4th paragraph

63 12 0
                                    

MATH NOTEBOOK
——————

"So may proposal si Ma'am Torres para saatin na activity for today and next week." Inangat ko ang tingin kay Ate Melissa, ang President ng Math Club namin, taga IV-A siya. Kakaunti lang kami sa Math Club at puro section A pa, may sumali man na taga ibang section ay hindi rin gaanong umaattend.

"Since eleven lang tayong present ngayon, tayo lang din siguro ang magpaparticipate dito." Binuklat niya ang notebook niya at may nilabas doon na papel na nakatupi. Nakita kong listahan iyon ng mga pangalan.

"Magtututor tayo sa mga kabatch natin na mahihina sa Math. Since malapit na mag third quarter exams, kailangan nilang bumawi dahil paniguradong kapag babawi sila sa 4th quarter ay hindi rin magiging maganda ang average nila, kaya dapat sa 3rd quarter palang ay simulan na natin ang pagtututor." Itinaas niya ang papel na hawak. "Ito yung listahan ng mabababa ang average sa Math. Paparesan ko kayo ng isa lang."

Sinabi na niya ang pares ng isa't isa. Nang marinig ko ang kapares ko ay napanguso ako at nalunod sa kakaisip sa kanya.

"Basta guys, pupunta na sila dito. Pinatawag ko na kanina, nirequire na rin naman sila ng mga teacher nila sa Math."

Kumabog ang puso ko! Hindi pa ako handang makausap si Cain, naalala ko kasi noong weekend ay nagkatext kami magdamag at tumawag pa siya! Pumunta nalang ako sa veranda para hindi kami marinig ni ate na natutulog.

"Hello?" Bati ko sa kanya, halos kabado sa patakas na tawagan namin sa cellphone.

"Bilisan lang natin, baka marinig ako ng ate ko." Nakakainis naman kasi ito! Bigla nalang tumatawag...

Tinignan ko ang relo at nakitang 1:40 am na pala, matagal tagal na rin kaming magkatext.

"Hehe... Ikaw ah, gusto mo pala sikreto tayo." Naririnig ko ang panunukso sa boses niya kaya napapikit ako at napangiti. Bakit naman kasi...

"Anong tayo? Ewan ko sayo. Bakit ba tumawag ka pa? Di ka pa ba inaantok?"

"Di ako makatulog eh... Alam mo yung mas maganda na ang realidad ko kesa sa panaginip." Tumawa ulit siya, tila naman nagugulo ang sistema ko. "Ikaw? Bakit di ka pa makatulog? Iniisip mo rin ba ako?"

Iniisip mo rin ba ako... So, ibig sabihin ba ay iniisip niya rin ako ngayon? Napangiti ako.

"Kapal mo..." Iyon kang ang nasabi ko. Tumingala ako sa langit at tinignan ang mga bituin pati na rin ang moon. "Nasaan ka?"

"Mmm? Nasa bubong ako, tinitignan ko yung stars."

Nagulat ako sa sagot niya dahil pareho pala kami. "Nasa bubong? Baka mahulog ka ah?"

"Haha... Matagal na akong nahulog, wag kang magalala." Huminto ang puso ko sa narinig. Ano ba itong nararamdaman ko? "Ikaw nasaan ka?"

"Nasa veranda, tinitignan ko rin yung stars." Sabi ko at iginuhit ang mga stars, iyong tipong nakakagawa ako ng pattern.

"Talaga? Sige. Simula ngayon... Kapag titingin ako sa stars, ikaw na ang iisipin ko." Natawa naman ako sa sinabi niya at umirap. Nakaramdam na rin ako ng kiliti sa tiyan. Bwisit na lalaki.

"At bakit naman?"

"Kasi para kang star... Maganda tignan pero mahirap abutin." Hindi ako sigurado pero narinig ko ang lungkot sa boses niya.

P.S. I love youWhere stories live. Discover now