Duwelo

393 11 1
                                    

"Kailangan natin silang hamunin ng isang duwelo. Ang lider ng mga halimaw laban sa magiting ng kaharian. Sa halip na buong kaharian ang maglalaban dalawang magigiting ng bawat panig ang maglalaban na lamang. Pipili sa panig ng nilalang ng isa at sa panig ng mandirigma upang maglaban ng mano mano, mag-duwelo.

 Ito na lamang ang naisip kong paraan" sabi ng hari.

"Pero paano natin sasabihin sa mga halimaw ang gusto nating Duwelo? Papayag kaya sila?" tanong ng isang mandirigma.

Hindi ko rin alam kung paano natin sasabihin ang ating mensahe na maiintindihan ng mga halimaw" sagot ng hari.

"Sino ang makikipag duwelomahal na hari?" tanong ng isa pa.

Marami ang nagkusa sa mandirigma sa harap ng hari. Lalong naguluhan ang hari kung sino ang pipiliin. Namagitan na si Mathu Sulaiman para matapos ang usapan.

“Ako ang nararapat humarap sa kanila” sabi nya. "Hindi ikaw baka mapahamak ka lang" Humarang ang nanghihinang si Eniya. 

“Ito ang nararapat mahal ko. Hayaan mo akong lutasin ang aming suliranin. Sapat na ang tinulong mo sa amin. Kailangan mong magpahinga. Ipunin mo ang iyong lakas" sabi ni Mathu.

"Kakailanganin natin ang kanyang kapangyarihan” sabi ng mahal na hari. " Nanganagmba sya sa kalusugan ni Eniya.

Kaya namagitan si Eniya sa dalawa, siya na ang nagdesisyon.

"Kung kailangan ang aking kapangyarihan ay ibibigay ko" sabi ni Eniya.

"Pero mahina ka pa mahal kong ENiya! Kailangan mong magpahinga" tutol ni Mathu.

"Kung nagdesisyon ka na lumaban mag-isa sa duwelo, kailangan din kitang proteksyonan. Hindi rin ako papayag na mag-isa ka lang haharap sa mga Habgab ng walang laban" sabi ni niya.

Hindi na rin sya nakapagsalita sa sinabi ni Eniya. Alam nya sa kanyang kalooban na ito ang nararapat gawin. Ang berdeng awra lamang ang nakikita nyang solusyon kung paano makakarating sa mga mananakop ang kanilang mensahe ng Duwelo. Natapos ang usaping iyon.  

Saglit lamang ang nakalipas,  Inikot ng tatlong nagbabantay sa pinto ang malaking tarangkahan nito at bumukas ang mabigat na pintuan ng kaharian. Lumalabas si Mathu Sulaiman na nababalot ng berdeng awrang kapangyarihan ni Eniya.

 Nagpunta sya sa harap ng mga halimaw , umaasa na makukuha ng kanilang kalaban ang kanyang mensahe. Nakita ng lahat ang berdeng kapangyarihang iyon na tumalo sa kanila. Marami sa mga ito ang natakot.

Sampung Habgag ang hindi nakatiis at sya ay sinugod. Hindi gumalaw ang Maharlika.  Hinahataw sya ng mga matatalas na mga kuko nito pero hindi man lang sya gumagalaw. Nang mapagod ang habgab, walang galos na tinamo si Mathu.  

MAHARLIKA - Kwento ni Miguel Amorsolo - Book 1 (tagalog story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon