Kabanata 16 - Pagbabalik ng Mananakop

463 15 3
                                    

Kabanata 16

Pagbabalik ng Mananakop

Sa likod ng bundok kung saan naroroon ang mga Habgab at iba pang halimaw ay matamang naghihintay lamang pala sa kanilang mga kasamahan. Nang magsidatingan ang kanilang kasamahan dahan-dahan nilangoy ng mga ito ang isla pabalik sa kaharian ni Harab. Habang walang malay na namamahinga ang kaharian ay patraidor na nagbalik ang mga Habgab. Tahimik na lumabas sa barko at bumaba sa unang pagkakataon si Zaltar.

Hindi napansin ng nagbabantay sa tore ang mga ito dahil mahimbing rin ang pagkakatulog. Tahimik lang na nag-iipon ang mga Habgab sa dalampasigan.

Itinarak ni Zaltar ang kanyang espada sa lupa. Mula sa Espada ni Zaltar ay isang sumpa nang kadiliman ang mabilis na kumalat sa lupa na parang ihip ng hangin. Gumapang ang itim na sumpa patungo sa kaharian at nabalot ang buong kaharian.

Lahat ng naroon ay biglang nanghina dahil sa sumpang iyon. Ang iba ay nakatulog ng mahimbing at hindi na sisikatan ng araw kailanman.

Sinamantala ng mga Habgab ang kahinaang iyon. Mabilis na kumilos ang mga Habgab upang patayin ang lahat. Simbilis ng hangin ang kanilang ginawang pagkilos na walang kahirap hirap dahil nakakalat na ang sumpang dilim sa lupa. Ubod ng dami ang mga ito kumpara nung una. Patay ang lahat ng kanilang madaanan.

Naramdaman ni Eniya ang kapangyarihang dilim dahil sa babala ng kanyang mga halaman. Nagsalita uli ng wika upang lumabas ang kanyang kapangyarihan at binalot ng berdeng awra ang nanghihinang si Mathu. 

Habang ang mga habgab naman ay walang kahirap-hirap na pinagpapatay ang mga mandirigma. Hindi man lang nakapanlaban ang lahat dahil sa sumpa sa lupa. Lahat ng madaanan ng mga ito ay pinapatay, babae man o lalaki, bata man o matanda, mandirigma o alipin ay wala silang iniiwang buhay. Walang bihag ang utos ni Zaltar. Walang ititirang buhay.

Ibang tao ay gustong tumakas sa kabundukan subalit huli na ang lahat hindi rin sila makagalaw. Kaya namatay rin sila ng maabutan ng mga Habgab. 

Isang Habgab sa kwarto ng hari ang nakatayo lamang sa madilim na bahagi ng kwarto. Nakalitaw lamang ang mga matatalas na pulang mata at ang naglalaway na ngipin nito, pinapanood ang hinang hinang hari.

Parang sadista na nasasabik sa kanyang biktima. Isang hari ng mga Maharlika ang kanyang papatayin. Napakasarap ng tagumpay.

Naabutan nito ang hari na kinukuha ang kanyang espada. Parang may sakit na hindi man lang mahawakan ang kanyang espada. Naisip na lamang nitong magpakamatay. Dahan dahan gumapang mula sa kama patungo sa bintana upang tumalon na lamang. Mas mamatamisin pa nya mamatay sa kanyang sarili kesa sa kamay ng halimaw sa kanyang kwarto.  

Hindi na nakarating sa bintana ang hari upang tumalon. Hinatak na sya ng Habgab sa kanyang paa at pinagwawasak ang kanyang likod. Nakita ng iba pang Habgab at sya ay pinagtulungan. Lahat ay uhaw sa dugo ng paghihiganti.  

Sinikap ni Eniya na maglabas ng kapangyarihan kahit hinang hina sya. Si Mathu lamang ang kaya nyang balutan ng berdeng awra dahil hinang -hina rin sya. Sabay silang tumakas patungong bundok, hawak nila ang isat-isa sa balikat.

Nalungkot ng makita na patay na ang lahat pero hindi na nila nagawang huminto, nagmamadali si Eniya na itakas ang Mandirigma at ang kanyang sarili ni paglingon ay hindi na nila magawa. Pero kutob nya hindi na darating ang araw na iyon. Ang kaligtasan na lamang ni Mathu ang kanyang nasa isip.

"Tumakas kana mahal kong Eniya. Bumalik ka na sa inyong Mundo. Hindi ko kayang isipin na madamay ka at mamatay. Pabayaan mo na kami rito. Sapat na ang iyong ginawa para sa amin. Iligtas mo ang iyong sarili. Sa ibang panahon na lamang natin ituloy ang laban na ito" sabi ng Maharlikang mandirigma.

"Hindi kita kayang iwan mahal ko. Mas nanaisin ko pang mamatay na kasama ka" sabi ni Eniya.

Sa madilim na gubat lumabas ang itim na higanteng si Zaltar na may hawak na itim na espada. Nakita nya ang dalawa na tumatakas sa talampas malapit sa bundok. Binigyan pa nya ang dalawa ng ilang segundo na parang pinaglalaruan lamang.

"Para kayong ipis na dudurugin ko. Nasan ang iyong kapangyarihan Engkantada?" pangungutya nito sa Engkantada.

"Ako ang harapin mo demonyo!" sigaw ni Mathu.

"Ah, ang magiting na mandirigma. Pinahanga mo ako sa iyong husay at katapangan. Hindi ko akalain na mapapatay mo ang Trol sa liit mong yan. Kung ako ang makakasagupa mo ay baka mamatay rin ako. Subalit tuso ang nanalo sa labanan hindi ang galing at husay. Kaya akoy naniguro. Bwahaha"  sabi ni Zaltar.

"Lubayan mo sya ako ang harapin mo" sabi naman ni Eniya.

"Mga mahinang Maharlika! Ito ba ang walang kwentang iniatas sa akin ng panginoong Zulifer? Bahh! Insulto sa aking kakayahan" mayabang na sabi ni Zaltar habang nakatingin sa langit na parang tinutuya si Zulifer.  

"Paalam na Maharlikang tagapagligtas" sabi nito.

Tinataas ang kanyang maitim na espada upang tapusin na ang gabing iyon. Kahit nanghihina humarang si Eniya upang proteksiyunan si Mathu Sulaiman. Hinampas sya ng Higanteng itim ng napakalakas at tumilapon sa ibaba ng malalim na dagat. Una ang ulo na tumama si Eniya sa dagat kaya mawawalan sya ng malay. Bumubulusok sya sa ilalim ng madilim at malamig na dagat.

Malapit ng mawala ang kanyang ulirat ng sumagi sa isip nya ang mukha ng kanyang inang reyna. Hinahaplos ang kanyang mukha upang siya ay patulugin. Napangiti sya ng makita ang kanyang Ina. Napapikit na lamang sya.

Ito ang naging huling kahilingan nya sa isip lamang, ang makita ang kanyang Inang Reyna. Hindi na nakita ni Eniya na kumislap at nagliwanag ang kanyang kwintas ng kahilingan na binigay ng kanyang amang Engkantado.

Patuloy na bumulusok si Eniya sa walang hanggang ilalim ng karagatan. Narating na nya ang pinakamalalim na lugar ng karagatan. Napakadilim at napakalamig. Galamay ng mga halamang dagat ang sumalubong sa kanya sa pinakailalim. Binalot ang kanyang kamay, paa at buong katawan at tuluyang naglaho si Eniya sa pinakapusod ng madilim at malamig na dagat.

MAHARLIKA - Kwento ni Miguel Amorsolo - Book 1 (tagalog story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon