CHAPTER 4: Demonic Eye Gang (D.E.G)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Of course I am!"

Kami na lang pala ang natira dito.

"Waaah! Mirs, we really miss you so much." Zils said happily while hugging me tight.

"Yeah, we really miss you!" dagdag pa ni Sandy at nakiyakap din.

"Can't breathe, guys!" sambit ko habang tinatanggal ko 'yong pagkakayakap nila sa 'kin.

"Oh sorry, hehe!"

"Ganda mo ah!" bati sa 'kin ni Zils sabay tulak ng balikat ko. Talagang may pagtulak?

"Tss! Ngayon mo lang nalaman? Tagal na ah. Since birth to 'no!" I said sarcastically.

"I mean, mas gumanda ka kasi." Zils

"Well, ang ganda mo nga Mirs, mas gumanda ka." Patango tango pang sambit ni Sandy.

"I know it." Mayabang kong sagot.

"Pero ang ganda mo talaga, Mirs," sabi ulit ni Zils kaya napakunot ang noo ko. Ano kayang kailangan ng babaeng ito? Pasalubong?

"Zils, I know. Paulit ulit?" taas kilay kong tanong.

"Kami ba? Wala ka man lang bang napansin sa amin?" tanong ni Zils habang nilagay pa 'yong kamay sa chin niya sabay ngiti at kumindat pa. Ah, gets.

Pinanliitan ko siya ng mata at kunwaring nag iisip.

"Well, tumangkad ka na," sagot ko dahilan para sumimangot siya.

"Fine. Ang ganda niyong dalawa. Mas gumanda kayo ngayon. Promise!" I said sarcastically habang patango tango kasabay ng pagtulak ko sa balikat ni Zils gaya ng ginawa niya sa 'kin kanina. But it's true naman na gumanda talaga sila lalo. Inaasar ko lang talaga si Zils pero mas maganda pa rin talaga ako.

"Sus, maliit na bagay Mirs ikaw naman," sambit niya sabay hampas sa balikat ko, napa irap na lang kami ni Sandy, haay! Zils talaga.

"So guys, let's go to our dorm muna, besides wala naman ’yong prof natin."

"Kaya nga, lets go!"

Habang naglalakad kami papuntang dorm ay biglang nagsalita si Sandy.

"Buti na lang talaga at nakapagpigil pa rin ako kanina. Alam mo bang ang tagal ko ng nagtitimpi sa mga gag*ng ’yon?!" nanggigigil na sabi ni Sandy.

"Sino ba kasi ’yong mayayabang na ’yon? Kung makaasta sila akala mo kung sino?" tanong ko sa kanila.

"Mirs, one week pa lang kaming nandito at nakilala lang namin iyong mga ’yon nung Friday." Sambit ni Sandy.


"Noong nagmamadali kaming tumakbo papunta sa elevator papuntang 3rd floor, doon kasi ’yong room natin eh, kaso umepal ’yong mga ’yon. Ayun pinabayaan na lang namin para walang gulo, kasi nga ’di ba bago bago na tayo?" dagdag naman ni Zils.


Hindi ko na maintindihan ang pinagsasasabi nitong dalawa sa sobrang daming sinasabi. Ang gulo pa magkwento gawa ni Zils.

Puro matataas na building ang nadadaanan namin. Limang magkakasunod at pantay pantay ang mga building sa part na ito. Tumigil kami sa pang apat na building. Binuksan ni Sandy ’yong gate. Ito na ata ’yong dorm building namin.

Rodavlla Samiera University: The Unreliable |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon