Chapter Eleven

1.5K 58 5
                                    

Chapter 11 : Choice

Allsion POV

Maghahapon na ng makarating kami sa bahay nila Sir Dash.Halos hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kanina,kahit na anong gawin ko na hindi isipin pero paulit-ulit siyang pumapasok sa isipan ko.

Hiyang-hiya na ako sa mga nangyayari na para bang gusto ko na siyang iwasan pero wala akong mahanap na dahilan.

"Allison,dalhan mo daw si Sir Dash ng kape at ako na ang maghuhugas riyan."sabi ni Ate Berta sakin.

"Sige po."sabi ko sabay tapat ng dalawang kamay ko sa gripo.

Nagtimpla na ako ng kape para dalhin kay Sir Dash.

Pagkapunta ko sa kwarto niya ay napansin kong bukas ang kwarto ang pintuan ng kwarto niya.

Nakita kong nakatayo siya at parang may kinakausap base sa ilaw mula sa phone niya na nakadikit sa tenga niya.

"Ayusin mo ang pagpapanggap mo.Bye."sabi niya mula sa kabilang linya na ikinakunot ng noo ko.

Kumatok ako para hindi niya mahalatang kanina pa ako dito.Pinapasok naman niya ako sa silid niyang akala mo ay kweba dahil sa sobrang dilim.

"Iwan mo nalang dyan."aniya.

Pagkatapos kong ilapag sa mesa ay kaagad narin akong umalis.

-----------------------------------------

Nagulat ako ng si Kenzu ang sumundo sakin mula sa mansyon,wala na rin naman akong choice dahil hindi makakapasok si Dash para ihatid si Madam Marga at si Ate Berta.

Pasakay na sana ako sa kotse ni Kenzu nang bigla ko siyang sabihan na baba lang ako saglit.

Nakatingin lang sakin si Ate Berta na base ko sa mga mata niya ay ang salitang pangungulila.Nakangiti akong lumapit sa kanya para kahit papano ay maibsan ko 'yun kahit sa ganitong paraan.

"Ate Berta Mamimiss ko po kayo." sabi ko habang yakap-yakap siya.

"Ano ka ba hija,gaano lang ba kaikili ang isang buwan." aniya.

Napalitan ng ngiti ang mga luha ko ng bigla kpng narinig ang pagtawa ni Ate Berta.Humarap ako sa kanya at kaagad na hinagkan siyang muli.

"O,baka malate ka na."

"Sige po Ate Berta,Ingat kayo sa South Korea ah!Daming pogi don."

Hindi mababakas sa mga ngiti ni Ate Berta ang lungkot sa mata niyang pilit itong itinatago.Nasulyapan ng mata ko si Dash na nakatingin lang sakin pero nang napansin ko ito ay umiwas siya.

Sumakay na ako sa kotse ni Kenzu at pinaandar niya ito ng marahan.Sa una ay nanibago ako dahil mas sanay ako sa mabilis katulad ng ginagawa ni Dash.

Mabilis na gumalaw ang mga kamay ng orasan at muli akong hinatid ni Kenzu papuntang bahay.

"Kita tayo bukas,sunduin kita ulit ah."

"Pero--"

"Basta,susunduin kita."

Hindi na ako nakareklamo pa dahil sinaro na niya ang salamin at mabilis na pinaandar ang kotse niya.

Pumasok ako sa gate na may konting lungkot dahil halos isang buwan kong hindi makikita ang nanay-nanayan kong si Ate Berta.

"Good Afternoon Si--" nagulat ako ng makita ko siya sa kitchen na nagluluto.

"Sir,ako na dyan." sabi sabay kuha ng flour sa kamay niya.

"Hinde,ako na.Kaya ko'to." sabi niya.

"Sir ako na ho,trabaho ko to." muli kong kinuha ang mangkok na may lamang harina sa kanya.

"Ako na sabi e."

"Ako na S--"

Nagulat ako ng bigla itong natapon sa uniform ko at mas lalo akong kinabahan ng makita kong ang tingin sakin ni Sir Dash.

"Pakialamera kasi!"

Napaatras akong bigla niyang ibinalibag ang mangkok hawak-hawak niya hanggang sa nabasag ito.Nakayuko lang ako habang pinakikinggan ang mga yabag niya paakyat sa kwarto niya.

Nang matauhan ako ay mabilis akong kumuha ng gamit para linisin ang mga ginawa kong kalat.Pagkatapos kong gawin lahat ng ito ay mabilis akong umakyat sa kwarto ko.

Kinuha ko ang phone ko at naset ng alarm ng..

4:30 am

DASH CREIGH POV

Mag aalasais na akong nagising dahil sa kapeng ininom ko kagabe.

Bumangon ako sa pagkakahiga ng maramdaman ko ang kumukulong sikmura ko.

Pagkalabas ko ng pintuan ay isang bagay ang nagpahinto sakin.

Isang breakfast meal na labis kong ikinatuwa.Kinuha ko ito agad ng biglang isang piraso ng papel ang nalaglag sa paanan ko.

Yan na pala ang breakfast mo Sir.Sana mabusog ko ka at sana masarapan ka sa niluto kong itlog at hotdog.Huwag mo na pala akong hintayin dahil sasabay nalang ako kay Kenzu.

-Allison

Nang mabasa ko ang letter na ito ay agad ko rin itong inilapag at mabilis na bumalik sa kwarto ko para tignan siya mula sa baba.

Nang makita ko siya sa labas ng gate na nag aabang kay Kenzu na sunduin siya ay mabilis akong kumain at naligo para maabutan pa siya.

Hindi ko alam kung ano na ang itsura ko dahil ang gusto ko lang ay maabutan ko pa siya.

Lumabas ako ng gate at inaasahan kong naandon pa si Allison at hindi ako nagkamali.

Nakatitig lang siya sakin at tila ay napipigil ng tawa.

"Nagsuklay ka ba?" sabi niya.

"Pwedeng pahiram?Meron ka?" sabi ko.

Dinukot niya sa bag niya ang suklay at agad na ibinigay sakin.

"Sinong hinihintay mo?" pag iinosente ko.

"Ah si Kenzu."sabi niya habang nakangiti.

"Sakin ---"

"Oh ayan na pala siya e."

Nakita ko ang isang kotse na kilalang-kilala ko dahil ako ang pumili at bumili non.

"Tara na?" sabi ni Kenzu kay Allison.

"Kenzu,ako na.Ako na ang maghahatid sa kanya." sabi ko.

Kitang-kita ko ang naging reaksyon ni Allison ng biglang lumabas iyon sa bibig ko.At kahit rin naman ako ay hindi ko aakaling ganun ang mangyayari.

Pero kahit anong gawin ko ay hindi parin pumapabor ang tadhana sakin.

Pinagmasdan kong muli ang kotse ni Kenzu at ang kasabay niyang si Allison ang kababata ko.

-----------------

Itutuloy......

A/N: If you like this Chapter,please find the star and click it but if it is not just leave it.Haha✌🏻

Maid of the BadboyWhere stories live. Discover now