Mark

1.5K 40 4
                                    

Mich's POV

"Miss, kamusta na po sila Maam Den?"

Napatingin agad ako sa kanya "Pareho tayong andto and that obviously means na hindi ko rin alam"

"Ay sorry po. Matagal tagal na po din kasi kami hindi nagkikita"

"Am I asking you? Would you please just do your work as my tutor?"

"O..opo"

She continued her lesson. Ni isang detalye walang pumasok sa isip ko. I dont want this girl. Ewan ko pero ayaw ko sa kaniya.

Natapos ang session namin and I went out immediately. Napadpad ako sa garden. And found this man who called my Lyssa, a days ago. He was looking intently to a direction kaya sinundan ko. Then I saw he is looking at Maddie who is busy fixing her things. I went closer to him.

"You like that nerd?"

Napatingin naman agad siya sakin. Pero hindi ako sinagot at tumingin kay Maddie. "Hey I am talking to you"

"Ano po ba yun Miss?"

"So you really like that nerd?"

He smirked "Bakit? Nagseselos ka?"

"Excuse me?"

"Oo gusto ko siya. Ang ganda niya diba?"

Then he looked at Maddie once again "Maganda? Mukhang mas malabo ang mata mo sa mata niya"

"Maganda naman talaga si Maddie. Mabait pa."

"Attitude is nothing in this universe"

Tumingin siya sa akin "Ang bitter mo lang?"

"I am not. I am just stating the truth"

"Ang ugali ay ang tunay na kagandahan ng isang tao"

"Wether you're good or bad, they will still judge you anyway."

"Hindi naman kasi dapat pinapakinggan ang ibang tao lalo na kung kilala mo ang sarili mo. Ikaw ba Lyssa? Kilala mo ba ang sarili mo?"

I raised my eyebrow "What?"

"Tinatanong ko kilala mo kung sino ka ba talaga."

"I am Alyssa Michelle Valdez duh?"

"Hindi mo pa talaga siguro alam kung sino ka. Kasi ayaw mo naman alamin"

"You are talking nonsense. Bagay nga kayo ni nerd"

I turned my back and pumasok na sa bahay. Hindi ko alam kung makakatagal ako dito kasama ang mga taong iyon. Nakasalubong ko si manang at napansin ata na bad mood ko "Oh Mich? Anong nangyari? Bakit nakasimangot ka?"

"That gardener is getting into my nerves"

"Si Mark?"

"His name is Mark? Doesnt suit him. Paakyat na lang ako ng fries sa kwarto ko with sour cream."

She nodded "Sige"

Umakyat na ako sa kwarto ko at humiga. I am trying to think a best way to escape this hell then suddenly I hear a ring. It came from a telephone here. Agad ko naman sinagot

"Hello?"

[Mich? Anak?]

Agad akong parang binuhusan ng malamig na tubig when I heard my mom's voice on the other line.

[H..how are you?]

Parang may nakabara sa lalamunan ko dahil hindi ako makapag salita. Bumilis din bigla ang tibok ng puso ko. Bakit siya tumawag?

Almost (Sequel of LWLYB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon