Chapter Two

2.4K 88 0
                                    

Chapter 2: My Dracula

Allison POV:

*Tok**Tok**Tok*

"Sino yan?"inaantok ko pang sabi.

Sino kaya to?Baka si Ate Berta?pero imposible e,kasi hating gabi na.

Binuksan ko ang pintuan at isang lalake ang bumulaga sakin.

"Sir.Bakit ---"

"Oh!Uniform mo!At agahan mo bukas!"sabi niya.

Badboy talaga tong Dracula na'to,ibato ba naman sakin ang uniform ko.

"Opo.Sir Dra--"agad ko tinakpan ang bibig ko para hindi ko maituloy ang sasabihin ko.

"What?"nagtatakang sabi niya.

"Wala po sir.Sige."buong tapang kong isinara ang pintuan .

Nagbabait-baitan lang naman ako sa draculang yan kapag nandyan ang mga magulang niya.Hindi dapat bigyan ng magandang trato ang mga ganyang kasama ang paguugali!

Mukhang mamahalin tong uniform ah at ang bango-bango.Napapanood ko lang sa mga koreanovela ang mga ganitong uniform at ngayon ako na ang magsusuot nito!Im so Excited!

-----------------------------------------

*kringg*

Nag set ako ng alarm kagabi dahil ayokong malate sa unang araw ng klase ko.

Agad kong tinanggal ang nakabalot na kamot sakin at tumayo para pumunta sa banyo para maligo.

"O,ba't ang aga mo atang nagising ngayon Allison?"gulat na gulat na sabi ni ate berta ng makasalubong ko siya.

"Ate Berta ngayon po ang unang klase ko.Ayoko ko naman pong mahuli,dahil yari ako kay dracula!"

Napatawa nalang kami ni Ate berta sa mga kagagahan ko.

"O sya,pumunta ka nalang sa kabila kapag natapos kanang maligo.At dali-dalian mo lang habang tulog pala sila Madam para ikaw ang unang makakain ng niluto ko."nakangiting sabi nito sakin.

Pumunta na ako agad sa may banyo at naghanda ng pampaligo ko.

Sabon.Kaskas.Buhos.Halos dalawang minuto lang ang inilagi ko sa may banyo dahil sa sobrang lamig ng tubig.Binalak ko pa ngang mag concert sa loob kaso nanginginig na ang mga labi ko sa lamig.

Tinitigan ko muna ang uniform ko na hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala.

Isinuot ka na ito at napagtanto ko na napakaigsi pala ng palda nito.Hindi ako komportable pero hinayaan ko nalang wala na rin naman akong magagawa.

Tanging pulbo at kaunting lipstick lang ay okay na sakin kaya maaga akong nakarating sa may kusina sa kabilang bahay.

"Ate Berta.Bagay po ba sakin?"

"Uy!Ate Berta."muling sabi ko ng hindi niya sinagot ang tanong ko at tumulala nalang.

"Ay.Pasensya na.Bagay na Bagay sa'yo hija.Ganda mo pala kapag nakauniform ka.Uniform ka nalang lage Allison."sabi nito.

"Ate Berta?"

"Bakit hija?

"Corny mo po!"

Kumain na lang ako at baka magising pa ang mga amo namin at baka pagalitan pako kung bakit ako dito kumakain.

Alam ko naman mababait sila pero nakakahiya rin kasi.

"Manang..."

Nagulat ako ng may marinig akong boses mula sa likuran ko.Si Madam Marga?

Halos mawala sa katinuan ang puso dahil para nang gustong lumabas sa loob nito.Anong gagawin ko?

"Oh.Allison?"sabi ni madam marga.

"Madam.sorry po,hindi ko naman po sinasadya na dito kumain pero--"

"It's okay Allison.Ituloy mo lang.Wala naman problema,para namang iba kayo sakin basta yung pinapagawa ko sayo ah."ngumiti siya sabay kindat sakin.

"O-Opo madam."pautal utal kong sabi dahil naalala ko ang banta sakin ni Sir Dash.

"Bagay pala sayo yang uniform hija.You are so gorgeous!"aniya.

"Talaga po madam.Thank you po."masayang sabi ko.

Kumain ako na kasabay si Madam sa umpisa ay nahihiya pa ako pero naging komportable naman na ako.Marami siyang ikinuwento sakin tungkol sa buhay niya sa kamay ng korean husband niya.

Mabuti nalang ay malapit na akong matapos bago dumating si Dracula kaya dinalian ko na ang pagsubo at inilagay sa may lababo,balak ko sanang hugasan pero pinigilan ako ni Ate Berta at baka daw marumihan pa ang uniform ko.

Pumunta akong muli sa kwarto ko para kunin ang naiwang wallet at phone ko.At lumabas na para mag abang ng masasakyan.

Biglang bumukas ang gate ng mansyon at isang itim na kotse ang lumabas mula rito.Bumaba ang salamin ng kotse at ikinagulat ko kung sino ang lulan nito.

"Sasakay ka ba o hindi?"sabi niya.

"Ito na nga oh.Sasakay na!"

Pumasok na ako sa kotse sa may likuran.Nang makasakay na ako ay bigla niya pinaharurot ang kotse kaya medyo nauntog ako sa may salamin.

"Mag dahan-dahan ka nga!"sigaw ko.

Tila wala siyang narinig at patuloy parin pagewang gewang niya.Tss.

Once a BADBOY,always a BADBOY.

Mabuti nalang ay nakarating ako ng ligtas sa may parking lot dahil akala ko ay mamamatay na ako dahil sa lalakeng to.

"Hold it!"bigla niyang inihangis ang bag niya ng makababa ako.

Tinignan ko ang laman ng bag niya dahil sa sobrang gaan nito.Nakita ko ng isang notebook at ballpen ang laman at isang kaha ng sigarilyo at lighter.

"Pinahawak ko lang sayo at hindi galawin o pakialaman."sabi niya sabay hitak sakin ng bag niya.

Tss.Parang tinignan lang naman e.Sungit!

"Mauna ka na at hanapin mo ang classroom ko!"aniya.

Naiinis na ako sa taong to ah!Kung hindi ko lang siya amo ay baka nasikmuran ko na'to.

Namangha ako ng tuluyan na akong nakapasok sa buong school.Ang ganda,malawak at ang tataas ng mga classroom.

Sinimulan ko na ang paghahanap ng pangalan ko at ang classroom ni Dracula.Mabuti ay wala pang ganong estudyante kaya madali pang maghanap ng mga pangalan.

Hanggang sa nakarating ako sa ikatlong palapag bago ko makita ang pangalan ni Dracula.Hinanap ko na rin ang pangalan ko at nanlumo ako sa natuklasan ko.

Mag kaklase kame?????!!!

-----------------------------------

Itutuloy....

A/N: If you like this Chapter,please find the star and click it but if it is not just leave it.Haha✌🏻

Maid of the BadboyWhere stories live. Discover now