Kahulugan ng mga Simbolo

1.3K 26 2
                                    

Hindi sumagot ang tinig.  

Akala nya nagalit ang tinig sa kanyang tanong. Naisip nya baka hindi na sabihin ng tinig ang kasagutan sa mga simbolo.

"Paumanhin kung nagkamali ako ng pagtatanong. Maaari bang malaman ang sagot sa mga simbolo? Ipakita mo sakin ang kahulugan" sabi ni Lauro. 

Nakita nya may isang libro na dahan dahan umaangat mula sa mga nakahilerang aklat sa isa sa mga lumang kabinet na naroon. Kinuha nya ang aklat at binuklat.  

Binuksan nya ang walang signal nyang cellphone upang magsilbing ilaw.

Mahinang liwanag na kulay bughaw ang liwanag sa kanyang cellphone na kaunti lamang ang naitulong na liwanag sa madilim sa silid na iyon pero sapat na iyon upang mabasa nito ang nakasulat sa pahina. 

Nakita nito ang mga simbolo at mga kahulugan sa isang maliwanag na pangungusap.

Makikita sa kanyang mga mata ang pananabik at pagtataka kung bakit hindi nya naisipan iyon. 

Isang simbolong bilog na itim.  

Magdidilim ang kapaligiran, at ang araw ay hindi magbibigay ng liwanag nito.  

"EKLIPSIS? Subalit kalian? Ang susunod na solar eklipsis ay sa susunod na sampung taon pa" nagtatakang tanong nya.  

"Hindi natural na Eklipsis ang mangyayari" sagot ng tinig 

Isang simbolong ipo-ipo.- Isang Delubyo ang darating na tatapos sa lahat ng nilalang sa Lupa.  

Isang simbolong apoy- May apoy sa gitna. 

"Kung totoo ito ngayon lang sa kasaysayan magkakaron ng isang Delubyo na may apoy sa gitna." Tila pangangutya ng propessor.  

"Ang apoy ay mula sa Impiyerno. Walang tao ang maaring makapigil dito" ang nakagigimbal na sinabi ng tinig.  

"Walang tao ang makakapigil dito? kung ganun ay katapusan na ng mundo"  

"Katapusan na ng lahat ng nilalang sa lupa" sabi ng tinig 

"Ano ang kahulugan ng Kidlat?" tanong ng propessor.  

"Ang kidlat ang tanging pag-asa. Kung tutuparin nito ang nakatakda sa kanya."  

Iniisip ng propessor kung may katotohanan ba ang nakasaad sa librong ito at sa sinasabi ng tinig. Nais nya sana makita ang tao upang masiguro ang katotohanan ng mga bagay-bagay.  

"Magpakita ka. Sino ka?" tanong ng propessor.  

"Hindi mahalaga kung sino ako, kundi kung ano ang nararapat mong gawin" sagot ng tinig sa kanya.  

"Ano ba ang nararapat kong gawin" tanong nito.  

"Ang katuparan ng mga simbolo" sabi ng tinig.  

"Kailan matutupad ang mga ito?" tanong ng propessor 

"Naniniwala kaba sa kababalaghan propessor?"  

"Oo, ako'y naniniwala sa mga himala at sa siyensya" mariing sagot nito.  

"Ang lahat ay may paliwanag. Ang mga himala ay may katapat na paliwanag sa siyensya" ani ng propessor.  

"Ang katuparan ng mga simbolo ay magkahalong himala at siyensya at arkeolohiya"  

"Magkahalo ring mahika at kababalaghan" patuloy ng tinig.  

"Maging mapagmatyag ka sa mga pangyayari. Sa mga balita. Kapag nakita mo na nangyayari ang mga bagay ng sabay-sabay. Alam mo na nalalapit na ang katuparan ng hula" sabi ng tinig. 

"Ang lahat ay magkakaron ng partisipasyon sa katuparan ng hula. Kailangan lahat ay matupad ayon sa bawat nakatakdang gawin ng bawat isa. Ikaw ang isa na magiging instrumento at nasa sa iyong mga kamay ang katuparan nito." 

"Kailangan mailagay ang bata sa eksaktong lugar at oras."  

"Ipakilala mo kung sino ang bata. Saan lugar ang paglalagyan?"  

"Malalaman mo sa takbo ng mga pangyayari" sagot ng tinig. 

Hindi na muling nagsalita pa ang tinig. 

Pinto sa kanya likuran ang kusang bumukas mula sa madilim na gusaling iyon.

Tapos na ang usapan at dito sya kinakailangang lumabas.

May gusto pa sana syang itanong pero wala na ang tinig kaya lumabas sya sa pintong nakabukas.

Sa labas ng pinto ay abalang lugar ng palengke na napakaraming tao ang kanyang nabungaran. 

Nilingon nya ang pinto sa kanyang likod pero wala na ito, naging maitim na pader na lamang ito. 

Kasamang ng pinto na naglaho ang mga libro sa silid na madilim. 

------------------------------------------------------

Salamat po sa pagdaan mo dito. Mag-iwan ka naman ng token mo by following me...:)...Also dont forget to Vote or comments about sa chapter na nabasa mo. Para maayos ko pa ng higit ang aking pagsusulat.

Follow mo naman ako...please! Follow mo kaya ako? Alam ko na! Follow mo na lang ako.

Thanks. - Author

-------------------------------------------------------------------------

Gusto mo makita ang posibleng itsura ng mga character o creatures dito? Nasa fb ko ang mga itsura nila. Please follow mo ang Facebook ko ---->  https://www.facebook.com/kidlap

MAHARLIKA - Kwento ni Miguel Amorsolo - Book 1 (tagalog story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon