"Enrollan na bukas. Hmmmm okay"

"Sama tayo"

"Sige, kitakits na lang"

"Sige bye"

Enend ko na yung call at pumikit. Di na ko maghahapunan bala na si Joker.

Nico's POV

Pagkatapos in end ni Kim yung tawag ay nahilamos na ako at saka humiga. Actually narinig ko yung sinabi niya kanina nagmamaangmaangan lang ako. Alam kong nagbibiro lang yun, hindi yung marunong magseryoso pagkausap ako. Pero bakit natatamaan ako sa mga sinasabi niya? Matagal ko ng gusto si Kim. Alam na din ng pamilya ko at ang masaya dun ay hindi sila tutol. Ang kailangan na lang ay ang matamis na Oo ng taong mahal ko. Pero ang problema, paano ko masasabi sa kaniya tong nararamdaman ko? Malaki kasi ang chance na hindi niya tanggapin ang nararamdaman ko. Oo malaking malaki. Kilala kasi ako dito bilang isang lalakeng manloloko, playboy,fuccboi, paasa. Sa katunayan nga halos lahat ng kaedaran kong babae at binabae dito ay nakarelasyon ko na. Pero lahat ng yun ay di nagtagumpay. Wala talagang tatalo sa nararamdaman ko kay Kim. Oo parehas kaming lalake pero hindi yun mahalaga, as long as mahal ko siya at mahal niya ko(sana) walang makakapigil samin. Sounds Weird right? Hahaha.  Sabi nga "Love sees no gender". Kailangan ko na lang ng tamang tyempo para magtapat sa kanya. Hay! Bala na.

Kinabukasan.....

Kasalukuyang nakatayo ako sa harapan ng gate nila Kim. Pupunta kami sa School para magpaenroll.

"Nico!" Tawag niya sakin.

"Oh!"

"Tara na"

Tumango na lang ako. Sumakay kami ng tricycle, malapit lang naman kasi yung eskwelahan namin dito. Pwede rin ngang lakarin pero may pagkamaarte kasi yang si Kim, ayaw niyang napapagod siya. Mga ilang minuto rin ang lumipas at nakarating na rin kami. Pagkapasok namin at agad na inayos namin ang mga papeles na ipapass. Natapos na namin ang magenroll kaya napagdesisyunan namin na pumunta sa Canteen, gutom na kami eh!

Jun Ho POV

"Are you sure you gonna do this?" Tanong sakin ng manager ko.

"Yes! I want to explore, and I can't do that without a Guide"

"At siya"

"Oh! You know how to speak Tagalog"

"Just a little, Look! there are lots of tourist guide in the Philippines and I can hire you one, but why did you choose him?"

"Cause I just want to experience something new"

"And that's why you escape in your house and go to the mall by yourself"

"Exactly"

"What if someone recognise you?" Usisang tanong niya.

"That's not gonna happen"

"Why do you say so?"

"I think he has a better plan to make this work"

"Okay" sabi niya.

Kim's POV

Kasalukuyang  nasa Canteen kami ni Nico. Gutom na ko. Kanina pa umaangal si Medusa sa tyan ko. Nabasa ko lang yan kanina sa sa bulletin board. Kyuryos ako kaya ginamit ko mukhang sosyal naman. Umupo na kami sa may mesa malapit sa bintana. Ako na ang nagprisintang bumili ng pagkain naming dalawa. Luminya na ko. Mahaba haba yung linya kaya kinulikot ko muna itong cellphone ko. Sa gitna ng pagkukulikot ko bigla na lang may humawak ng pwet ko. Hala! Sa dinami dami ng taong mamanyakan sakin pa talaga, sa isang bakla pa talaga. Liningon ko kung sino ang manyakis na nanghahawak. Pero wala naman, nakita ko lang at isang kano at busy rin kadudutdut ng cellphone niya. Ipinasawalangbahala  ko na lang. Sunod na kasi ako. In order ko na ang pagkain namin. Habang nagpreprepare si ateng worker, bigla na naman may humawak sa pwet ko. Inis Kong liningon si Mr. Kano, at talagang anak ng manyakis talaga ito. Nakangisi siya sakin at nakalipbite pa. Gwapo siya pero manyakis. Para sakin boyfriend material siya. Kaso pagnaging kami ay baka gulpihin niya ko. Baka mawasak si Cherry Blossom ko. At ayoko yun mangyari. Tinarayan ko na lang siya at dinampot ko na yung tray. Pero bago ako makaalis ay sinamaan ko siya ng tingin.

"What?" Nakangising sabi niya. Ay anak talaga to ng manyak.

"You know, You're road" confident na sabi ko. Pabebe girl ata toh. Walang makakapigil sakin. Malakas din ang pagkakasabi ko nun, para marealize niyang bastos siya.

"I'm a person" sabi niya. Person person pa. Hala! Batukan kaya kita dyan. Ano naman kinalaman nung pagiging person niya sa pagiging manyak niya. Ha! Gusto mo ipalunok ko sayo si jolibbe para maging bida ka ng saya. Ha! futragesh ka.

"Hmmm, well I'm a person two, saw don't bee road two me" sabi ko sakanya. Saka tumungo na sa table namin ni Nico.

"Sino yun?" Usisang tanong niya.

"Ewan ko"

"Eh! Bakit ka niya kausap?" Napataas yung boses.

"Eh! Bakit ka sumisigaw?"

"Wala" kalma na niyang sabi.

Natapos na kaming kumain. Napagdesisyonan na naming umuwi. Sa may bandang gate na kami ng biglang tinawag ako ni inang kalikasan. Pinauna ko na si Nico. Sa tingin ko matatagalan ako nito. After ng pagccr ko nagsimula na akong lumakad pauwi. Pagkalabas na pagkalabas ko ng gate biglang may tumigil na itim na van sa harapan ko. Hala! Kidnapper. Tatakbo na sana ako ng bigla nila akong hinablot pa pasok ng van. Lord ito na ba yon, lord namatay na ba ko. Please pakawalan niyo ko.

Itutuloy......
















Star Stuck (BoyxBoy)Where stories live. Discover now