CHAPTER 12: MARKED

Começar do início
                                    

"Inuutusan mo ba ako?" naiinis na tanong ko.

Malamig na tiningnan niya ako. Bigla akong napalunok at natagpuan ko na lamang ang sarili kong nilakad ang distansya patungo sa kama. Sumunod siya sa akin at nagsuot ng gloves.

"Y-You're not going to open up my throat, right?" nanginginig kong tanong.

"No."

"No syringes?"

"No."

"P-Promise?"

Lumapit siya sa akin at tumayo sa gilid ko. His eyes met mine before he nodded at me. "Promise."

Saka lang ako tila nakahinga. He got a stool and sat beside me, examining my neck. Napakalapit ng mukha niya at hindi ako komportable! He looks so handsome, alright, but it's not the reason why I am not comfortable. Kahit sino naman siguro na napakalapit ang mukha sa iyo ay hindi ka magiging komportable.

I felt a soft thing touched my neck. Mahinang hinipan iyon ni Trench at mas lalong nahirapan akong huminga.

"Relax," wika niya sa malamig na boses.

Puto, relax? How could I relax?!

Hinawakan niya ang leeg ko, checking the bite of the puppy. He took some tools and touched my neck again. Ilang saglit lamang ay may inilagay na siya sa ilalim ng microscope.

Muli siyang naupo sa tabi ko at inilapit ang isang medical equipment sa leeg ko. His eyes were fixed on the monitor that was showing something weird.

"Hoy, Trench," tawag ko. He sighed at hindi na lamang nagkomento. "Bakit ikaw ang tumitingin sa akin? Nasaan ang mga doktor?"

"The Capital cannot risk them. Maari silang mahawa kaya mas mabuting virtual checkup na lamang ang gawin nila, so I'm lending them a hand," sagot niya.

"Wala naman pala silang kwentang doktor, eh. Virtual checkup, my ass!"

Bahagyang natigilan si Trench. Ibinaba niya ang kamay at napatingin sa akin. "Walang kwenta? How could you say so?"

"Remember their Hippocratic Oath? Paano nila matutupad iyon kung hindi nila tayo personal na titingnan? What if this is really a deadly virus?"

"Sometimes, we have to break oaths and promises for the greater good. Kung sakali mang deadly virus nga ito, sa halip na hawaan sila at manganib ang buhay, why not isolate us and keep them safe? They're the best doctors the Capital could have. Marami pa ang nangangailangan sa kanila. Isipin mo na lamang, tayong tatlo lamang ang mawawala, ah, make it four including Onel, the infected one. Ngayong inilayo tayo sa karamihan, posibleng hindi makakalat ang sakit. The doctors are good and can serve more patients. They just weighted out the opportunity cost and decided the best choice."

RUN FOR YOUR LIFEOnde histórias criam vida. Descubra agora