan ba ako ni Cain pero hindi ko siya mahanap kahit saan, kung hindi ko pa sasadyain na mapadaan kunwari sa room nila ay hindi ko pa siya masisilip. Minsan ay naipupok-pok ko nalang ang notebook sa noo dahil sa mga katangahan na ginagawa ko para lang mahanap siya sa buong school.

Ano bang nangyayari saakin?

"Aloira! May kadate ka na sa prom?" Tanong saakin ni Jaira habang nakaupo kami sa bleachers. Kahit ang bleachers na ito ay siya lang ang naiisip ko, kahit saan naman yata ako tumingin ay may isang tao lang akong naaalala. Hindi ko alam kung bakit.

O alam ko pero hindi ko tinatanggap?

"Ha? Wala. Kailangan ba iyon? Meron ka?" Hindi ko namalayan na malapit na pala ang prom namin. Ito ang unang beses na aattend kami sa prom kaya hindi ko din alam na kailangan pala ng prom date, pero sa tingin ko ay di naman kailangan iyon.

"Meron! Si Kevin..."

Napataas ang kilay ko sa kanya. "Sino naman si Kevin?"

"Kevin Ang, taga IV-A. Niyaya niya ako eh, alam ko namang hindi ako yayayain ni Aiden kaya ayon..." Tapos nagkibit balikat lang siya. Napairap ako sa desisyon ng kaibigan.

"Paano kung yayain ka pala ni Aiden..." Punong puno ng pangsisising sinabi ko sa kanya, pero siyempre imposible din talagang yayain siya ni Aiden. Dalawa lang kasi yan, hindi aattend si Aiden o di kaya ay aattend pero walang ka-date.

"Uy wag ka naman ganyan! Kilala natin si Aiden... Torpe yun." Sabi pa ni Jaira. Kinutkot niya ang straw ng juice at tumingin lang sa gym sa harap namin.

"Torpe para sa iba, pero sa'yo Jaira, lantaran siyang umaayaw sayo. Kaya sige kay Kevin Ang ka nalang." Sabi ko naman kay Jaira. Naoffend pa siya pero hindi ko na pinansin iyon. Naooffend tayo dahil iyon ang totoo, ayaw natin marinig ang totoo.

"Bakit ba kasi gusto mo yon. Sa iba ka nalang." Dagdag ko pa, ininom ko ang bote ng tubig na hawak hawak. Transparent si Jaira, alam ng buong school na si Aiden ang gusto niya pero marami pa ring sumusubok manligaw sa kanya na pinagbibigyan naman niya pero hindi rin nagugustuhan.

"Ewan ko sayo Aloira... Ang nega mo talaga sa lahat ng bagay! Kahit dito! Lagi mo nalang akong hindi sinusuportahan kay Aiden, pero don't worry susuportahan kita sa future love interest mo!" Umiling lang ako sa kanya.

Lumipas muli ang ilang linggo, may mga nagyayaya saakin na maging kapartner sa prom pero tinatanggihan ko sila palagi. May isang tao lang naman...

Dumating na rin ang araw ng mga puso pero hindi ko napansin iyon, si Jaira lang ang may obsession sa February 14 dahil na rin siguro sa nangyari kay Aiden last year.

"Tingin mo sinong bibigyan ni Aiden?" Tanong ni Jaira habang magkatabi kaming kumakain ng lunch. Napatingin ako kay Aiden na kakapasok lang ng classroom kasama ang barkada niya. Ngumingisi lang si Aiden sa mga kwento nila Jason at wala namang sinasabi pabalik. For a moment, naalala ko si Cain sa kanya...

P.S. I love youWhere stories live. Discover now