Chapter 11

287 8 4
                                    

Steal 11

Doon na ako inatake ng hiya. Sumiksik ako sa dibdib ni Austine at doon nagtago. I could feel his laugh. And f*ck! His heart beat is fast as mine. What does this mean?

"F*ck off! Inggit ka lang, dude. Inggit ka lang!" sabi pa niya at niyakap ako ng mahigpit. Mas lalo akong nahiya. We kissed again. And it's in f*cking infront of his and my friend. Asan ang delikadesa ko nun?

"Yeah. Naiinggit ako. Ylaina! Just tell me where Anne is. I'll make it up to her. I... miss her," biglang naging seryoso ang boses niya.

Doon ako napatigil at saka lumayo kay Austine. Akmang lalapit na naman siya sa akin at hahawakan ako sa bewang pero hinampas ko kaagad 'yun.

Para naman siyang batang naagawan ng candy. Pero pinanlakihan ko lang siya ng mata. "Heh! Magtigil ka! Nakahalik ka na naman sa 'kin. Punyeta ka! Wala na 'kong naging matinong kiss. Napunta na nga sa 'yo 'yung perst, pati ba naman 'yung sikond kinuha mo rin? Tsk! Lumayo-layo ka sa 'kin. Sa boyfriend ko ibibigay yung pangatlo ko," sabi ko at inirapan siya saka tumingin kay Ervin. Tama 'yan. Naging marupok lang tayo, Ylaina. Wag tayo magpapaloko kay Punyetang Austine.

"Ikaw. Pinili mo si Michelle kaysa kay Anne. Nasaktan mo siya ng bonggang bongga. Huwag ka nang umasang babalikan ka pa niya. At kung sakali mang mahanap mo siya, she would never forgive you. Kaya kung gusto mo lang ng kalandian, pwes maghanap ka na ng iba. Hindi na ulit magpapakatanga sayo ang kaibigan ko," seryoso kong sabi.

My friend is playful but that doesn't mean that she don't have a heart. Berjin pa nga yun nung una e. Pero etong siraulong to, kinuha ang puri ng kaibigan ko. Hindi naman pala kayang panindigan. Punyeta rin to e.

Nanlamig ang mukha niya at parang tinakasan ng dugo. Nagtagis bagang ito at napakuyom ng kamao. "I know i became a jerk. Pinagsisisihan ko yun. I was coward enough that time. But I'll make it up for her. Kahit ano gagawin ko para bumalik lang siya sa 'kin. I miss her so much, Ylaina. Hindi ka ba naaawa sa kin? 2 years, Ylaina. Ilang taon ko na siyang hinahanap. Pero wala pa rin. " napangiti ito ng mapait. "Nakabalik ka na lahat-lahat, pero siya wala pa rin. Pakisabi naman sa kaniya oh. Miss na miss ko na siya. Please tell her to come home. Here. I want to see her. I can't function well without her. I f*cking love he---"

"Hold on there." Biglang umurong yung luha na nagbabadya na sanang tumulo. "Masyado ka ng corny. Punyeta ka! At pwede ba? Huwag mo itutuloy 'yang sasabihin mo. Gasgas na gasgas na 'yan sa tenga ko. Lagi na lang ganyan. Nakakasawa na," inis kong sabi.

"Bakit, kasi marami nang nag-I Love you sa'yo, Ylai? " naka-smirk na sabi ni Baste.

Napangiti ako at hinawi ang buhok ko na parang yung nasa TV. "Enebe nemen yen. Di akoe priperd. Naaalala ko tuloy shila," sabi ko at napapadyak pa sa kilig.

"Stop that. I'll kiss you again if you don't stop that. "

Napatikom ako ng bibig at napangisi sa kaniya. Sinong tinakot nito? "You're not the boss of me, Austine. Dati lang 'yun. Ex ka na ngayon! " taas noo kong sabi at tumingin kay Ervin.

"Hindi pa nga nagsisimula, Ex na agad. Tss. "

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano?! May sinasabi ka, Austine? "

Ngumiti siya ng nakakaloko. "Wala, babe. Love you! " sabi pa niya at nag-wink. Putspa!

Hindi ko na pinansin si Austine. Masyado na siyang nakakakilig. Pulang-pula na yung pisngi ko. Sobra-sobra na sa kilig. Hindi naman niya ko kaya saluhin pagnahulog ako. Kaya I decided to talk to Ervin again.

Steal your Heart ✔Where stories live. Discover now