Day 27.5

5.9K 183 37
                                    

3:36 am


Umiiyak na humakbang si Cassey gamit ang kaliwang paa niya at kinakaladkad na lang niya ang kanan na sadyang dagdag sa kaniyang papasanin.

Muli ay naabutan siya ng babae at hinablot na naman ang buhok niya. Do'n ay walang habas na inuntog ang mukha nito sa pader na panandaliang nagpadilim sa paningin niya at nagpawala sa kaniyang balanse.

Hinang-hina na at wala ng lakas pa si Cassey para lumaban o tumakas man lang. Binitawan siya ng babae at siya'y bumagsak sa sahig na umuungol.

Wala na siyang nagawa pa kung hindi ang tanggapin ang katotohanang sa sitwasyong iyon ay siya ang talo. Wala siyang nagawa kung hindi magdasal at nanalig sa Panginoon sa kaniyang kahihinatnan.

Kumawala ang sigaw mula kay Cassey nang maramdaman niyang ikiniskis ng babae ang palakol nito sa kaniyang mukha. Hiniwa nito ang kaniyang pisngi na nagdulot ng pagtagas ng dugo na kumalat sa mukha niya. Hindi pa nakuntento ang babae at pinadaan pa ang talim ng palakol pababa sa kaniyang leeg.

"Ta-tama na..."

Sigaw na lang ng pagmamakaawa ang nagagawa ni Cassey upang tiisin ang sakit, wala na siyang lakas pa para kumilos at pigilan ang babae. 

"M-maawa ka..."

Hanggang sa naramdaman niyang wala na ang presensya ng babae.

Pagdilat ng mata niya ay hindi na niya nahagilap pa ang babae. Tanging siya na lang na nag-iisa ang naroon sa tabi ng pasilyo at umiiyak sa sariling sitwasyon; iniinda lahat ng sakit ng sugat at tinatawag ang pangalan ng ina.

Gumapang siya, ginagamit ang sariling dugo na nagkalat sa sahig upang dumulas ito at maitulak siya. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa kaniyang paningin pero patuloy pa rin siyang gumagapang.

Ngunit ang akala niya ay tapos na ang lahat.

Sa dulo ng pasilyo ay naaaninagan niya ang bulto ng tatlong naglalakihang aso na nakaharap sa direksyon niya. Dinig na dinig niya ang dagundong ng mga angil ng mababangis na aso na naghatid ng kilabot sa katawan niya.

Tanggap na niya...

Alam na niya ang kaniyang kahihinatnan at iyon ay ang kamatayan.

Sa puntong ipinikit na niya ang kaniyang mga mata ay sinugod siya ng tatlong naglalakihang aso't inatake nito.

Bago pa nawalan ng ulirat si Cassey ay naramdaman niya ang pagbaon ng malalaki at matutulis na ngipin ng aso sa kaniyang laman—tinitiris ito at nginunguya ng buo. Pinagpiyestahan ng mga aso ang katawan ni Cassey. Kinakagat at kinakain ang preskong laman nito.

Ilang minuto lang ay gutay-gutay na ang laman ng dalaga nang kaladkarin ang bangkay ni Cassey ng mga aso—hinihila ito papalayo, patungo sa lungga nila.

X E N O N ' S   N O T E

Up next! Epilogue/Last Day
Thank you!

Thomas, [Book One]Where stories live. Discover now