Stuck 2

297 11 1


Kim's POV

Nandito kami ngayon sa airport. Ngayon na Kasi alis ni Mama papuntang Cebu. Bago siya umalis ang daming pinabilin si Mama.
●Bawal daw akong magpagabi baka kasi ma rape.
●Bawal magpapasok ng lalake sa bahay tas etc.

Sino naman ang hahamak na mag rape sa isang katulad ko. At bakit naman ako magpapapasok ng lalake sa bahay ano ko kaladkarin! No way.

"Sige na nak alis na ko" Sabi ni Mama sakin at yinakap ako ng mahigpit na mahigpit.

Yinakap din ni Mama si Ate saka Umalis na dala dala ang kanyang maleta. Pakatapos ng mahabang pagpapaalam ay napagpasyahan na naming Umuwi.

Pagkadating sa bahay, may inabot na Pera sakin si Ate.

"Ano yan?" tanong ko.

"Pera malamang, pambili mo daw ng gamit mo sa school" Sabi niya.

Pasukan na Pala next next week nakalimutan ko. Tumango na lang ako sabay kuha nung Pera.

Umakyat na ko papunta sa Kwarto ko at sinimulan ng ipikit ang mga Mata ko. Gabi na Kasi kaming nakauwi galing sa airport.

Kinabukasan..............................

Gumising ako ng maaga Para pumunta ng mall. Napagdesisyonan ko kasi ngayon ako mamimili ng gamit ko sa school. Bumaba na ko Para makapagalmusal Para narin maaga akong makaalis.

"Oh! Gising kana pala!" Bungad sakin ni ate.

"Ay Hindi pa, tulog pa ako" sarcastiko kong Sabi Habang naglalakad napunta sa la mesa. Uupo na sana ako ng.....

"기다려! Kidaryeo!" Saad ni ate.

"Ano? Kabayo! Saan? saan?" sabi Habang tumitingin sa paligid.

"Sabi ko TEKA MUNA! Bumili ka na muna ng ketchup dun sa labas" Kuda ni ate sabay abot ng Pera sa akin.

"Kabayo ka ng Kabayo! Eh wala naman" Dagdag pa niya.

"Meron!" Sabi ko.

"Saan?", tarantang Sabi niya.

"Ayan sa harapan ko, kinakausap nga ako". Pigil Tawa kong Sabi.

"Ikaw!!!!!!!" galit na sigaw niya.

Bago pa niya ko mahabol ay ma bilis na akong nakatakbo palabas ng bahay. Pag dating sa tindahan.....

"Pabili nga po?" Sabi ko.

"Ano Yun Miss? Ako? Ay sorry Hindi ako pwede ngayon may pupuntahan ako" Saad nitong lalake sa harapan ko na sobrang hangin.

"Wag ka ngang pa epal Nico, Pabili ng ketchup Yung sa sachet." Sabi ko sabay abot ng bayad.

Iaabot na sana niya ng biglang binawi niya agad.

"Nico ano ba?" Inis kong Sabi.

"Kiss muna" sabi niya sabay nguso. Essh nakakakilabot.

"May pupuntahan pa ko kaya pakibigay na lang nung ketchup Kasi magaalmusal pa ako. Pag hindi mo ibigay, chachop Chopin ko katawan hanggang mapino saka ilalagay ko sa isang drum at ipapatapon ko sa ilalim ng pacific Ocean". Sigaw ko Kaya ibinigay naman niya. Natakot ata. Hehehe.

"Saan ka pala pupunta? Sa mall?" Sabi niya. Pano niya na laman na sa mall ako pupunta. Manghuhala ba toh?

Tumango na lang ako. Sabay lakad pa puntang bahay.

"Sabay na tayo ahh!" Sigaw niya.

Pakatapos magalmusal,maligo,magbihis. Pakatapos gawin ang lahat ng bagay ay Gumora na kami ni Nico papuntang mall. Sumakay kami sa jeep.

Pagkadating sa mall ay agad naming tinungo ang National Bookstore. Pagkatapos ay naglakad lakad muna kami. Marami pa kasing oras. Napagdesisyonan namin na kumain na muna kami, kanina pa kasi kami lakad ng lakad tapos hindi pa kami naglulunch. So Gumora kami sa McDo.

After naming kumain ay naupo na muna kami sa isang bench. Ay wait mali ata.. ako lang pala ang nakaupo. Nag volunteer Kasi tong ugok na to Bumili ng Sundae. Sabi niya maghintay na muna ako dito. Libre niya daw, Kaya hindi na ako nakatanggi. Sa paghihintay ko may na kita akong lalake na naglalakad tapos na ka hood ito na black. Nahulog nito wallet niya kaya kinuha ko tapos hinabol ito hanggang mapadpad ako sa isang sulok. Pagdating ko wala na yung lalake.

Sa kasalukuyan may nakikita lang akong pinto na may nakadikit na papel sa labas. AUTHORIZED PERSON ONLY. Aalis na sana ako ng may narinig akong boses sa likod ng pinto. Hindi ko maintindihan yung sinasabi. Bubuksan ko na sana kasi baka yun yung lalake kanina ng bigla naman itong bumukas galing sa loob. So ang kinalabasan ay na untog ako ng sobrang pagkalakas lakas dahilan din para matumba ako.

"궨찮아 Gwenchanha? .... Uhmm I mean Are you Okay?" Saad nung lalake sabay abot nung kamay niya.

"Ahhhh.... Yes I'm Okay"  sabi ko naman habang hawak hawak parin Yung ulo ko. "Nandito ako Para ibigay Yung wallet mo, nahulog mo kasi kanina" Dagdag ko pa sabay abot ng wallet niya. Hanggang ngayon hawak hawak ko parin ulo dahil sa sakit.

"Okay, Thank you."

Tinaas ko yung ulo ko Para ngitian siya pero.....

Hala......

Ngayon Talaga.....

No way........

Totoo ba to!........

Hindi ako makagalaw dahil sa gulat.

Humarap siya sakin.

"I'll give you a free ticket to my concert just please don't shout my name" sabi niya at tinakpan ng kamay niya ang bibig ko. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa mga nangyari.

Bigla na lang tumunog ang CP ko na bumasag sa katahimikan naming dalawa. Mukhang may nagtext.

Nico's POV

Pagdating ko dun sa Bench ay na pansin kong wala si Kim pero nandito ang pinamili niya. Mabuti nga at Hindi na naraw. Nag hintay muna ako, baka nag CR lang. Pero makalipas ang ilang minuto wala parin siya kaya sinimulan ko ng hanapin siya. Hanggang makita ko siya sa isang sulok na may kausap. Kaya napagtanto ko, na dalhin na lang ang gamit niya. Tinext ko na din siya na uuwi na ko at dadalhin ko na rin yung gamit niya. Pagkatapos nun ako nagsimula na akong lumakad palabas ng mall.




Star Stuck (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon