Chapter 2

1.2K 52 14
                                    

Chapter 2

"You again? " parang walang emosyon nitong sabi.

Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. "Ikaw yung may condom sa wallet. Grabe, mayaman ka pala talaga," pagtatanto ko rito.

Pinaningkitan niya lang ako ng mata. He lazily went inside the condo unit. At dahil curious ako, pumasok ako sa loob. Pinigilan pa nga ako ni Mang Dencio, pero nag-shh lang ako sa kaniya at tinapik ang kamay niyang nakahawak sa kin.

Tuwang-tuwa akong humiga sa sofa. Ang lambot naman. Iba talaga pag anak mayaman.

Kaso, may isang bagay akong kinaiinisan. Ang kalat-kalat! Nakakaloka! Uso mag-hire ng katulong ah.

Nakakita ako ng sosyaleng wine. May natira pa sa isang kopita kaya ininom ko ito. Mesherep.

"Why the hell are you inside?! " biglang sigaw ni... Ahm... Ah huh! Austine.

Kinunotan ko siya ng noo at nagkibit balikat. "Kasi wala ako sa labas? "

Tumalim ang tingin nito sa akin. "Out! " sigaw niya pa at tinuro ang pinto.

Nakita ko sa labas si Mang Dencio. Mukhang kinakabahan din siya sa Austine na to. Nangangain ba to, at takot na takot siya?

I crossed arms above my chest and raise my left eye brow to him. "Ayoko nga! Pinagmadali mo si Mang Dencio dito tas hindi ka pa naman pala nakakaligo. Tas ayaw mo pa kaming papasukin sa condo mo. Hoy! Fyi! Hindi ako nagpapatangkad para tumayo lang sa labas no! " lakas loob kong sabi.

Hindi ko na tiningnan ang mukha niya. Pumunta na lamang sa may tv at sinaksak iyon. Kinuha ko ang tatlong remote na nakita ko. Bakit ba tatlo-tatlo ang remote neto? Isa lang naman yung tv niya.

Bumalik ako sa sofa at isa-isang sinubukan ang mga remote. Yung pangalawa sa nakita ko ang tumamang remote para sa TV. Yahoo!

"Are you serious!? Nag-uusap pa tayo tas TV kaagad ang inaasikaso mo?! " sigaw pang muli ni Austine.

Napabuntong hininga ako at tumingin sa kaniya. "Anong serious? Hindi naman tayo para magseryoso ko sayo. At bakit hindi yung TV yung aasikusuhin ko? Haler! Maligo ka na kaya no? May shooting ka pa, FYI lang po. Kaya shupi! Dun ka na nga sa CR mo. Iniistorbo mo ko e. "

He looked at with unbelievably look. Napasabunot ito sa buhok niya at saka pumasok sa isang kwarto. Yun na yata ang CR.

Ang lakas ng pagkakasara niya ng pinto. Ano bang problema nung artistang 'yun? Nagbago na isip ko. Hindi na lang pala ako mag-aapply sa company nila. Baka araw-araw kaming magkita, at araw-araw din kami magbangayan.

Biglang nagpatalastas at nakita ko si Ervin. Napa-tsk ako habang pinapanuod yung commercial niya. Mukha siyang mabait at loyal sa patalastas. Pero josko! Mas malandi pa yan sa pusa ng kapitbahay ko e.

Lagi yan nasa coffee shop namin. Close nga yan kayla besh e. Kilig na kilig ang mga loka. Alam naman nilang babaero yun, pero pinapatulan pa rin nila. Ewan ko ba dun.

"Nakakasora talaga tong mukha ni Erbin! Ang lakas maka-gentleman sa TV, e mas malandi pa yan sa pusa ng kapitbahay ko e. Mapagpanggap ang g*go," bubulong-bulong ko.

Steal your Heart ✔Where stories live. Discover now