13

64 2 0
                                    

Riye's POV

To: Ahn Hyeongseob and 4 others

Good Day! This is Kwon Riye the president of Alakdan org. Congratulations on passing the auditions! We are inviting you later at our Org room for a simple welcome party. We hope for your positive feedbacks. Welcome to Akaldan Org!

"Huy Miru okay na ba pagkacompose ko ng message?" Tanong ko sa best friend ko.

"Ha?" Sabi niya na parang nagulat.

"Ano ba kasi iniisip mo, kanina ka pa lutang. Are you boom?" Sabi ko sa kanya.

"Anong are you boom?" Nagtatakang tanong niya.

"Sabog ka ba." Sagot ko naman.

"Gago hahahaha." Tawang tawang sagot niya.

"Happy Happy?" Sabi ko dahil masaya siya.

"Birthday mo?" Sabi ko ulit.

"Tama na hindi na ako makahinga kakatawa. Pero salamat sa pagpapasaya sakin." Sabi niya nung naka move on na siya.

"Bakit naman? May problema ka ba? Tagal mo ng hindi nakakasama samin nila Ong eh." Tanong ko sa kanya.

"Diba alam mo naman yung usapan namin nila daddy?" Sagot niya sa akin.

"Alin yung pagmigrate niyo sa Japan?" Tanong ko.

"Oo yun nga." Malungkot na sabi niya.

"Bakit ngayon na ba yun? Akala ko ba pag ninet-" Naputol yung sinasabi ko dahil narealize kong malapit na siyang mag 19.

"Mag na-nineteen ka na pala." Sabi ko sa kanya na malungkot ang boses.

"I know, kaya nag aayos na ako ng mga papeles. Hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin sa inyo eh." Sabi niya at malungkot na ngumiti.

"Wag ka nang sumama dun. Hindi ka pa naman marunong mag nihonggo pano kung mascam ka dun." Sabi ko sa kanya.

"Marunong ako, half japanese nga ako diba." Sabi niya at tumawa ng konti.

"Malay ko ba kung nagninihonggo kayo sa bahay. Wag ka na umalis. Ako na lang matitirang babae sa barkada, lagi na akong pagtutulungan nung mga yun." Malungkot kong sinabi.

"Mamimiss ko kayo." Sabi niya at malungkot na ngumiti.

"Para wag mo kami mamiss, wag ka na lang sumama." Sabi ko sa kanya.

"Hindi pwede eh." Sabi niya.

"Teka nga 2 months pa naman bago ako umalis. Itext mo muna si Justin. Alam ko namang ihihiwalay mo na naman siya ng text." Sabi niya at hinarap sa akin ang phone ko.

To: Huang Justin💘💕

Good Day! This is Kwon Riye the president of Alakdan org. Congratulations on passing the auditions! We are inviting you later at our Org room (Room 101) for a simple welcome party we prepared for you😊. We hope thar you can come😊Welcome to Akaldan Org Justin!🎉

"Ayun naman may pa pangalan pa hahahaha. Ibabalita ko kela Ong yan hahaha." Sabi ni Miru.

Noona | JustinWhere stories live. Discover now