Chapter Six

18 1 0
                                    

it's been a month since that scenario happened-- I bumped into Kirk and Maureen. babe pala huh? edi wow.

"Ate, may gagawin ka?" tanong sa'kin ni Paulo nang madatnan niya ako sa sala na naka upo sa sofa at nanunuod lang ng cartoon na Stitch.

"bukod sa nanunuod at nakaupo ako dito ay wala na. bakit?" pabalang kong sagot.

"pasama"

"saan?"

"sa mall. bibili lang nang gitara" sagot nito at kumuha ng pop corn sa bowl na hawak ko.

"tinatamad ako"

"ililibre kita." nakangising sagot nito.

"ayoko parin" sagot ko ulit.

"kahit Ice cream pa 'yan?" nakangising saad nito.

"nope." matigas kong sagot.

"rocky road Ice cream?" mas lalong napangisi siya.

walanghiya, alam na alam talaga kahinaan ko.

tumayo agad ako at pinagpag ang shorts ko.

"pakilagay sa kusina itong bowl. magbibihis lang ako." sabi ko at walang pasintabi na kumaripas papunta sa kwarto ko.

---

"bilhan mo muna ako ng fries." sabi ko kay Paulo nang nasa tapat kami ng Potato Corner.

I am now wearing jumper jeans na sinapawan ng white t-shirt at Vans.

"pababoy ka talaga Ate" nang aasar na sabi nito.

"oh shut up, pao at bilhan mo na ako." sabi ko.

pumila na agad siya sa counter. napapansin ko ang mga babae na kanina pa siya tinitingnan. no wonder kung bakit head turner itong kapatid ko. matangkad naman ito, medyo kaputian, may maliit na nunal sa gilid ng labi niya. medyo gulo ang buhok nito. matangos ang ilong at rossy lips. nineteen palang ang kapatid ko pero ang lakas na agad maka head turner ang isang 'to. I am two years ahead of Paulo maya minsan napagkakamalan kaming nag jowa.

I fished out my phone from my jumper pocket and checked my messages. walang text. I allowed my data to turned on and check my e-mails. galing lang naman sa mga previous classmates ko ang iba ang nangangamusta lang. ni-open ko sandali ang fb ko at nag pop-up agad sa messages ko ang mga mensage galing sa mga kaibigan ko.

Beshywaps Gags♥

Biancs: stressed ulet -.-

Ara: ganda ko parenzxc.

Vammy: -____-

Biancs: seryosong tanong Ara.

Ara: yep? ano 'yon? ;)

Biancs: saan mo nabibili ang kakapal nang pagmumukha mo?

Ara: ouch <|3 meseket he. okey lang, gondo ko poron.

Biancs: saan nga?

Vammy: UKFS

Biancs: ano 'yan?

Vammy: United Kapal Face Store

Biancs: saan 'yan?

Vammy: sa kanila lang Biancs. siya lang naman may ganyan sa'tin e.

Ara: hihihihihihi :>

Mga pechay niyo Pink! :D

Seen by everyone

Lame ConfessionWhere stories live. Discover now