"Thorn... Kalma ka lang." sabi sa kanya ni Leighton.
Lumabas si Sir Niall sa room at naiwan na naman kaming tahimik. Paglabas ni Sir Niall ay nilapitan ko agad si Thorn para kausapin.
"Dude. Bakit mo sinigawan si Sir?"
"Aish! Hindi ko rin alam masyado lang akong nadala sa mga pangyayari." -Thorn
"Teacher pa rin natin siya. Hindi mo dapat siya sinigawan."
"Alam ko naman yon. Ang sakin lang, parang sinasabi niya kasi na tayo ang pumapatay sa mga kaklase natin." -Thorn
"Hay nako Redons. Bahala ka nga muna sa buhay mo. Magpalamig ka muna ng ulo mo. Kausapin mo mamaya si Sir at humingi ka ng sorry." sabi ko sa kanya sabay tapik sa balikat.
Alas'onse na ng gabi kaya bumalik na kaming lahat sa kanya-kanya naming dorm. Sabay-sabay kaming tatlo nina Enzel at Pierce na naglakad pabalik ng dorm namin.
"Tingin niyo makikita natin bukas si Xyra?" tanong ni Enzel
"Sigurado namang makikita natin si Xyra bukas eh. Hindi ko nga lang alam kung buhay pa o bangkay na." sagot ko
"Aish! Huwag niyo na ngang pag-usapan ang tungkol don. Kinakabahan ako eh. Matatae tuloy ako." sabi ni Pierce samin at tumakbo na para mauna sa dorm.
"Tss. Kaya pala may naamoy akong mabaho kanina pa." naiiling na sabi ni Enzel.
----------------------------------------------------
*toot* *toot* *toot*
Nagising ako at naabutan kong kumakain na ng breakfast sina Enzel at Pierce. Nakasuot sila pareho ng jersey.
"Bakit ganyan ang suot niyo?" tanong ko sa kanila.
"Nagtext sakin si Thorn kanina. Wala daw tayong klase ngayon dahil nagkaron ng emergency meeting ang lahat ng teacher. Nag-ayang maglaro ng basketball sina Jon at Clyde. Sali ka ba?" tanong ni Enzel sakin.
Matagal na rin nung huli akong naglaro ng basketball. Hindi naman siguro masamang maglibang kahit konti, okay na rin siguro yon para makalimutan ko kahit sandali ang mga nangyayari.
"Sige. Mauna na kayo sa court. Susunod ako." sabi ko.
Pagdating ko sa court ay nandoon na silang lahat at mukhang ako nalang ang inaantay.
"Andyan na pala si Dash eh." -Jon
"Okay. Clyde, Parker, Orion, Thorn at Rhys kayo ang magkaka-team. Tapos ako, sina Enzel, Pierce, Jon at Dash naman ang magkakakampi." sabi ni Buster.
"Eh si Silver? Hindi ba maglalaro?" tanong ko
"Wala sa mood maglaro ang kumag." sagot ni Parker.
"Okay tara game na! Kanina pa ko larong-laro." sabi ni Pierce.
"Akala mo naman marunong eh hindi nga maka-puntos." bulong ni Enzel pero mukhang narinig siya ni Pierce dahil binatukan siya nito.
"Soraida! Halika dito!" tawag ni Buster kay Soraida at lumapit din 'to agad.
"Bakit? Isasali niyo ba ko?" tanong niya
"Engot! Ikaw ang maghagis nitong bola. Ayusin mo ha!" -Buster
"Yun lang pala ganap ko dito. Tagahagis ng bola. Ibato ko sayo 'to eh." -Soraida
Nakapwesto na kaming lahat. Pinagmasdan ko ang buong court. Marami-rami din pala ang nanonood samin. Nakita kong magkakasama sina Leighton at ang iba pa naming mga kaibigang babae sa isang bleachers. Nakatingin sakin si Cleone habang nakangiti kaya nginitian ko rin siya pabalik.
YOU ARE READING
The Devil's Script
Mystery / Thriller"I wish life has a rewind button, so that I could go back to the day that I made that script. I'm a human. I'm not perfect. And I made a decision that I regret." -Dashiell Veyron
CHAPTER 9
Start from the beginning
