36

51 4 1
                                    

Justin's POV

Patapos na ang klase namin, kanina pa ako tingin ng tingin sa relo ko. Gutom na ako, excited na akong kumain sa bagong bukas na cafe. Syempre kasama si Riye kaya dagdag excitement. Ang tagal naman magdismiss.

"Justin, answer number 2 on the board." Biglang tawag sakin nung teacher namin. Ano ba yan, wala nga akong maintindihan dito eh.

Bago pa ako makarating sa board, sakto namang tumunog yung bell. Kaya imbis na dumiretso ako sa board, sumabay ako sa mga kaklase ko na nagmamadali na ding lumabas ng classroom.

"Justin, saan ka?" Tanong ni Euiwoong  hyung sakin.

"Mauna na kayo hyung, hintayin ko pa si Riye." Sagot ko naman sa kanya.

"Riye? Kwon Riye? Yung president ng Alakdan?" Tanong niya ulit.

"Oo yun nga." Sagot ko ulit.

"Gumalang ka uy, mas ahead satin yun." Sabi ni Euiwoong hyung sakin pagkatapos niya akong batukan.

"Months lang naman tanda niya sakin." Depensa ko.

"Mas matanda parin siya sayo. Maiba ako, bat mo naman siya hihintayin?" Paguusisa niya.

"Hyung ang  chismoso mo, umuwi ka na nga." Sagot ko.

"May tinatago, date niyo ?" Pangungulit ni Euiwoong hyung.

"Hindi, wag ka na nga. Malapit na dismissal nila. Uwi na kayo nila Hyeongseob hyung." Sagot ko naman. Sakto dumating naman si Hyeobgseob hyung na hindi namin kaklase. Section A kasi siya.

"Hyung, hilahin mo na nga tong si Euiwoong hyung. Mauna na kayo umuwi." Naiinis na sabi ko.

"Bakit saan ka ba pupunta?" Tanong ni Hyeongseob hyung.

"Hihintayin ko si Riye." Sagot ko sa kanya.

"Ahhhh. Tara na woong mauna na tayo, punta tayong supermarket." Sabi ni Hyeongseob hyung habang hinihila si Euiwoong hyung.

"Ano naman gagawin natin dun?" Sabi ni Euiwoong na ayaw umalis.

"Bibili taying itlog, mauubos na supply ko." Sabi ni Hyeongseob hyung at tuluyan nang nahila si Euiwoong hyung.

"Makiki sagap pa ako kay Riye noona at Justin eh." Sabi ni Euiwoong hyung kay Hyeongseob Hyung.

"Kukwento ko sayo, tara na wag ka ng makigulo dun." Sabi ni Hyeongseob hyung

Buti naman at nawala na ang mga magugulong hyung. Umakyat naman agad ako sa floor nila Riye. Sakto naman ako, kakalabas lang ng teacher nila. Mukhang maaga silang dinismiss. Ichachat ko sana si Riye para sabihin na nasa labas na ako ng classroom niya nang biglang may kumalabit sakin.

"Uy ano ginagawa mo dito?" Sabi ni Taehyun hyung.

"Ah hyung ikaw pala yan-" Di pa ako tapos magsalita ay dumating na sila Seongwoo at Daniel hyung.

"Hyung tara uwi na tayo, sumasakit tiyan ko eh." Sabi ni Seongwoo hyung.

"Uy nandito pala si Justin!" Sabi ni Daniel hyung nung napansin niya ako at tinapik ako sa balikat. Ganun din ang ginawa ni Seongwoo hyung.

"Pano sina Riye at Miru?" Tanong ni Taehyun hyung.

"Kaya na nila umuwi, magkasama naman silang dalawa." Sabi ni Seongwoo hyung.

"Oo nga hyung tara na. Bye Justin!" Sabi nila at kumaway sakin. Nakita ko naman na kumindat sakin si Seongwoo hyung. Sakto naman lumabas si Riye ng classroom.

Noona | JustinWhere stories live. Discover now