Chapter Sixteen

1.3K 41 3
                                    

Note: The Last Four Chapter

Chapter 16 : Care

Allison POV

Mabilis akong lumabas ng marinig ko ang busina na alam kong kay Kenzu.Hindi na ako nakapagpaalam kay Sir Dash dahil wala yata siyang balak na lumabas sa lungga niya.

Habang nakasakay ako sa kotse ni Kenzu ay napansin ko na tingin nang tingin siya sakin.Hanggang sa nagtanong siya na labis kong ikinaba.

"Napano 'yang pisngi mo?Bakit namumula?"sabi ni Kenzu.

"Ah wala lang to.Tumama lang sa pinto ng cabinet,kahapon."pagpapalusot ko."Oh!"

Nagulat ako ng bigla niyang igilid ang kotse at inihinto.

"Ano bang ginagawa mo?"

Hindi niya ako sinagot at mabilis na bumaba sa kotse niya.Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong papunta siya sa pharmacy.

Ilang minuto lang ay lumabas na siya sa pharmacy at may ibinigay saking gamot.

"Para saan to?"

"Dyan.Para mawala yang pamumula."sabi niya sabay paandar ng kotse niya.

"Salamat."ngumiti lang siya.

----------

"Nagtext sakin si Dash na kung pwede ay puntahan natin siya sa canteen.Ano,tara?"

"Ahh.Hinde,kayo nalang.May gagawin pa kasi ako."sabi ko.

"sure ka?"

"Oo."

"sige.Ikaw bahala,basta kita tayo sa inyo mamaya."

Nginitian ko lang siya.Mabuti nalang ay ipinaalam sakin ni Kenzu na may practice kami para sa Final Performance dahil nawala na sa isip ko sa dami ng gumugulo sa isipan ko ngayon.

Pumunta ako sa mapunong lugar dito sa campus na kung saan ay teritoryo daw na isang lalaking nag ngangalang Dino.Wala naman siya kaya nagpahinga muna ako kahit saglit lang.

"Miss?Hoy,Miss!"

Minulat ko ang mga mata ko at isang kalbong guwardiya ang nasa harapan ko ngayon.

"Bakit ho?"malamyang tanong ko.

"Wala ka bang balak umuwi?Anong oras na oh."

Kinuha ko ang phone ko sa bag at bumugad sakin ang 5:30pm at mas lalo pang nagpawala ng antok ko ay ang 16 missed calls ni Kenzu at 28 missed calls ni Sir Dash.

Agad ko mng inilagay ang phone ko sa bag at dali-daling tumayo para umalis na sa school na'to.

"Teka,Miss.Mukha kasing uulan,baka gusto mo munang hiramin tong payong ko."alok ni Manomg Guard.

"Ay nako.Hindi na ho,at tsaka kapag kinuha ko yan.Ano nalang po ang gagamitin kong sakaling matutuloy yang ulan?.Salamat nalang po Manong Guard."sabi ko sabay takbo.

Halos 30 minutes na akong tumatakbo ng nangyari ang hindi dapat mangyari.Nagtago ang liwanag at sa pagbilang niyang tatlo ay lumabas ang madilim na kalangitan at nagpakawala ng malakas na ulan.

Hindi ko magawang makakita ng masisilungan kaya pinili ko nalang tumakbo dahil malapit nalang din naman ako sa mansyon.Ilang takbo nalang bago ako makarating sa mansyon ay nakaramdam ako ng bahagyang hilo.Pero hindi yun naging hadlang para ipagpatuloy ko ang pagtakbo.

Napangiti nalang ako ng nakaabot ako at nagawa kopang magdoorbell.Isang lalakeng nakapayong ang sumalubing sakin mula sa gate na mababakas mo sa kanyang mga mata ang labis na pag aalala.

"Saan ka ba nagsususuot ha?Tignan mo ang nangyari sayo!"

Hindi ko magawang magsalita dahil sa hininga kong ayaw nang lumabas.Nanikip ako buong dibdib ko na naging dahilan ng pagkahilo ko't pagkawalan nang malay.

Nagising ako ng may basang panyo mula sa noo ko.At taong nakadukmo lang sa gilid ko.Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa kadiliman na silid na kung saan ako nakahiga.

"Oh gising ka na pala.Saglit lang,kukuha lang kita ng pagkain at gamot mo."

"Sandali lang."sabi ko sabay hawak sa braso niya.Hindi ko mapigilan ang panginginig ng buong kamay at katawan ko dahil hanggang ngayon ay takot parin ako sa mga madidilim lalo ba't kung wala kang kasama.

"Bakit?Hanggang ngayon ba,takot ka parin sa dilim.haha!"

"Paano mong nalaman na takot ako sa dilim?"

Nagtaka ako na kung bakit alam niya ang tungkol doon dahil kung hindi ako nagkakamali ay ang tanging pamilya at si Kenzu lang ang nakakaalam non.

"Ahh Anu kasi.Hmmm.Binanggit lang sakin ni Kenzu.Buksan mo nalang yang lampshade para kahit papano may ilaw ka."sabi niya sabay labas.

Ngayon ko lang nalaman na kwarto niya pala ito dahil sa ayaw niya palng maliwanag dito kaya pati ilaw ay ipinagdadamot niya sakin kaya itong munting lampshade na to ay ipinagamit niya.

Bakit ayaw niya ng ilaw?

Ano bang meron dito sa kwarto niya at ayaw niya maliwanag?

Magulo ba?
Madumi?

Tumayo ako sa pagkakahiga at hinanap ang switch na ilaw niya dito sa kwarto.At nang mahanap ko ito ay agad ko itong pinindot.

Napatakip nalang ako ng bibig at gulat na gulat sa nakita ko.

Itutuloy....

A/N: If you like this Chapter,please find the star and click it but if it is not just leave it.Haha✌🏻

Maid of the BadboyWhere stories live. Discover now