Star 7

212 6 0


Kim's POV

Nakalayo layo na kami school. Naka sakay ako sa isang hindi pamilyar na van. Katabi ko ngayon  si Mr. Kori Yano na hilaw. Ipakidnap ba naman ako ng wala sa oras. May pagkasaltik din to minsan, ay mali madalas pala. Pwede naman niyang akong kausapin ng matino kaysa sa pagkidnap sakin para lang sa important niyang announcement. Oo, tama ang narinig niyo may sasabihin daw siya sakin.

"Pakawalan mo nga ako!" Sigaw ko.

"Ayoko!"

"Bakit ba ayaw mo kong pakawalan?"

"May sasabihin nga ako"

"Oh! Ano yun? Dalian mo na! Sayang sa oras. Time is Silver!"

"Gold yun!"

"Ay! Iniba na. Sorry di ako nakanood ng TV Patrol kagabi. Binalita ba?" Sabi ko.

"Aisssh! Ganito, Gusto kita maging---"

"JOWA! Ay ayoko ko. No way! Ayoko sayo period" pamputol ko sa kanya.

"Sabi ko gusto kong ilibot mo ako dito, just like a tourist guide. At tigil tigilan mo nga yang pagprapraning mo, nakakairita eh. At saka may sinabi ba akong gusto rin kita ha!" sabi niya.

"Sowrey naman. Eh bakit ako?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi ano hmmm ano-'"

Tourist guide. Maglilibot libot Ganun! Hmmmm sounds really fun. Hmmmmm-

"Okay, Sige payag ako."

"Huh? Ganun kadali! walang pakipot kipot. Di ka hihingi ng kapalit. Ha?"

"Oo ganun ako kadaling kausap. At saka ayokong tumanggap ng bagay mula sayo noh. Sadyang gusto ko lang iparanas sayo ang ganda ng pagiging isang Filipino. Ganun lang."

Kinabukasan..........

Napagdesiyonan ko na ngayong araw kami maglilibot libot. Sinabihan ko din na wag siyang magexpect ng kahit ano sakin. Pero bago kami maglibot libot ay kailangan ko lang baguhin ang itsura niya. Para naman walang makakilala sa kanya. Pumunta kami sa bahay. Napagdesisyonan na dun ko na lang siya ayusan, kasi kapag sa bahay niya may taong pwedeng magsumbong sa plano niya. May mga gwardiya sibil pa naman dun baka magsumbong kay inang koreyana, Patay ako nun. Saka wala naman si ate dito, busy sa mga fan gathering niya. Linagyan ko siya ng isang toneladang tanning cream. Tapos inayos ko din buhok niya, saka linagyan ko siya ng nunal sa bandang baba sa gilid ng labi. Nakakadagdag din ng appeal yung piercing niya sa tainga. At sa wakas tadan mukha na siyang badboi na adik sa kanto na nagsisinghot ng rugby. Na ka blue siyang T shirt saka naka denim na semi fitted na ripped jeans at black shoes, Jowk! rubber shoes. Naka brush up din buhok niya na bumagay sa gwapo niyang mukha. Hephep! Did I say gwapo? Erase Erase. Nagmukha siyang konting pinoy. Hindi naman kasi masyadong singkit mata niya, slight lang.

"Oh ano gwapo na ba?" Sabi niya pero di ako nakikinig.

"Oy! Kinakausap kita Kim"

Nakabalik lang ako sa ulirat ng pitikin niya ang tainga ko. Pigilan niyo ko! Pigilan niyo ko! Mapapatay ko na to ng wala sa oras. Minsan nga naiisip ko kung ibenta ko kaya to sa mga Maute. Para naman magkapera ako. Kasi ang mga ganyang tao ay masyadong problematic. Dapat diyan sinasabak sa giyera. Para mabawasan na ang mga lalakeng gwapo na sanhi ng pagpapakamatay ng mga beki diyan sa kanto. Ipinagtatangol ko lang ang mga buhay ng sangkabaklaan. Ganun! Ayon sa Beki Constitution of the Philippines; Section number 1; Article number 1 na ang buhay ng isang bakla ay mahalaga, ito ang perlas ng hilaga. Kapag isa kang lalake na kinababaliwan ng kabaklaan ikaw dapat at maging responsable. Wag magpapaasa! Ito ay nakamamatay. Wag hihingi ng pera! At Wag sasaktan, lalaitin, ipahiya, alipustahin, mumurahin, lalandiin kasi baka bumigay; Mahirap na, at ipamukha sa amin na salot kami. Kapag yan ay hindi niyo sinunod. Kayo ay paparusahan gamit ang R. A. no. 23 which is the "PBLB". It is the " Putol Bayag Ligaya Bye bye Act". Ganun! Kaya Boys be responsible. Wait may napapansin ako? Nadedevelop na english skills ko. Sa totoo lang mabuti naman talaga ang pagsalita ko ng Ingles. Baka sanhi lang talaga ng pagkagulong gulong ko yung pagiging illiterate ko sa ibang words.
8
Naglarga na kami. Naka simple gown lang ako. Jowk! Naka light pink shirt ako tapos grey fitted pants saka white na rubber shoes. Sabi niya gusto niyang maglibot libot so naisip ko na dalhin siya sa the best shopping area of all time, Divisoria! Pagkababa namin ng sasakyan ay naglibot libot muna kami. Naghahanap ng karinderiyang nagbebenta ng pagkain. Malay mo kasi baka may karinderya dito na nagbebenta ng katawan. Geesh! Nakakakilabot. Sa wakas nakakita na kami ng karinderiya. Binasa ko ang nakapaskil na pangalan. Aling Goreng's Carendery. Ay nakakaloka may english term na pala ng karinderya. Di ako na inform. Baka may dugong Einstein na nananalaytay kay Along Goreng kaya naisipan niya yun. Naupo kami sa bandang gitna, table for two lang ang kinuha ko. Diba sabe! Lakas maka restaurant ang Carendery ni Aleng Goreng. Ako na nagorder ng mga kakainin namin at syempre siya ang magbabayad. After ng ilang minuto ay dumating na din ang inorder ko. Inorder ko yung mga sikat na ulam ng bansang pilipinas. At saka syempre ang ating  pambansang dessert Halo Halo. Nagsimula na akong kumain. Liningon ko siya saglit. Nakatutuk lang siya sa pagkain siguro nagtataka kung saan gawa ang mga ito. Diba niya alam na masama ang paghintayin ang grasya. Wala bang ganung kaisipan sa bansa niya. Ay nako! Kawawa naman.

"Hoy! Kumain kana kaya. Pinaghihintay mo yung grasya oh!" Sabi ko.

"Eh! Pano ko kakain kung diko alam kung ano ang mga yan. Kung saan yan galing at pano yan ginawa? Malay mo gawa pala yan sa tae." Sabi niya sakin. Malakas yung pagkakasabi niya nun. Halos lahat ng taong kumakain dito ay napadako ang tingin samin. Dali dali kong tinakpan ang bibig nito at saka humingi ng tawad dun sa mga kumakain.

"Hoy! Tigil tigilan mo yang pagiinarte mo. Kumain ka na lang. Una, ikaw ang may gusto nito hindi ako. Pinagbibigyan lang kita at saka Pangalawa, di mo ba alam na bawal ang magsalita ng malalaswa at nakakadiring bagay sa harap ng hapag kainan. At pangatlo, kung walang ganung kaisipan sa bansa niyo. Pwes! Pinapaalalahanan lang kita. Nasa pilipinas tayo, di tayo sa Korea kaya respeto naman oh" pabulong kong sabi sa kanya. 

"Okay! Okay!"

Nagsimula na rin siyang kumain, inuna niya yung adobo. Pinagpatuloy ko na rin ang pagkain ko. Hay salamat at na enjoy niya rin. Kumain kami ng kumain. Triny na rin niya yung ibang dishes. Naputol ang pagkain ko ng bigla siyang umungol.

"Hoy! Bat ka umuungol diyan? Wag kangang umungol na kakawalang gana." Pagsaway ko sa kanya. Pero eto naman, di man lang nakinig sakin linantakan niya lang ying kinakain niya.

"Hoy!" Tawag ko sa kanya.

"What is this?" Biglang tanong niya.

"Dinu---" sasabihin ko na sana pero pinutol niya.

"Gawa to saan? Is it brown cream?" Tanong niya ulit.

"Hindi"

"Oh! I know, It is cocoa power?" Sabi niya sabay clap "Diba?" Dagdag pa niya. Pero ito ako ngayon nakatulala inaabsorb pa lang ang mga pinagsasabi nito.

"Hindi! At saka kung cocoa powder yan dapat lasang chocolate to" sabi ko.

"Eh! Saan gawa to?" Tanong niya.

Huminga muna ako ng malalim. "Sa dugo ng baboy" sabi ko. Muntikan niya nang maisuka lahat ng kinain niya dito sa table namin. Kinuha niya lahat ng tissue sa table saka pinahid niya sa dila niya. Hay napakaarteng bata naman ire. Para yun lang. Ininum niya na lahat ng tubig niya at pati tubig ko na damay. Hindi mapakali tong lalakeng to at bigla bigla na lang  lumabas. Sinundan ko siya pa labas ng karinderya. Pumunta siya sa sulok saka isinuka lahat ng kinain niya. Wala akong ginawa kundi ang tumawa. Eh pano, ka simpleng bagay grave makareact. Hay nako!

Simula pa lang yan Jun Ho, simula pa lang.

Itutuloy........

Star Stuck (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon