Day 19.1

8.9K 387 19
                                    


5:23 am

Mula sa isang panaginip ay nagising si Cassey na sapo-sapo ang dibdib dahil sa mabigat na paghinga. Sa isipan niya ay hindi mawaksi ang masamang panaginip na gabi-gabi na lang niyang dinaranas.

Sa katahimikan ay pinulot niya ang kaniyang cellphone sa bedside table at tinignan ang oras. Nalaman niyang mag-uumaga na pala, kaya umupo siya sa kaniyang higaan at nagbalak na i-message ang kaniyang yumaong nobyo.

"Teka..."

Laking pagtataka niya nang mapagtantong wala ng ni isang message ang natira sa kaniyang messaging app. Lahat ay naubos pati na rin ang iningat-ingatan niyang thread nila ni Thomas.

Isang malaking palaisipan sa kaniya sa kung sino ang may gawa nito.

Thomas, [Book One]Where stories live. Discover now