Kabanata 18 - Kulto

661 14 4
                                    

Kabanata 18


Kulto
         


Liblib na lugar. Maraming punong matatayog ang nakapalibot sa paligid. Napakalaking bahay sa gitna ang mataas na nakatayo sa abandonado gusali. Halatang napabayaan na ang lugar. Puro agiw sa ilalim ng lumang bahay, magarang sasakyan ang nakaparada ng mga mataas ang katungkulan sa gubyerno. Naroon din ang kanilang mga tagapagbantay na matamang nagmamasid sa anumang panganib.   

Pintuang bakal ang nakabukas, may hagdan sa ilalim. Madilim at batuhan na may ilawang sulo sa bawat pader nito. Malamig na hagdan pababa sa mga lumang kulungan sa magkabilang pader na may sirang rehas na pintuan. Ang dungeon ay kulungan nuong panahon ng kastila at ginagamit sa pagpapahirap. Subalit ngayon ay naging pagpupulong ng mga miyembro ng kulto.

Makikita ang liwanag sa dulo, may marahang tinig ang maririnig mula sa isang tao nagsasalita sa gitna ng karamihan, nakaitim na kasuotan. Napapalibutan siya ng mga taong kulay kayumanggi ang mahabang suot, lahat may talukbong sa ulo.

Kulay ng kanilang kasuotan ay nagbabadya ng ranggo. Kulay itim ng taong nasa gitna ay simbolo ng pagiging lider nito.

“Salamat sa inyong pagkanaririto mga kasama. Aking ibubunyag sa inyo ang karunungan na aking nalaman. Binigay ng tinig ang mahahalagang impormasyon na inyong maririnig ngayon…” sabi ng lider na nagsasalita sa gitna.

“…Napakahalaga ng impormasyon na matagal na nating inaasam na matupad. Ngayon ay ibibigay ko ang mensahe sa malinaw at totoong kahulugan nito.”

Tinanggal nito ang kanyang talukbong sa ulo. Si Lauro Rabandor ang propessor, lider ng kulto ay naglabas ng mga pahina, mga simbolo na matagal na nilang pinag-aaralan. Simbolo ng bilog na itim. Simbolo ng bagyo. Simbolo ng apoy. Simbolo ng kidlat. Simbolo ng tao.

“Isa-isahin kong ipaliwanag sa inyo ang kahulugan ng bawat simbolo sa aking kamay“ sabi ng propessor.

Unang tinaas nya ang simbolo ng bilog na itim.

“Ang simbolo ng bilog na itim ay ang Eklipsis” 

Tinaas nito ang larawan ng katatapos na Eklipsis. 

“Ang nangyaring Eklipsis ay hindi natural na pangyayari. Alam nating lahat na magkakaroon ng Solar Eklipsis sa susunod pang sampung taon” sabi ng isa sa mga nakikinig.

 “Tama” sabi ng propesor.

"Ang Eklipsis na naganap ay hindi natural. Kundi gawa ng madilim na kapangyarihan na Engkantasyon” sabi ni Lauro.

“Pagkatapos ng Eklipsis ang sumunod na nangyari ay delubyo” patuloy ni Lauro. Sumunod na tinaas nito ay simbolo ng delubyo.

“Ang buhawi na tumakip sa liwanag ng araw ay pag-aalay. Ritwal upang ibangon ang napalakaking delubyo. Alam ninyong lahat ang kasalukuyang nangyayari. Sa balita, sa pahayagan, sa inyo mismong karanasan” paliwanag ni Lauro.

“Ano naman ang apoy at kidlat?” tanong ng isa sa nakikinig.
“Ang apoy ay kasama ng delubyo at syang nagpapalaki dito” sagot ng Propessor.
“Ano ang nagpapanatili sa apoy?” tanong muli ng nakikinig.
“Demonyo ang nasa gitna ng delubyo na syang nagpapalaki sa apoy at sa delubyo. Kung hindi masasawata ang demonyo malulunod ang buong dagidig” sagot ng propessor.
“Paano masusugpo ang demonyong ito na walang nakakakita?” tanong ng isa.
“Walang tao ang makapapatay sa demonyo” sagot ng propessor.


Nagkaroon ng pagbubulong-bulungan. Hindi makapaniwala ang iba sa kanilang naririnig. Subalit tiwala sila sa kanilang lider na totoo ang kanyang sinasabi at hindi nagkataon lamang ang lahat.
“Subalit ang kidlat ang tanging pag-asa!” sabi nito upang putulin ang bulungan.


“Kung ganun sino ang ating pag-asa?” tanong ng isa sa mga miyembro.

“Isang bata!” sagot ng propessor.


Nagkaron muli ng bulung-bulungan. Paano ang isang bata ang makakapigil sa napakalaking sakunang iyon ang nasa isip nila.

Bumukas ang projector at tumama sa pader. Pinanood nila ang balita tungkol kay Itoy.


“Ang batang ito ay lubhang kontrobersyal. Ako mismo ang nagmamatyag sa kanya at sa sinasabing kababalaghan. Nabalitaan ko ang nangyari sa kanyang malakas na pagkakabangga. Subalit himala na siyay buhay pa. Sa kanyang pagkaratay sa higaan ay nagsasalita ito ng mga katagang walang sinuman ang nakakaalam. Aking sinaliksik sa mga lumang aklat ang lingguwahe  Tumukoy ang mga salita sa Delubyo. Hindi iyon nagkataon lamang. Ako rin ay naroon ng dumating ang buhawing tumangay sa lahat ng insekto, tao at hayop sa kanilang nayon. Sinadya rin iyon ng engkantasyon upang paslangin ang bata” sabi ng Propessor.

"Ano ang dapat nating gawin?" tanong ng isa.

“Dudukutin natin ang bata ngayong gabi!” sabi ng propessor.

Lahat ay nasiyahan sa napakahalagang impormasyong iyon na kanilang narinig mula sa Professor. Handa silang sundin anuman ang gustong ipagawa nito.

“Saan dadalhin ang bata?” huling tanong ng isa.

PAGDUKOT

Napakalakas ng buhos ng ulan ng gabing iyon, kidlat sa kalangitan at malakas na kulog. Dumating ang mga lalaking naka kapoteng itim, mabilis na nagtago sa dilim malapit sa bahay nila Itoy. Walang tao sa paligid kaya malayang nakakakilos ang mga lalaki ng walang nakakakita.

Natutulog ang nanay ni Itoy sa ibaba. Si Risa naman ay nagbabantay malapit kay Itoy. Malakas na kidlat mula sa kanyang bintana.

Pumasok ang apat na lalaki sa loob ng bahay, naiwan sa labas ang anim upang magmatyag.

Nagising si Rissa may narinig na kaluskos, bumaba sya upang tingnan. Tumingin sa paligid ng madilim na ibaba si Risa pero wala naman syang nakita. Kidlat ang nagliwanag at nagulat si Risa ng lumitaw ang lalaki sa kanyang harapan. Sisigaw sana sya, mabilis na tinakpan ng panyong may pampatulog ang kanyang bibig ng lalaki sa likuran. Nahimatay sya, binuhat sya ng lalaki sa kanyang harapan at inilabas ng bahay.

Kulay Itim na sasakyan ang naghihintay sa labas. Binuksan ang likod at inilagay si Risa.


Umakyat ang dalawa natirang lalaki sa itaas ng hagdan. Nakita nila ang natutulog na nanay ni Itoy. Nagpalabas ng pulbura sa kamay at hinipan sa ere. Ang pulbura ay lalong maging mahimbing ang tulog na kahit anumang kaluskos ay hindi nito marinig. Pagkatapos ay kanilang binuhat si Itoy, binaba sa hagdan, inilabas ng bahay at muling pinasok sa kotse kasama ni Risa.

May batang lalaki na nagtatago sa dilim, basang basa sa ulan. Tinakpan ang kanyang sariling bibig upang hindi makagawa ng anumang ingay. Nakita nya ang pagdukot kina Itoy at Risa.

Sa loob ng sasakyan sa harap nakaupo ang propessor, sumenyas sa nagmamaneho upang sila ay umalis na. Nagpatay ng ilaw ang sasakyan at mahinang umatras sa dilim at naglaho sa makapal na ulan.

MAHARLIKA - Kwento ni Miguel Amorsolo - Book 1 (tagalog story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon