Day 27.3

5.6K 183 24
                                    

3:25 am

Kumaripas ng takbo si Cassey kahit na nakapaa lang ito.

Ramdam niya ang pagbaon ng mga mumunting bubog na nagkalat sa sahig na nagdulot ng kaniyang pagkasugat, ngunit mas nanaig ang takot niya kaya balewala lang ito.

Panay sa paglingon ang dalaga upang alamin kung hindi na nakasunod ang doktor at laking-pasasalamat niya nang makita itong nanatili lamang sa huling pwesto at tinitignan lang siya na tumatakas.

Subalit, hindi tumigil si Cassey at nagpatuloy lamang ito sa pagtakbo hanggang sa siya ay lumiko sa kanan ng pasilyong tinatahak.

Ngunit, sa pagliko niya ay sinalubong siya ng nakakahindik na hitsura ng babaeng sunog ang mukha na wala ng buhok.

Namumula-mula ang mukha nito dahil sa pagkalapnos at may kulay dilaw na may halong berdeng likido ang lumilitaw sa mukha nito—nana. Hindi lang ang mukha nito ang nasunog at pati na rin ang buong katawan.

Wala itong ni isang saplot na suot nang magsimula itong humakbang papalapit sa kaniya. Ang kamay at braso nito'y baliko at nasa maling ayos animo'y sinadyang baliin ng sinuman. Malalaki ang hakbang nitong paisa-isa na may kalakip na tunog ng butong nababali at lamang namamasa-masa na napipiga. At ang nadadaraanan nito ay nag-iiwan ng bakas ng dugo.

Tangan-tangan ng babaeng duguan ang isang kinakalawang na palakol na handang-handa na gagamitin para kay Cassey.

Sa kabilang dako ay halos kapusin na sa hininga si Cassey dahil sa kaba. Bawat hakbang papalapit ng babae ay siya ring pag-atras niya. Ang mga titig niya'y nakapako lamang sa babae 'pagkat ayaw niyang mawalay ito sa kaniyang paningin at baka makakaligtaan niya ang pagkakataon.

Hanggang sa labis ang pagkasindak nito nang biglang sumugod ang babae patungo sa gawi niya at inatake siya nito.

Thomas, [Book One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon