1st paragraph

87 15 0
                                    

WORKBOOKS
——————

*knock knock knock*

Napatingin kaming lahat sa pintuan, saglit na napahinto si Mrs. Dominico sa paglelecture bago ako tignan bilang pahintulot na pwede kong buksan ang pinto.

Agad akong tumayo at binuksan ang pintuan.

"Ano yun?" Mahinahon kong tanong sa isang lalaking nasa labas ng pinto, matangkad ito at moreno, bukas ang dalawang butones ng polo niya kaya nakikita ko ang puti niyang sando, tayo-tayo ang magulong buhok, at maraming itim na bracelet sa kanang kamay. Binasa ko din ang patch na nasa dibdib niya sa itaas ng bulsa.

Cain Lhester Mirabeljos
III-E

Taga last section... at Mirabeljos? Kapatid ba to ni Aiden?

"A-Ah..." Natulala pa siya saglit saakin bago sumilip sa loob ng classroom namin. "Si Aiden. P-Pakisabi, pinsan niya."

Tumango ako sa kanya, nagkatinginan pa kami saglit bago ako tumalikod at sabihan si Mrs. Dominico.

"Si Aiden daw po." Sabi ko bago ako umupo.

"Aiden, make it quick." Sabi lang ng teacher namin.

Agad tumayo iyong kaklase kong snob mula sa likuran, na crush na crush ng bestfriend kong si Jaira at dumiretso sa pintuan.

"Cain? Bakit?" Tanong lang ni Aiden. Dinig na dinig ang usapan nila dahil hindi natutuloy maglecture si ma'am hangga't may nang iistorbo ng klase niya.

Napatingin ulit ako sa pinto, doon sa lalaki. Nagulat ako na nakatingin din siya saakin habang kausap ang pinsan niya! Kumabog ang dibdib ko at nag-iwas na ng tingin.

"Naiwan mo baon mo. Pasalamat ka na-late ako." Tapos tumawa iyong lalaki. Napanguso ako at tinipa ang ballpen ko sa desk. Masarap sa tenga iyong tawa niya pero... late siya? Mmm. Sabagay, section E siya eh.

"Sige salamat."

"Mamaya ah, punta ko sainyo. Paturo ulit ng gitara." Rinig ko pang pahabol noong pinsan ni Aiden. Nakita ko ang paa ni Aiden na naglalakad na pabalik sa upuan niya sa likod. Tapos na siguro silang mag-usap.

Napatingin ulit ako sa lalaki sa pinto pero nakatingin siya sa teacher namin habang nakahawak sa hamba ng pintuan namin.

"Thanks ma'am. Sensya na po sa abala." Ngumiti siya, tipid lang pero taliwas sa badboy niyang itsura.

Tumango lang si ma'am bago isara noong lalaki ang pinto namin. Nagkatinginan pa ulit kami saglit bago niya tuluyan iyong isara.

"May practice ba kayo mamaya?" Tanong ko kay Jaira habang nasa 4th floor kami sa may mga bleachers nakaupo. Ngumuya ako mula sa chichirya na kinakain ko.

Nakatingin lang si Jaira sa gymnasium sa harapan namin. "Ah, Ewan. Meron ba?" Parang wala naman sa sariling sabi niya.

Napatingin ako sa kaliwa namin at nakita ang canteen namin dito sa 4th floor, hindi ako nabigo dahil nakita ko iyong pinsan ni Aiden na palabas na ng canteen.

P.S. I love youWhere stories live. Discover now