Stuck 6

194 8 0


Kim POV

Hapon na akong nakauwi sa bahay. Kanina pa ako nakatayo sa harap ng bahay namin. Nagiisip kung ano ang idadahilan ko kay ate. Hala! May pagka kapay pati yun. Ober Active yun. Hala! Tama ba, OA na nga lang. Alam ko na! Pano kung sabihin kong nakidnap ako. Tapos ninakawan ako, and den iniwan ako. Parang yung crush mo, kikidnapin ka, dadalhin ka niya sa buhay niya. Saka magnanakaw, nanakawin niya puso mo. At saka iiwan ka. Pero sa totoo, hindi naman ganun. Hindi ka niya dinala sa buhay niya at hinding hindi yun mangyayari. Hindi niya ninakaw yang puso mo, binigay mo lang. At saka hindi ka niya iniwan at sinaktan, sadyang nagaasume ka lang. Boom Panes! Hala bakit ako naghuhugot ngayon? Aissshh! Sa gitna ng pagiisip ko biglang dumating si Nico.

"Hoy Kim!" Tawag niya sakin.

"Ay kabayong nagtwetwerk"gulat kong sabi. " Oh Nico! Ikaw pala. Makagulat ka wagas."

"San ka ba nagsususuot nitong nakalipas na dalawang araw? Nagaalala na kami sayo." Sabi niya.

"Ano? Kwan? Na-- na-- na-- ano? Hmm" nauutal kong sabi.

"Na ano nga?"

"Na rape ako!" Sabi ko. Hala bakit ko ba yun sinabi. Minsan traydor kating bunganga ka. Aissh.

"Ano?"

Mabuti di niya narinig. Hay nako Koya Coco.

"Na wala lang ako."

"Ang laki laki mo na, nawawala ka pa." Sabi niya.

"Sorry naman. Bakit kasalanan ko ba?"

"Kasalan mo na ano?"

"Kung iniibig kita. Diko naman sinasadya." Sabi ko ng pakanta. Oo kumanta ako. Wag na kayong magulat, kumanta nga ako nung the show diba. Hahahaha Waliy

"Ano?"

"Sabi ko Wag kang pabebe." Sabi ko na lang. At pumasok na ako ng bahay. Manigas ka dyan. Hahaha Pagpasok ko ng bahay, nakita ko si ate sa sofa nakatulala. Ano kayang iniisip nito.

"Ate" tawag ko dito.

"Kimmmm!!" Sigaw niya. Tumakbo siya papunta sa akin saka hinambalos niya ko ng braso niya. "San ka galing?" Tanong niya sakin.

"Sa hmmm sa ---- hmmmm----"

" Okay na! Basta nakauwi kang ligtas" sabi niya ng nakangiti.

"Bakit concern ka sa kaligtasan ko ate?"

"Hmmmm. Hindi! May aatendan kasi akong party, walang magbabantay dito sa bahay. Mabuti naman at nandito kana."

So ginawa pa talaga kong care taker ganun. Kung magbabantay lang pala ako ng bahay dapat sinabi niya agad, ilang oras na kaya akong nakatayo sa may gate, may maidahilan lang nung nawala ako. Ang galeng! Pisti! Dahil sa inis ko pumunta na lang ako ng kwarto. Kainis! Sa pagiisip ko biglang tumunog phone ko.

"Hello, Text ba toh"

"Baliw ka talaga Kim"

"Oh Nico bat ka napatawag?"

"Hmm yung pinamili mo dyan na sa kwarto mo".

Oo nga pala yung pinamili ko. Mabuti naman.

"Sige salamat Nico"

"Wait!"

"Bakit?"

"Wala ka bang planong magenroll bukas!"

Star Stuck (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon