6th paragraph

69 9 0
                                    

GITARA
——————

"Huy! Ayos ka lang ba? May problema ka?" Tanong ni Jaira. Ngumisi lang ako sa kanya.

Tama bang hindi ko muna sabihin sa kanya? Gusto ko ako lang muna ang magreresolve nito. Baka ma-spoil ko pa ang fieldtrip ni Jaira kapag dinamay ko pa siya sa mga iniisip ko.

"Aids! Gusto mo?" Alok ni Jaira kay Aiden ng chichirya na nasa kabilang upuan lang namin. Napasilip naman ako sa kanya at nakitang umiling lang siya habang nakaearphones. Napansin ko rin na may dala siyang gitara, nasa harap niya lamang.

"Suplado talaga. Ano ba nagustuhan mo jan?" Hindi ko napigilang itanong kay Jaira.

Magkaibang magkaiba sila ng pinsan niya.

"Ewan ko din eh. Alam mo yun, kahit suplado pa siya. Malay mo, kapag napansin na niya ako, worth it, diba? Hehehe." Nagtaas baba pa siya ng kilay. May naalala ako sa ganoong gawi kaya iniwas ko na ang tingin.

"Oh ako? Bakit di mo ko inoofferan ng pagkain mo?" Sabat naman ni Tyron, nakaupo siya sa upuan sa aisle, pumapagitna siya kay Aiden at Jaira.

"Mataba ka nang chinese ka! Wag ka na kumain!" Pagkatapos ay nag-asaran na silang dalawa. Napangiti lang ako habang pinaparinggan silang nag-iiringan, parang panandalian kong nakalimutan ang problema. Pero noong natutulog na sila at tahimik na ang paligid ay tsaka ko lang ulit naramdaman ang sakit.

Iyong klase nang sakit na malalim at mabigat sa dibdib. Iniisip ko palang ang magiging reaksyon ni Cain kapag iniwasan ko ulit siya ay hindi ko ata kakayanin.

Napakurap ako bago binunot ang cellphone sa bulsa. Binuhay ko iyon at agad na nagvibrate sa dami ng text na biglang pumasok mula kay Cain pero isa lang ang pinagkatitigan ko.

From Cain: Iniiwasan mo nanaman ba ako?

Agad akong nagreply dahil sa kaba.

To Cain: Sorry, nakatulog kasi ako. Medyo nahihilo lang.

Ilang saglit pa ay nagreply na agad siya.

From Cain: Sorry ah, dapat pala di nalang tayo nagpuyat kanina. Sige, matulog ka na. Sorry sa istorbo, text nalang ulit tayo mamaya. Magpahinga ka okay? =)

Nalungkot ako sa text niya. Wala naman siyang kasalanan bakit siya nagsosorry? Ako dapat ang magsorry dahil nagsisinungaling ako...

To Cain: Okay. Ikaw din :)

Pinatay ko ulit ang cellphone at sinubukang magpahinga. Sinilip ko si Aiden sa kabilang row, naghahangad na ang pinsan niya ang naandon bago ako pumikit at hinila ng antok.

Nang makarating kami sa Taal Basilica ay inikot namin ang napakalaking simbahan na ito, habang abala ang mga kaklase ko sa pagpipicture ay nakikinig naman ako sa tour guide namin.

Ito pala ang pinakamalaking catholic church sa buong Asia, according sa tour guide.

Nang matapos ang tour ay hinayaan na kami na magpicture at bumili sa souvenir shop. Niyaya pa ako ni Jaira at Tyron sa souvenir shop pero tumanggi ako, gusto kong pumunta sa mga kandila para humiling kaya pinagbigyan nila ako.

Nang makapunta ako doon sa mga kandila ay hindi ko naiwasang mamangha, pa-ikot ang pwesto ng mga kandila at bilog din ang hugis ng mga ito. Kumuha ako nang isa at sinindihan iyon mula sa isa pa bago nilapag at humiling nang panalangin.

Taimtim akong nagdasal, nang maalala ko si Cain ay bigla akong napamulat at napatingin sa imahe ni Hesus sa harapan ko.

"Andito ka lang pala."

P.S. I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon