Dumaan muna kami sa drive thru bago pumasok sa school. Ang daming binili na pagkain ni Psalm! Iisipin mo na hanggang pangdinner na 'yun! Pero sabagay bakit pa ako nagulat? E sa bag pa lang niya akala mo may sari-sari store na, e.

"Di kaya ma-empacho ka niyan?" I asked. Kinunutan lang ako ni Psalm ng noo habang kumakain siya ng burger.

"What?" he asked na parang naguguluhan.

I rolled my eyes. 'Di nga pala masyadong nakakaintindi 'to ng malalalim na Tagalog. Pero kapag mura... lahat yata ng dialect alam.

"Ang dami mong kinain. Baka sumakit tyan mo," I repeated.

"It's all right," he said. "I exercise a lot."

Habang kumakain siya, kinuha ko iyong tumbler niya tapos inabot sa kanya. Si Psalm na parang tanga, ngiting-ngiti e inabot ko lang naman sa kanya 'yung tumbler!

Nang magtext si Matt na nasa room na 'yung prof namin, nanlaki iyong mga mata ko. Mabilis kong sinabi kay Psalm na pumasok na kami kasi 'di talaga ako pwedeng ma-late kasi sagad na sagad na 'yung absences ko sa halos lahat ng subject ko. Gusto ko sanang tumakbo papuntang classroom, pero kapag tumakbo ako, tatakbo din si Psalm. Baka magka-appendicitis naman siya kapag tumakbo.

"Can I hold your hand?" he asked while we were walking towards our building.

"Napaka-weird ng mga tanong mo!"

"So... pwede ba?"

"Baka awayin ako ng fan girls mo," sabi ko na lang kasi naiilang ako na tinatanong niya pa ako ng ganito! I mean, 'di ba talaga pwede na hawakan niya na lang?! Nakakailang talaga kapag ganito na tinatanong ako ni Psalm palagi sa mga gusto niyang gawin, e!

Agad na kumunot iyong noo niya. "Why? Is there anyone—"

"Wala," I cut him off.

"Are you sure?" he asked again.

I nodded. Mukhang hindi siya convinced. Humarap ako sa kanya kasi gusto kong pisilin iyong ilong niya sa sobrang kulit niya, pero napansin ko na may mayonnaise na naiwan sa gilid ng labi niya.

And when I halted, Psalm also halted. Na para bang ramdam niya agad iyong gagawin ko. Mabilis kong tinaas iyong kamay ko at pinunasan iyong gilid ng labi niya. Parang slow-mo na nakita ko kung paano umawang iyong labi ni Psalm habang pinapanood ako.

Whatever I do, Psalm seems to always, always be fascinated.

Pero mabilis na napatigil 'yung ginagawa ko nang mahagip ng mga mata ko si Marcus. I was about to smile, and wave at him nang mapansin ni Psalm kung nasaan iyong mga mata ko.

Bumilis iyong tibok ng puso ko. Wala naman akong ginagawang masama but... this felt so wrong.

Marcus was looking at us. Para siyang napako sa kinatatayuan niya. Ilang segundo siyang naka-tingin lang sa amin bago siya bahagyang ngumiti, at tumalikod.

Hindi ko alam iyong gagawin ko. Pakiramdam ko dapat kong kausapin si Marcus, pero alam ko rin na dapat manatili ako sa tabi ni Psalm. Kahit hindi ako naka-tingin kay Psalm, ramdam na ramdam ko iyong titig niya sa 'kin.

"Let's go," he said, grabbing my hand. He began to walk kaya napa-sunod ako sa kanya. Hindi siya nagsasalita kaya hindi ako makapagsalita. Kasi ano namang sasabihin ko? Sorry dahil nakita tayo ni Marcus? Sorry kasi nakita mo siya?

What was I even sorry about?

Pagdating namin sa classroom, wala iyong prof namin pero may sinasagutan iyong mga classmate namin. Thank God they were all focused on their papers because I really couldn't handle any more attention right now.

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon