Nine: Ang Plano

Začít od začátku
                                    

"Anton, ikaw ha. Lahat na lang ata ng gwapo at matatalino kilala mo. Higit sa lahat kilala mo pala si Alfred Tan ng Medicine Department..."
"Ahhhh oo, bestfriend ko si Al"
"Really, great so great... Teka, so pwede mo ba kami matulungan makilala o makuha man lang number ni Dok Tan.  Haysss kung alam mo lang pantasya naming mga classmate mo... bestfriend mo!."

"Wait, ask ko muna sa kaniya ha!. Mahirap na. Alam nyo naman na suplado at seryoso yung taong yun. Kahit ako na kaibigan nun nasusupladuhan ng mokong na yun"

"Really... Ang cute... Ikaw nga crush ka din namin pero may gf ka na pala uli kaya back off na uli sayo..."

"Huh!, Saan nyo narinig ang tungkol doon" Nagulat ako sa sinabi nila.
"Anong cute dun... Sige na.. Focus na muna tayo sa duty..."

So meaning totoo nga sinabi ni cousin. May gf na nga ang unggoy.

"Grrrrr.... Nakakaasar..... Kung yung kamay ko ay kutsilyo kanina pa ako  patay nito. Sa dami ng pumapasok sa isip ko.

Sa loob ng 8 hours hindi ko siya nakita, then i found out siya yung nilagay dun sa toxic case ngayon araw. Pero he deserve that case lalo na at marami siyang matutunan sa Head surgeon na nasa loob, ninong Martin...

So loob ng 8 hours ay nagbasa na lng ako at nag assist ng mga fast case like CS. Kaya naman nang matapos uli ang 8 hours ay agad na nagpalit na ako ng damit at nagpaalam sa mga kasama ko. Gutom na gutom na ako kaya naman naisip kong ayain si Anton kumain pero paglabas ko ng hospital dumiretso siya sa bus at samantalang ang mga kasama niya ay kumain muna.

Ewan ko pero sinundan ko na lang siya. Iniwan ko na muna kotse ko at sumakay ng bus.

Kitang kita ko sa mukha niya na exhaust na exhaust siya kaya nga ng  makasakay siya ay di niya ramdam na may kasunod siya. Nang umupo ito ay humandusay na ito ng tulog kaya naman ng tumabi ako ay wala na itong imik.

Pero grabe wala pang ilang minuto. Tulog na tulog na ito at ginawa pang unan ng balikat ko. Di ako makakilos kasi baka magising ito na kahit masakit at ngalay na balikat ko ay hinayaan ko na ito.

Kaya nga ng magsi akyatan mga classmate niya lahat ay nagulat ng makitang katabi ko ito at sa balikat ko natutulog. I act natural na tipong wala ako pakialam sa iniisip nila kaya nga mabilis namatay ang bulungan.

Maya maya ay naramdaman kong umaandar na yung bus at gumalaw na ang natutulog sa balikat ko.

Tiningnan ko siya ng mga oras na iyon kaya nga mejo awkward uli ng bigla itong magmulat ng mata at makita ako. Napaka amo ng mukha nito ng mga oras na iyon. Haysss biglang kumabog ng mabilis yung dibdib ko. Pero saglit lang iyon ng bigla itong magsalita.

"Uy, ikaw pala yan!"
"Oo, sarap ng tulog mo sa balikat ko kaya di na ako nakalipat ng pwesto"
"Ah sorry.. Pagod na pagod lang ako... Oh by the way kamusta."
"Ok lang!"

Naaasar ako bigla na lang di nagsalita after kong sumagot ng ok lang. Siguro may tinatago talaga ang katabi ko.

After 20 mins ay bumaba na siya sa kanto ng street na malapit sa kanila. Pagbaba niya ay bumaba din ako.

"Oh, bakit di ka pa umuwi?"
"Pinaalis mo na agad ako.."
"Huh... Naku hindi. Hindi naman"

"Sabi ko nang liligawan pa kita tapos smalalaman kong may gf na pala." pabulong kong sinabi  pero nagulat ako ng narinig nya pala iyon.

"Tol, may sinasabi ka?"

Kaya naman instead na hayaan ko siya, ay straight forward ko siyang kinausap kitang kita kons mukha niya ang pagkagulat.

"Siguro feeling mo nagloloko ako sa sinabi ko sayo nung isang araw ano!!!. and now malalaman ko na may gf ka na...."

"Teka about san... Gf???? Huh... Pati ba naman.... ikaw!!!! San nyo napupulot yan?"

Pucha naman magsisinungaling pa din huli na ayaw pang umamin nakakaasar lang.

"Ahhhh wala. Sige una na ako... Ganyan pala usapan natin walang sikreto. Haysss"

"Hahaha ano bang pinagsasabi mo ang OA mo tol. Tol oo, walang secret dapat, yan yung usapan natin... Teka... So iniisip mo nga na may gf na talaga ako ano? Wait, Nagseselos ka no?"

Sa sinabi niya biglang ako naasar. As in asar na asar. "Bakit ... Nagseselos nga ba ako! Hays..." sagot ko sa isip ko.

Wala ako masagot sa sinabi niya kaya naman mas minabuti kong tumalikod na at umuwi. Baka ano pang magawa ko.

"Tol, uuwi ka na. Hatid man lang kita gabi na oh!

"Wag na mag taxi na lang ako.. Sige bye na!"

------------

Kaya ngayon eto ako, di ko alam gagawin ko.

Sa ilang oras kong nakatunganga nakapag isip ako ng plano ko.

Hindi ako magpaparamdam sa kaniya  at kahit txt o tumawag siya di ko papansinin.

Kung gaano mo ako ako pinag iisip ng husto ibabalik ko sa iyo din yun.

Oa na kung Oa pero sinira nya yung kasunduang walang sikreto dapat sa isat isa.


Itutuloy

-JuanDer25

My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETEDKde žijí příběhy. Začni objevovat