Star 5

207 8 0


Kim's POV

Na alimpungatan ako sa isang kakaibang tunog

TIK TILA OK MIAW MOOOO AW AW

Kaloka namang sound yun. May bagong species na ba ng hayop ang na discover. O baka na eksperimentan. Kawawang nilalang. Baka katulad sila nung napapanood ko sa TV yung mga pagong.Yung naging myutant. Ano nga yun? Hmmm ano Myutant Nenja Tortels. Ayun! Baka ganun sila.

Nagpaulit ulit tumunog yung sound na yun. Hanggang mapagdesisyonan ko ng buksan ang aking mga mata. Syempre mata yung bubuksan, alangan naman Ilong. Anuyun! Pinakiramdaman ko ang paligid. Wait! Nasan ako? Gosh! Wit! Sino to? Nakatingin ako sa brasong nakapulupot sa akin. Si Jun Ho lang pala. Yes si Jun ho lang pa---- What??

Bakit ko to katabi? Rapist ba to? May gusto ba to sakin?

Unti unti kong tinanggal ang braso niya sa katawan ko. At sa wakas nagawa ko rin. Kasi sa ibang story pag ganitong setup, biglang na lang yayakapin ng mahigpit si Bida. Pero buti na lang heavy sleeper itey. At nalaman ko rin na yung kakaibang sound kanina at galing lang sa baliw na to. Da hek hilik lang pala. May ganun bang hilik? Kung may ibang Tao lang dito, sigurado ma tuturn off na yun dito.

Sinubukan kong tumayo pero di ko kaya. Napansin ko rin ang konting galos sa braso't binti ko. Oo nga pala nag exhibition ako dahil sa dakilang kung sintas kaya nadapa ako at nag rolling in da dip pababa ng hill. Galing din minsan ng sintas ko, ang galing. Bigyan ng jacket yan! Sa sobrang galing mapapamura ka na talaga. Pisti! Yung sintas ko na yun para lang yan sa love, alam mo na kasing di maayos ang pagkakatali; na may mali, na may hindi tama(kaya nga Mali eh!), di mo na inayos agad. Ayun! Nung nakawala at nawala sa buhol, pinagsisihan mo kasi sa huli ikaw yung nasaktan. Tanga lang bes ano? Kung ako ang dakilang judgemental, dakilang bitter din ako noh! At ang aking lifetime motto is Walang Poreber. Eh! Kung may Poreber, edi magugunaw na ang mundo. Pano ko nasabi? Eh! Wakas na talaga ang mundo, yang mundong iniikutan niyo. Yung mundong ginagamitan niyo ng puso't isipan niyo. Kung may Poreber, tanong ko lang; Crush ba kayo ng crush niyo? Di ba hindi! Kaya wag nang naniniwala sa maling pananaw, kasi sa huli masasaktan ka lang. At kung ipagpipilitan niyong may Poreber, ay congratulation! Kasali kana sa grupo ng mga dakilang Tanga!
Kasi kung may Poreber sa tingin niyo, Bakit merong mga taong  paasa? Bakit may mga manloloko? Bakit may mga taong hindi makuntento? Diba? Dahil kung may Forever mabubuhay tayo ng nagmamahalan. Hindi man natin masasabing Perpekto, pero masasabi nating masaya. Ano ang status ng mundo Ngayon? Diba hindi ganyan! Lokohan dito, landian doon! Away dito, Batian doon. Ang gulo diba? Kaya hindi niyo mababago ang pananaw na WA.LA.TA.LA.GANG.PO.RE.BER. Period No Erase!
Ganern!

Pinilit ko paring tumayo pero hindi ko talaga kaya. Paulit ulit, paulit ulit. Kahit alam ko ng di ko na kaya at nasasaktan na ko. Sinusubukan ko parin, kase alam kong para naman to  sakin eh! Hala! Humugoat. Sinukuan ko na lang ang pagtayo at itry ko na rin gisingin ang ugok na to.

"Hoy Gising!" Sigaw ko. Nagising naman siya.

"Bakit???"

"Tinatawag na ko ng tanghalan"

"Ano??"

"Kalikasan pala!

" Oh! Yun naman pala. Edi pumunta ka!" Sigaw niya sakin. Aysssh, An sama! Kainis!

"Di ko kaya, Tanga!" Sigaw ko at impermes na hulog siya sa kama. Lakas ng sigaw ko. Nagtataka nga ako minsan, May superpowers ba ako? Baka anak ako ni goku. Nag ha hame hame weyb ang bunganga ko. Baka ganun. Buti nga sa kanya. Bilis ng karma noh. May nag sabe nga sa akin na, "Ang karma parang pelikula, kung hindi showing, malamang coming soon".  Bwahahahahahahahahaha Miaw!

"Hinaan mo nga boses mo!"

"Eh sa kung ayaw ko, Anong magagawa mo? Aber?"

"Isa pang sigaw at may ipapasubo ako sayo! At sisiguraduhin kong wasak yang lalamunan mo!" Sabi niya. Na kyoryus naman ako dun. Ano kaya yun? Matanung nga.

"Ano ba yun? Bagay?"

"Hindi"

"Tao?"

"Pwede"

"Parte ng katawan?"

"Oo, at wag ka ng magtanong kung ayaw mo mawalan ng lalamunan" diin niyang sabi. Ano yung braso niya yung ipapasubo niya sakin. Ganun! Ang sama nagtatanung lang naman. Crimen na ba ang magtanong? Binuhat niya ako at dinala niya ko sa kwarto niya. Charot! Sa CR lang naman. Nag wishiwish na ako at lumabas. Ay! Impernes nakakalakad na ako. Yehey! May himala! Mali ka Nora Aunor! May himala kaya! Bitter ka lang. Che! Naglakad na ko palabas ng Guest room at tinungo ang kusina. Nakita ko siya dun nagluluto. Marunong pala siya mag luto. Napansin naman niya ang presensya ko.

"Halika na" sabi niya. Pumunta na ako at naupo kaharap siya.

"Eto oh" sabi niya sakin at saka inabot ang isang plato ng may lamang ano? Ano kwan! Ano toh?

"Ano toh?"

"Pancake"

"Ano! Pangkek!"

"Pancake Hindi Pankek. Taga san ka ba talaga? Agta ka ba?" Nagtatakang tanong niya. Nakakahurt naman yun. Okay lang naman kung sinabi niyang Indejen-- Ano ba yun? Endejin-- Basta! Agta na nga lang. Pero nakakahurt pa rin. Ganun ba ko ka bobo pagdating sa inglis. Maitim ba ko para sabihin mong agta ako. Bakit? Pangit ba ko? Kapalit palit ko? Den way?

"Eh, parehas lang yun. Magkatunog naman!" Pangangatuwiran ko.

"Its not the same!" Sabi niya.

"Yeah, its not" isang tunog na galing sa kung saan. May multo ba dito. Mama! Baka meron. Pinapakiramdaman ko ang paligid. May nararamdaman akong masamang chakra. Tumingin tingin ako sa paligid at narinda ko sa nakita ko. Itong huklubang koreyanong manager na kailangan ng eye transplant na kanina pa tawa ng tawa.

Tiningnan ko siya ng masama. "What?" Sabi niya.

"Isa pang tawa at papakainin ko to sayong lahat hanggat mabulunan ka at magmukha kanang bola ng kanyon. Dadalhin kita sa luneta park saka Iuuntog ko yang ulo mo dun sa mga lalakeng nakatayo sa monumento ni Rizal. Dadalhin din kita sa marawi saka ipapapatay kita sa mga Maute at babalik tayo dito saka ibabalandra ko yang patay mong katawan na may naka sabit na " Adik ako"!" Sigaw ko sa kanya. Hala kelan pa ko naging Ekstra Judishal Keller. Nakakainis talagang Durang toh!

"He's crazy" sabi nitong ugok na to.

"Oo baliw  ako! Baliw lang ako!!" Ano to! Nagdradrama ba ko.
Drama ba toh author. Dapat inimporm mo naman ako. Kakain na sana ako ng biglang magring ang phone ko.

"Hello?"

"Nasan kana???!!!"

Hala lagot..

Itutuloy...........







Star Stuck (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon