Chapter Nine

5 2 0
                                    

"Talaga?"   Tanong ni ate Queenie sa'kin.

"Oo nga te. Kaurat 'to!" Frustrated kong sagot.

"Oh? Anong problema mo don? Ayaw mo? Crush mo noon ay liligawan kana ngayon? Aba te, level up!" Sabay hampas sa balikat ko.

Ate ha, hahampasin kita ng apple na hawak ko makikita mo!

"Baka magalit sina erpat tsaka ermat." Yamot kong sagot.

"Pards, hindi kana Teen ager! You are twenty one already for pete's sake! Jusko,"

"Bakit ba? Basta, tatanungin ko sina mother earth at father earth kung payag ba sila."

Duh? Ako kaya pinakamaganda nilang anak! Okey, ako lang naman kasi ang nag iisang babae.

Nandito ako ngayon sa bahay nila ate Queenie. She's already twenty six tsaka mayroon na siyang fiance. Isa kasi si ate Queenie sa mga pinsan kong malapit sa akin. Well, pinakamalapit. Para nadin kaming magkapatid niyan.

Ayon nga, sinabihan ko siya kung ano ang napag usapan namin ni Kirk kahapon.  Since alam naman niya din si Kirk. Napagsabihan ko narin siya noon pa tungkol kay Kirk at botong boto naman siya.

Hindi naman siya masyadong supportive, ano?

"Teka Te, asan si Kuya Knoxz?" Si Kuya Knoxz na fiance niya.

"Mamayang hapon pa punta dito." Sagot nito at uminom ng orange juice.

"Ah okey. Hindi ka pa buntis, pards?"

"Hindi pa. Mamaya pa kami gagawa ng baby."

Nakakalokong ngumiti ito. Jusko, utak ko ang virgin!

"Kadiri ka! Baka ikaw ang mang akit kay Kuya Knoxz ha? Eww ka pards! Hindi kita kikilalanin na pinsan."

Natatawa kong sabi dito.

"Hoy! Ang oa mo. If I know kung magkakatuluyan kayo if ever ni Kirk gagawa din naman kayo ng panganay niyo ah?!"

Natatawa nitong saad! Lord, bakit biniyayaan niyo ako ng pinsan na malalapitan at responsable pero napakamanyak kung mag isip? Ugh!

"Ewan ko sa'yo! Balahura kang mag isip te! Diko ma reach!"

"Hoy, huwag mong ibahin ang usapan! Payag kana kasing liligawan ka ni Kirk."

Kung papayag ako, baka magalit sina ermat at erpat. Kung papayag ako ano nalang sasabihin ni Paulo sakin? Kung papayag ako, seseryosohin kaya ako ni Kirk? Kung papayag ako, nakakasigurado ba akong gusto niya talaga ako? Kung papayag ako, nakakasigurado ba akong hindi lang siya napipilitan na ligawan ako dahil sa nangyari noong graduation?

Lord, help meeeh to think!

"Ate, kasi--"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sana dahil sa sinabi niya.

"Hep! Sige ka, kung pag isipan mo pa 'yan nang matagal, magsisisi ka sa huli. Lalaki lang din si Kirk, pards. Maghahanap ng iba pag sawa na o 'di kayang napapagod nang maghintay. Pards, years are enough for him to gave you space to think. Imagine? Pagkatapos mong mag confess umalis kana agad at 'di mo man lang pinakinggan ang panig niya. Isn't it selfish for him?"

Diretsa niyang sabi. Nakikinig lang ako sa kaniya dahil alam kong may maganda din siyang maiambag sakin. Speaking of, magaling din itong mag advice. 'Yon nga lang, kamanyakan ang pinag iisip.


"Kaya nga ate eh! Ano ba? Pinapahirapan mo ako lalo eh!"

Yamot kong tugon.

"Hoy, hindi kita pinapahirapan. Tunutulangan lang kita mag isip ng maayos at piliin kung alin ang dapat mong gawin."

"Haaaay!"

"Basta pards, ito lang masasabi ko. Kung ano ang mas ikakasaya mo o mas nakakapangibabaw sa isip at puso mo-- sundin mo. Walang wala ang pagsisihan mo kung gagawin mo ang gusto mo."

"Well, wala namang mawawala kung susubukan mo eh."

Pahabol nito.

"Pero may mawawala sa'yo kung gagawa kayo agad ni Kurt ng panganay. Kasal muna bago chukchakeklavu ha?"

Bwesit ka Ate Queeenie! Ahhhhhhh! My Virgin brain!

--

Lame ConfessionWo Geschichten leben. Entdecke jetzt