17

1.6K 71 1
                                    

YUAN

Si Angela Panganiban ay anak ni General Panganiban. Okay na sana kami kaso one day sinabihan ako na may nakita na siyang guy na mas mahal niya. Si Angela was the girl who picked me up when Ericka left me. Oh sige na nung pinaasa ako ni Ericka na may future kami. Pero wala din pala. Engaged na siya. Di pa naman daw sila kasal sabi nila pero para sa akin engaged na. Meaning ikakasal na sila. Sadya siguro akong sawi sa pag ibig. Hahaha tangina sawi yan.  Since may flight daw ako bukas hindi na ako pwedeng pumunta sa party. Mahirap na baka makatulog ako. Uwi na lang ako sa barracks at nang makatulog na ng maaga.

"Yuan, gising."

"Hmmmm!"

"Gising may naghahanap sa yo!"

"Tangina sino ba yang naghahanap sa akin? Sabihin mo may lipad ako bukas. Ayoko bumangon."

"Wala kang lipad bukas. Pinalitan yung schedule ko. Wala kang flight"

"Ha? Bakit daw?"

" Ewan ko. Pero papasukin ko na lang tung bisita mo."

"Tangina ginagago mo lang ako eh. Tulog muna ako. Kung may bisita ako. Papasukin mo.  Pero matutulog lang ako."

"Sige bahala ka, papasukin ko talaga to. Pero, Magdamit ka din oh."

"Hayaan  mos iya. Siya itong nang iistorbo eh."

Tumalikod ako sa higaan and I know he was just teasing me. Ganyan naman talaga mga mistah eh, ang lakas mang good time. I was sbout to doze off again nung marinig ko boses niya.

"Hello Yuan."

Bigla akong napa lingon sa boses na yun. Nandun siya, ang dating babaeng kinahuhumalingan ko. Ang babaeng nagpatibok ng puso ko. Tumayo ako at inabot ang shirt na ibinato sa akin ni Tommy kanina. Isinuot ko to.

"Oh, Angela, Bakit ka nandito?"

"Sabi nila nandito ka daw."

"Oo, natutulog na ako., Bakit?"

"Wala naman. Gusto lang kitang puntahan. Actually, Yuan I was wondering bakit hindi ka nagpunta sa party ko?"

"May flight ako bukas eh."

"Wala ka naman daw flight sabi ni Tommy kanina arinig ko."

"Hmm hindi ko kasi alam na wala. Tsaka Angela, bakit ka nandito? Pangit tignan nandito ka sa barracks ng mga lalaki. Ano na lang ang iisipin ng mga parents mo? Ng boyfriend mo?"

"Wala yun tsaka di ba we're friends naman, so okay lang talaga yun Yuan."

"Hindi kasi okay sa akin eh. SIge, dun ka na lang muna sa labas, lalabas na ako."

"Hindi. I just came to invite you again to come to my other party sa Saturday. All the presidential children are invited to that party. Actually, your dad asked my Dad if I could host the party. And Daddy agreed naman. Tsaka don't worry Yuan, nandun din si Kevin, my boyfriend. Bring a date. Okay?"

"Ah sige, tignan ko."

And after that umalis na siya. Ang babaeng mahal ko....este minahal ko ng buong buo. Ang babaeng nagpatibok sa puso ok. I mean unang nagpatibok sa puso ko. Hindi man lang niya napansin kung gaano nagdurugo ang puso ko. Ulol! Yuan anong nagdurugo ang sinasabi mo. DI ba naka move on ka na? May Janelle ka na nga eh. Pero... nasan si Janelle? Di ba nga may iba na siya. Engaged na din. Ang saklap naman ng life mo Juan Bustamante. Masaklap talaga.

Pucha! Makaayos na nga at puntahan ang mga mistah kong nag eenjoy sa party ng may kasamang mga college girls daw. Malay mo, Yuan dun mo na makikita ang Miss Finally Right mo.

PLEASE VOTE, COMMENT AND SHARE IF YOU MUST. Thank you for patiently waiting for my very slow updates of my stories. Thank you guys.- CurlyTops0817

The President's Son: Lt. Juan BustamanteWhere stories live. Discover now