Day 22.8

9.2K 325 354
                                    

Sa takot ay napasigaw si Cassey at naihagis ang sariling cellphone

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa takot ay napasigaw si Cassey at naihagis ang sariling cellphone. Sa lakas ng pagkabato niya ay tumama ito sa pintuan at tuluyang nabasag nang lumapat ito sa sahig.

Isang malaking pagkakamali na hindi siya kaagad tumakas o tumakbo man lang at sa kung saan niya ito hinagis, 'pagkat  nahagip ng mga mata niya ang magkapares na nabubulok na mga paa sa siwang ng pinto—nilalangaw at duguan.

Bigla siyang kinabahan sa nakita at napatigalgal.

Sa isang iglap ay unti-unting bumukas ng pintuan at lumangitngit ito na naghatid ng kilabot kay Cassey.

Naroon siya.

Hindi kumukurap ang mga mata nitong dilaw na dilaw habang nakatitig kay Cassey. Tabingi ang ulo 'pagkat nabali ang leeg nitong may malaking hiwa. Ang magkabilang braso ay nakalaylay na parang nanlalanta ang ang mga daliri'y nakaturo sa kung saan-saang direksyon na halatang binali ito at pinilipit.

Isang demonyo...

Demonyong matagal nang kumakapit kay Cassey. Demonyong kasama niya sa panahong nami-miss nito ang nobyo. Ang demonyong nagbalat-kayo bilang si Thomas.

Unang hakbang...

Humakbang ang inaagnas na binti ng babae. Kusang napaatras naman si Cassey bilang antipasyon sa takot sa demonyo.

Ikalawang hakbang...

Bumakat sa sahig at nag-iwan ng marka ang mga paa ng demonyong naliligo sa dugong nabubulok. Umaalingasaw ang amoy nitong nakakasulasok na sinsundan ng naglalakihang mga langaw.

Ikatatlong hakbang...

Hindi na kinayanan ni Cassey ang nakakadiring tanawin at tumili ito ng ubod ng lakas upang humingi ng tulong. Ngunit parang walang nakakarinig sa kaniya. Tagaktak ang pawis nito at nanginginig na sa takot.

Walang lakas ang tuhod nito, ngunit ang panghihina niya'y hindi alintana 'pagkat bigla na lang itong napatakbo. Pero sa pagtalikod niya ay bumungad kaagad ang mukha ng demomyong kanina'y nasa pintuan pa lang. Sobrang lapit lang ng pagitan ng mga mukha nila na ikinaputla ni Cassey.

"M-maawa k-ka..."

Hindi na nakatakas pa si Cassey nang bigla siyang sakalin ng babae. Bumakat sa leeg nito ang matutulis na mga kuko ng demonyong may karumal-dumal na katawan. Ito'y mas lalong bumaon pa na nagdulot ng pagdurugo.

Napahawak siya sa braso nitong inaagnas kahit nandidiri, pilit pinaghahampas at inaalis upang ito ay bumitaw. Ngunit hindi talaga, masyadong mahigpit ang pagkakasakal sa kaniya na nagpapahirap sa kaniya sa paghinga.

"T-tulong..." Mahinang iyak ni Cassey.

At sa isang iglap ay siniil ng demonyo ng halik si Cassey. Kahit anong pagpupumiglas niya ay wala pa ring silbi dahil sa kakaibang lakas ng demonyo. Wala siyang magawa kung hindi ang pumikit na lang at taimtim na nagdasal na matapos na ito.

Thomas, [Book One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon