Wattpad Original
There are 2 more free parts

Chapter 05: Something to remember, something to forget

37.9K 1.9K 1.9K
                                    


***

3rd year BS Mechanical Engineering
September

"Maaga ka bang uuwi ngayon?" tanong ko kay Ivan habang nagbabalik ng screws sa motor ng ice cream maker.

"Specifics, Pfi," aniya. Nakasuot ang isang earphones sa tainga niya habang may ginagawa siya sa laptop.

"I mean, uuwi ka na ba agad after mo diyan sa ginagawa mo?"

Ngumiti siya kahit hindi nakatingin sa'kin. "Hindi matatapos agad 'tong machine design kahit tumambay pa 'ko rito ng tatlong araw," aniya. "Patapos ka na diyan sa motor?"

"Yeah."

"At?"

"Kain tayo ng steak. Nagke-crave ako ng steak," sabi ko.

"Wala akong pera ngayon."

"Alam ko naman. Libre ko."

Mahina siyang tumawa. "Libre mo talaga. Papalitan ko na lang ng... ano ba'ng gusto mo?"

Tumingin na siya sa'kin kaya ngumiti ako. "Kahit magdala ka lang uli ng ulam bukas. Ang sarap magluto ng kapatid mo."

"Magaling talagang magluto 'yon," aniya. "Naturuang mabuti ni Mama."

"Gano'n? How about you? Bakit hindi ka marunong magluto?"

"Sa makina ako. Naturuang mabuti ni Papa."

I giggled. "That seems true."

Lumapad naman ang ngiti niya.

Bubuhatin ko na sana ang ice cream maker na kaa-assemble ko pa lang para ibalik sa 514, pero tumayo si Ivan sa sulok niya at sumenyas na gumilid ako. Sumandal na lang ako sa isa sa mga mahahabang mesa at pinanood siya. Binuhat niya ang may kalakihang makina palabas ng 515. Pagbalik niya, binuksan niya ang bag ko at kinuha ang alcohol ko.

"Kamay," sabi niya.

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Binuhusan niya 'ko ng alcohol sa palad bago ako abutan ng wet tissue.

"Kumusta 'yong makina? Alam mo na kung ano'ng sira?" aniya.

"Is this my test right now?"

Magaan lang siyang tumawa. "Oo pero hindi."

"Okay pa ang stator at mixer pero mahina na ang commutator. Hindi na rin magho-hold ang freezing point no'n."

"Na ibig sabihin?"

"Palitan na lang nila 'yong motor."

Malapad ang ngiti niya. "Good job."

"I know, right. I learn from you."

Itinapon ko ang used tissue sa basurahan sa sulok ng kuwarto bago sumunod sa kanya sa pagsalampak sa mat. Bumalik siya sa ginagawa niya sa laptop. May nakakabit na mouse do'n ngayon para mas madali sa kanya ang mag-design.

"Mga ilang oras ka pa?" tanong ko.

"Mga isang oras pa."

"Okay." Kinuha ko ang laptop ko sa bag ko at sinet-up din 'yon. "Steak after niyan, ha?"

"Oo. Gutom ka na ba?"

"I can wait. Nood lang muna ako ng videos dito."

"Wala kang projects na kailangang tapusin?"

Nasa laptop na uli ang mga mata niya kahit nakikipag-usap. I like it when Ivan was busy. Kapag ganitong may ginagawa siya sa laptop, I get to watch him at late na bago pa niya mapansin.

TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)Where stories live. Discover now