Kabanata 11 - Anggiyol, Kaharian sa Langit

630 17 4
                                    

Kabanata 11

Anggiyol, Kaharian sa Langit

 

 

Sa loob ng kulay asul na mata ni Itoy makikita ang kakaibang daigdig. Kaharian sa langit, ang Anggiyol. Lugar na pinaninirahan ng mga Anghel ng liwanag. Ang pintuan ng Anggiyol ay higanteng perlas na binabantayan ng isang Anghel. Karapatdapat lamang ang maaaring makapasok dito. Maputi pa sa bulak ang paligid ng loob walang hanggang alapaap. Makinang na salamin sa palibot.  

Sa dulo nito ay  lugar na napakalawak tila walang hanggan, laksa laksang Anghel ang naroon nakapalibot. Sa pinakalabas na bahagi ng bilog ay ang grupo ng mga Anghel na tinatawag na Akerubin, mandirigmang Anghel. Sindami ng mga bituin sa langit ang kanilang bilang. Sasaksihan ng mga ito ang mahalagang pag-uusap na magaganap. Ang mga Akerubin ay nakapalibot sa trono sa gitna ng matingkad na kulay puting kapaligiran.  

Lubhang karamihan naman na nakaputing suot, nakapalibot at may hawak na dahon ng palma sa kanilang mga kamay na kanilang winawagayway tanda ng pagbubunyi. Ito ang mga Aserapin. Sila ang nagtataglay ng puting Kristal na tagapaghinang rin nito.

Sa loob na bahagi ng bilog ay may apat na nilalang, kakaibang hugis nito kumpara sa iba. Nakatiklop ang mga kamay, may ulo ng Leon at pakpak ng kalapati. Binabantayan nito ang dalawamput apat na Anghel na nakaupo sa pinakagitna.

Ang dalawamput apat na Anghel na naka upo ay may mukha ng tao, puting buhok at balbas nakapalibot sa kanilang mukha. Sila ang tinatawag na matatanda sa hanay ng mga Anghel. Sila rin ang nagdedesisyon kung ano ang dapat gawin sa panahong iyon. Sila ang Hukom sa kalangitan.  

Pinanonood  ng lahat ng hukom at ng lahat ng Anghel ang nangyayari sa lupa. Malaking puting Kristal ang nakikita ng lahat sa kanilang harap, animoy nanonood ng balita sa telebisyon.

Nakita nila ang pananakop ng mga Nepilim nuong unang panahon na parang kasalukuyang nagaganap ito. Nakita rin nila ang unang digmaan sa Lupa ng digmain ng Nepilim ang mga Maharlika. Nakita rin nila ang Eklipsis na nagaganap sa kasalukuyang panahon ng Mundo Buhay.

Malagim na kinabukasan ang kanilang nakita sa hinaharap. Sumasabog ang mga planeta at galaxy. Nakikita nilang humahalakhak si Zulifer sa kanyang tagumpay. Nakita nila ang kahihinatnan ng buong Uniberso kung hindi magagawan ng paraan.

Dahil hindi sila nalilimitahan ng oras o panahon, ng nakalipas, kasalukuyan o hinaharap. Nakita nila ang kabuuan ng mga pangyayari subalit tila wala silang magawa dahil sa sinaunang batas.  

“Bakit hindi natin puksain ang mga Nepilim na nakikipagdigma sa panahon ng mga Maharlika ng sa ganun ay matigil na ang kahibangan ni Zulifer?” tanong ng isa sa dalawamput apat na hukom na matatandang naroroon.

“Hindi natin maaring labagin ang nakasaad sa sinaunang batas ng sansinukob. Na hindi tayo dapat makialam sa anumang nangyayari sa unibersong kanyang ginawa. Hayaan natin na ayusin nila sa ganang sarili ang suliranin” sagot ng isa na nasa pinaka gitna nila, si Gabriel.

“Pero kung magpapatuloy ang sitwasyon walang matitira sa mga Maharlika, ang ating mga kapatid sa Mundong Buhay. Magtatagumpay si Zulifer na sakupin at sirain ang buong Uniberso kasama na ang Anggiyol, ang ating kaharian sa ngayon. Sapagkat iyon naman ang talagang plano ni Zulifer nuong una pa lamang. Kaya tayo ay nakipagdigma sa kanya nuon, hindi ba?” sabi ng isa pa. 

“Tayo rin ang nagdesisyon na itapon sila sa Mundong Lupig” sagot ng isa.

“Tinapon sya sa Mundong Lupig na hubad sa kapangyarihan. Hindi natin akalain na lalakas si Zulifer ng ganoon"  sagot ng isa.

“Isa lang ang maari nating gawin” ani ni Gabriel. “Ano ang tinutukoy mo?” tanong ng isa.  “Ang salaming lagusan” sagot nito. "Ano ang tungkol sa Salaming Lagusan?"

“Hindi naitn pakikialaman ang mga bagay sa uniberso na kanyang ginawa subalit maari nating baguhin ang ating mga nagawa. Ang salaming lagusan ay gawa ng Anggiyol sa pakikipagtalastasan sa lahat ng nilalang sa buong Uniberso. Subalit dahil sa Kristal ng mga kaharian sa Mundong Lupig maaari itong magamit ng ibang nilalang. Ito ang ginagamit ng mga Nepilim sa paglalakbay patungo sa Mundong Buhay. Ginawa nilang maglakbay upang digmain ang ating mga kapatid na Maharlika. Subalit kailangan nating ipagsanggalang ang huling sa Maharlika. Sa katauhan ng batang si Miguel Amorsolo at kanyang tagapagbantay ang ating kapatid naisang ermitanyo” paliwanag ng Lider na si Gabriel.

“Ano ba ang dapat gawin sa salaming lagusan?” tanong ng isa. “Kailangan mawala ang lagusan at basagin" sagot nito.

“Sa paanong paraan mababasag ito?” “Sa pagsasanib ng kapangyarihan ng mga Kristal” sagot ni Gabriel.

“Kung gayon ay dapat ipadala ang aparisyon sa lahat ng kaharian at tipunin ang Embahada ng Kristal" suhestiyon ng isa.

“Subalit kung mababasag ang lagusan ay mawawala na rin ang ating kakayahan na makipagtalastasan sa lahat ng nilalang sa buong uniberso?” sabi ng isa sa matatanda.

“Magkakagayon nga. Subalit iyon lamang ang natitirang paraan sa suliraning ito” sagot ni Gabriel.

“Kaya ba nating isakripisyo ang mabilis na pakikipagtalastasan sa buong uniberso upang sagipin ito sa nakaabang na panganib?” tanong ng isa.

Tumango ang lahat ng dalawamput apat nahukom sa pinakagitnang bahagi ng bilog. Iyon ay tanda ng pagkakaisa sa layunin na basagin ang salaming lagusan.

 "Ang desisyon ng dalawamput apat na Hukom ay Basagin ang Salaming Lagusan" sabi ni Gabriel.

Inutusan nya ang apat na nilalang na may mukha ng leon upang ipabatid sa lahat ng nanonood ang desisyon. 

Nakita ng mga anghel na may mahabang puting kasuotan ang pagbuka ng kamay ng apat na nilalang. Sabay sabay na winagayway ang hawak nilang palma sa kanilang mga kamay upang makita ng lahat. Dagundong na sigaw ng pagsang-ayon ang  nagmula sa lahat  na naroon at nagsabi ng “Sya nawa!” 

Lumabas sa harapan ng laksa-laksang Akerubin ang isang puting Kristal. Isang Kristal sa bawat Akerubin. Inilagay ang kanang kamay ng bawat isa sa nakalutang na kristal at itoy naglaho. Iyon ang tanda ng kanilang pagsang-ayon sa naging desisyon ng kanilang dalawamput apat na hukom. Sabay sabay rin na sumigaw ng “Sya nawa.”

EMBAHADOR

Matapos ang tagpong iyon sa kaharian ng mga Anghel, ang Anggiyol, tinawag ang lahat ng kaharian sa Mundong Lupig upang magtipon sa isang patas na lugar. Ipinadala ang mga aparisyon na nagpapakita sa mga Embahada ng ibat ibang kaharian upang magbigay ng mensahe.

Sa Silangan ay ang Kaharian ng Engkanto. Sa embahador nito na si Enyr nagpakita ang aparisyon. Agad na naintindihan nya ang mensahe. Kinuha nya ang kanyang kulay asul na lino at isinuot. Sumakay sa kanyang higanteng bayawak at nagsimulang maglakbay dala nya ang asul na Kristal. 

Sa hilaga ay ang kaharian ng Dwendilyon. Sa embahador nitong si Dilon. Maliit na tao subalit maabilidad sa nagyeyelong bundok at naghihinang ng mga ginto sa ilalim nito. Nagpakita ang aparisyon sa kanyang panaginip. Agad na nagising at walang hinintay na sandali. Makapal na kasuotang balabal na yari sa balat ng puting oso. Sumakay sya dilaw na ostrich na may pinong balahibo at nagsimulang maglakbay dala nya ang dilaw na Kristal.

Sa Timog ay ang Kaharian ng Barabara. Sa embahador nitong higanteng pula na ang pangalan ay Mabilisnakilos Kulay pula ang kanyang balat, matipuno at mabalahibo ang buong katawan. Mga paa na puro kalyo sanay sa pagtakbo. Nakasaplot lamang ito ng balat ng balat ng dragon na kanyang napatay maraming taon na ang nakalipas. May hawak ng malaking kahoy na puro tinik na nakausli bilang panghambalos sa sinumang kaaway. Nagpakita ang aparisyon bilang sulat sa pader kung saan sya nakatira sa ilalim ng bulkan.

Nakayapak lamang ito sa kanyang paglalakbay halatang sanay. Mabilis at sigurado ang kanyang patutunguhan. Dala nya ang pulang Kristal. 

MAHARLIKA - Kwento ni Miguel Amorsolo - Book 1 (tagalog story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon