24

53 4 0
                                    

Riye's POV

Uwing uwi na talaga ako kanina pa, bakit ba kasi napakatagal magturo ng prof na to. Minor subject lang eh feeling major. Dami daming pinapagawa. Akala ko biology class to, art class pala. -_-

Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko kaya nilabas ko agad mula sa bulsa ko. May kagandahan din pala pag sa likod pinaupo, makakapag cellphone ka ng walang makakapansin sayo. Bukod na lang kung itataas at ipagmamayabang mo talaga ang phone mo. 2 messages? Sino naman to?

Una kong nabasa yung kay Justin, eneber kilig ako sa kanya. Napaka caring at thoughtful. Boyfriend material 💖. Tapos nakita ko si Samuel? Teka bakit? Ano na naman kaya dahilan nito at nagchat.

Sus ticket? Naunahan ka na ni Justin boi. Daig ng maagap ang masikap. Hindi ko naman iindianin si Justin para lang sa kanya no. No way!

Nagreply ulit si Justin, basta ako? Really? Kilig ako. Pwede na akong sumuka ng rainbow.

May nagkakaingay sa labas ng room namin kaya lumingon ako sa bintana. Si Justin pala kasama na si Hyeongseob at Euiwoong ba yun? Basta yung member din ng Yuehua boys.

"Class dismissed." sabi ng prof namin.

Yes! Buti naman tumigil na siya kabubulong ng kung ano anong hindi namin naiintindihan. Tumayo na agad ako at palabas na ng may tumawag sakin.

"Hoy aba Riye saan ka pupunta?" Sabi ni Miru. 

Nakalimutan ko palang sabihin sa kanya na may lakad kami ni Justin.

"Uy prend pasensya na di kita masasabayan umuwi, nakalimutan kong sabihin." Paliwanag ko naman.

"Bakit? Saan punta?" Tanong niya naman.

"Manunuod kasi ako ng secret fanmeet ng Got7, kasama ko si Justin." Sagot ko naman.

"Ayun oh, date ba yan?" Tanong niya uli.

"Hindi ah, sasama lang daw siya sakin, saka sa kanya galing yung ticket ko." Sagot ko ulit.

"Hmm, interesting. Sige na nga layas na! Enjoy kayo!" Sabi ni Miru at nagpaalam na din ako sa kanya.

"Uhm..Justin." Tawag ko sa kanya.

"Riye! Tapos na pala klase niyo." Sabi niya sa akin.

"Oo, teka diba kasama mo dito kanina sila Hyeongseob?" Tanong ko.

"Oo kaso nauna na sila. Ano tara na?" Aya niya.

"Tara!" Masiglang sabi ko.

Noona | JustinWhere stories live. Discover now