[51] Free To Go

3.1K 97 59
                                    

[51] Free To Go


Things happened too fast. Too fast my brain couldn't even process it.

Napatakip ako sa aking bibig nang makita ang nakahigang katawan ni Ellone sa morgue, puno ng natuyong dugo. Si Raz ang naglakas loob na dahan-dahan tanggalin ang puting kumot na nakatakip sa katawan nito. Umalingawngaw ang iba't ibang hagulgol sa loob ng morgue.

Hindi ako makaiyak. Walang nagtangkang tumulong luha sa mga mata ko. Nanginginig ang kamay kong nakatakip sa aking bibig. Ang nasa tabi kong si Vaan at Levi ay tahimik lamang na nakayuko, hindi man umiiyak ngunit bakas ang pagdadalamhati nito sa nangyari para kay Ellone.

Umiiyak si Accel habang nakasandal at nakasalampak sa sahig. Sa kanya ang pinaka malakas na iyak sa lahat.

"I'm sorry, Ellone! I'm sorry! I'm sorry!" paulit-ulit niyang paghingi ng tawad sa nakahigang katawan sa kanyang harapan.

Tiningnan ko si Raziel. Hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Blangko ang kanyang mukha. Unti-unting niyang nabitawan ang kumot na hawak at bumagsak iyon sa sahig.

Sumisikip ang dibdib ko habang nakikita siyang ganito. Halatang hindi niya matanggap ang nangyari kay Ellone. Lahat kami ay hindi matanggap pero sa kanya ako nasasaktan nang husto. He didn't know how to react and it was so painful for me.

Pinanood ko kung paanong bumagsak ang mga balikat niya, ang pagpapakawala niya ng hangin sa kanyang bibig, ang pagyuko niya, ang pagbilis ng kanyang hininga... ang pagbalatay ng sakit sa kanyang mukha.

"What have you done!!!" Napatalon ako sa gulat dahil sa sigaw niya.

Bigla niyang sinugod si Accel pero bago niya pa ito malapitan, pinigilan siya ni Levi. Tinulak siya nito, sobrang lakas. Muntik pang matumba si Raz. Humarap si Levi kay Accel at hinawakan niya ito sa braso upang itayo. Wala sa sarili si Accel, iyak lang siya nang iyak at paulit-ulit na humingi ng tawad kay Ellone.

"Stop apologizing! She won't hear you anymore!!!" Raz shouted, pain was evident on his voice.

And that's when my tears flowed on my cheeks. Napahagulgol na rin ako. Mariin kong tinakpan ang aking bibig para mapigilan ang mga malalakas kong hikbi. Sobrang sikip ng dibdib ko. Pakiramdam ko rin ay masusunog na ang lalamunan ko sa sobrang hapdi kakapigil sa aking mga hikbi.

"You killed her! You killed the woman I love! You fucking killed her! You fucking murderer!" Muli na namang sumugod si Raz ngunit agad siyang pinigilan ni Juno at Jagger.

Palakas nang palakas ang iyak sa loob ng morgue pero pakiramdam ko ako pa rin ang nangunguna sa malakas na pag-iyak ngayon.

"It was an accident!" sabi ni Accel. Maya maya lang ay napaupo ulit siya sa sahig. Nahilamos niya ang kanyang mga palad sa mukha niya. "No. It was not an accident. You're right. I killed her," mahina ang boses na sabi niya.

Raziel groaned painfully. Hinablot niya ang kanyang buhok at mariin kinuyom sa pagitan ng kanyang mga palad ang bawat hibla ng kanyang buhok.

His groans turned into cries. Kagaya ni Accel, napaupo na rin siya sa harap ng bangkay ni Ellone. Mas bumuhos ang mga luha ko na parang gripo. Hinawakan niya ang walang buhay na kamay ni Ellone at pinaulanan ito ng halik habang nakapikit na umiiyak.

"Ell, please, don't leave me. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ka. Mahal na mahal kita. Please, idilat mo ang mga mata mo. Let me feel your warmth..."

Dalawang palad na ang nakatakip sa bibig ko. Hirap na hirap akong makita si Raz na parang batang umiiyak.

"I'm sorry for ignoring you. Babalik na ako sa'yo basta please, huwag mo kong iwan. Huwag namang ganito. Ellone... come back to me..."

Eyes On MeWhere stories live. Discover now