Chapter 7

949 44 7
                                    

Steal 7

Nakapangalumbaba ako habang nakatingin kay Austine. Puro siya inom. Imbes na pumunta siya sa Ospital, talagang kinareer niya yung pagba-bar.

"Pwede bang tapusin mo na 'yan? Pupunta pa tayo sa Ospital. Na-text ko na yung secretary ng Nanay mo. Alam ko na kung saang ospital siya napunta. "

Pinaningkitan niya ako ng mata bago ngumisi ng nakakaloko. Lasing na nga siya. Hindi naman mahilig ngumisi 'tong lalaking 'to e.

"I don't want to, " parang bata niyang sabi at umiling-iling pa. Hay nako... Ang cute niya pero naiinis pa rin ako. Hindi siya dapat nandito e.

"Pero Nanay mo siya. Dapat nandun ka. Alis na tayo, please? "

Umiling siyang muli at lumagok ng alak. Hay nako... Ang tigas ng ulo niya.

Nang iinom na ulit siya, kinuha ko yung baso niya at inisang lagok. Napangiwi ako sa kapaklaan nito. Mas type ko pa yung lambanog.

"Inumin ko yun e! Ibalik mo yun! Ibalik mo! Bad ka, Yla! Bad ka! " he rants like a child.

Napa-face palm ako sa ginawa niya. Nagdadabog siya na parang bata. Patience, Ylaina. Patienc---

Nabasag yung baso sa ginawa niya. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Kanina pa to e. Nakakainit ng ulo.

Tumabingi ang mukha niya sa ginawa ko. Sinampal ko siya ng ubod ng lakas. Magising na sana siya sa kahibangan niya.

"Did you just slap me? "

Tinaas ko ang kilay ko at taas noo siyang tiningnan. "Oo! May angal!? "

Napatuptop ang bibig niya. Umiling siya habang nakayuko. At gaya kanina, bumalik na siya sa pagiging masungit at cold. His face looks expressionless. But i feel like he's a lost child.

I sighed and touched his hair. I ruffled like how i ruffled Rusting's dog. Napangisi ako ng maalala ko yun. Austine would surely be furious if he would be in right state.

"Bakit ba ayaw mo pumunta sa Ospital? May phobia ka ba dun? " tanong ko na lag sa kaniya at pasimpleng binalik sa bartender yung alak.

The bartender eyed me like he's saying 'What are you doing', but i just shooed him away. Naiinis din ako sa kaniya e. Kanina ko pa sinasabing palitan yung drinks ni Austine ng juice o kaya tubig, ayaw naman makinig. Tss.

"My Mom... I hate her. She controls me in every way. Kaya ayoko pumunta dun. I decided to not go to her para matuldukan na yung pagkontrol niya sa akin. I really hate her. "

Napatingin ako sa kaniya. Umiiyak ba 'to?

"She is still your Mom, Austine. Hindi ka dapat ganun sa kaniya. Afterall, siya pa rin ang nagluwal sayo. Siya pa rin ang nagdala sayo sa loob ng siyam na buwan. She might need you there, Austine," suhestiyon ko.

Inangat niya ang ulo niya at matamang tumingin sa akin. He held my cheek and my face becomed flushed. Nahuhulog na naman ang puso ko sa mga gestures niya. Punyeta naman this.

"How could you say that, babe? Siya ang dahilan kung bakit kami iniwan ng Daddy ko. My dad left us because of her. He is still here, but he is not even talking to me. Ayaw na niyang makasama kami. Tell me, Ylaina. How could i care for her when she is the reason why my Dad left us? "

Steal your Heart ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon