27

1.6K 33 34
                                    


CHAPTER 27:

DEN'S POV

"Kuya, you know I just can't leave my wife. Nahihirapan lang ako at nag aalala kaya tumawag ako." Wika ko sa telepono

Kasalukuyan kong kausap si kuya Leo, nag aalala ako matapos ang nangyari kay mommy. Baka kasi sila naman ang puntiryahin ng tauhan ni JV, mahirap na at malayo sila sa amin. "We are fine, ang sakin lang naman Dennise ay give yourself and the children a break. I am sure na gusto din ni Alyssa na mailayo ang mga anak ninyo sa gulo. Mommy is worried about you and the children."

I sighed. He is trying to convince me na pumuntang America at sa kanila muna tumira kasama ang mga bata. I know he has a point, mas maayos at mas ligtas ang mga bata kung naroon sila pero hindi ko naman pwedeng iwan ang asawa ko lala na at wala pang hatol sa kaso niya. "I'll think about it, kuya. At isa pa, mommy is in danger now. Hanggang ngayon ay hindi pa din nagiging stable ang lagay niya. "

I heard him sign on the other side of the line. "Okay but atleast consider my request. Tatawagan ka na lang ni mommy bukas. Take care okay? Just call me anytime. I love you."

Napangiti ako sa winika niya "I love you too, kuya. And please take care of ypurself and mom."

Binaba ko na ang linya at natingin sa kawalan. Iniisip ko ang sinabi ni Kuya. I am really torn. Kung pupunta man dun ang mga bata ang gusto ko ay kasama ako, pero hindi ko naman maiwan ang asawa ko dito.

"You seemed so drowned with your thought. Here, I prepared you a yema cake." Pinanood ko si mommy na ilapag ang cake na dala niya

Pagkatapos ay tumingin siya sakin at ngumiti saka hinawakan ang mga kamay ko. "What bothers you, sweetheart?"

Tinitigan ko ang mommy ko. Isa din sila ni Dad at Jess ang pinoproblema ko. Hanggang sa ngayon kasi ay hindi pa din nila mapatawad sila kuya Leo. Naiintindihan ko pero sa lagay namin ngayon ay hindi na namin kailangan pa ang hidwaan "Kuya Leo told me to stay with them in America."

Unti unting nawala ang ngiti sa mukha ni mommy at napabitaw siya sa hawak niya sa kamay ko. Nakatingin siyang seryoso sa akin kaya napabuntong hininga ako naiyuko ang ulo "Ang sabi niya ay mas magiging ligtas ang mga bata doon and Mom, I guess Kuya.."

"You consider his opinion?" Natigilan ako sa tanong ni mommy

Tinitigan ko siya sa mata at nakikita ko ang galit doon saka ako unti unting tumango.

"Den, your Dad can provide you and the children the protection you need. Hindi niyo kailangan mangibang bansa para doon." Bakas sa boses niya ang pagtatampo

Hinawakan ko ang kamay niya. "Mmy.."

"I know you are old enough to decide for your family but no Den, you are not going anywhere far from us especially if youre with those people."

"Mmy matagal na iyon. Hindi.."

Natigil ako when I heard her chuckled, pero ang tawa na puno ng lungkot, matunog pero bakas na bakas ang paghihinakit "Ang limang taon ay hindi biro, Dennise. I was at the verge of dying. Naniwala ako for five long years na wala na ang panganay ko. It was so hard. It was hard that I cant even put it in words. Tapos ano? Malalaman ko na itinago ka nila para lamang mapunan ang pangungulila nila? Nanakawan nila kami ng anak para lamang maging kumpleto sila?"

Natigilan ako noong pumiyok ang Mommy ko at halos durugin ang puso ko noong makitang umiiyak siya. Humarap siya sa akin at tipid na ngumiti kahit na lumuluha siya, hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Almost (Sequel of LWLYB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon