Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 04 part 2: Pretty troubles

31.7K 1.7K 582
                                    

***

"May table ka na, Pfi? Dito ka na lang."

Lunch time. Lumingon ako sa kanan ko kung saan nakaupo ang mga kaklase kong nagyayaya. They were a group of guys from one of my advance subjects. I don't remember their names.

Ngumiti ako para i-excuse ang sarili ko. Pero hindi pa 'ko nakakailang hakbang palayo, tumabi na sa'kin ang isa sa kanila. It's uncomfortable since may bitbit pa 'kong tray ng pagkain.

"Sabay ka na sa'min," anito.

I looked him straight in the eye. "No, thank you."

"May kasabay kang iba?"

"Yes." But that's a lie. Lagi akong mag-isang kumakain. Perks ng irregular student.

"Sino?"

Dumadalas na naman 'yong ganitong pagyayaya sa'kin ng mga kaklase kong lalaki. Some take cues that I don't want to be bothered. But there were some like this group who annoy.

Pasimple kong iginala ang mata ko sa buong canteen. Kailangan ko ng masasabayan. On my one o'clock, nakakita ako ng pamilyar na likuran, batok, balikat, at braso. It's the machine geek with his friends.

"Excuse me," sabi ko at lumampas. I called out, "Ivan!"

Tatlo silang lumingon sa kung saan ako manggagaling. Tumango si Jesuah habang nakatingin lang sina Ivan at Jacob.

"Puwedeng maki-table?" tanong ko nang tuluyang makalapit.

Tinanggal ni Ivan ang bag niya sa katabing upuan. Umupo naman ako, kasabay ng paglapag ng tray ko.

"Oh. Patapos na kayong kumain?" sabi ko.

Kalahati na ang pagkain sa tray ni Ivan. Sina Jacob at Jesuah, halos paubos na. At saan galing ang cheesecake nila? Wala no'n sa canteen. May parang minatamis din sila at iba pang ulam.

"Hindi pa naman," sabi ni Ivan. "Itong dalawa, mabilis lang talagang ngumuya. May klase na eh."

"Galing ka sa klase mo?" tanong ni Jesuah sa'kin.

"Yep."

"Kaklase mo 'yong mga kausap mo kanina?" dagdag pa nito.

Napansin pala nila. "Yep. Ino-offer nila 'yong table nila."

Tumango si Jesuah.

"Kumain ka na," sabi naman ni Ivan.

"Yep." Pero napapatingin ako sa cake nila. "Sa'n galing cake n'yo? Pati 'yang... minatamis ba 'yan?"

"Minatamis na kundol 'yan," sabi ni Ivan. "Galing sa bahay. 'Yong cake, bake ni Auntie Mona."

"Bake ng auntie mo?" tanong kong nakatingin kay Ivan.

"Auntie ko," salo ni Jacob. "She bakes."

"Auntie ng lahat ng nasa compound 'yon," singit ni Jesuah.

Tumango ako. Nabanggit na ni Ivan kung pa'no silang tumira sa iisang compound at naging magkakatropa. They like celebrations and karaoke. Obviously so, they like food, too. Mas masagana ang table nila kaysa sa canteen.

Iniusod ni Ivan ang food container ng cake at minatamis palapit sa'kin. Napansin yatang nakatitig ako ro'n.

"Hati tayo sa cake," aniya. "Hindi ako mahilig sa masyadong matamis."

But it's a cheesecake. Hindi naman matamis ang cheesecake.

Tumikhim si Jesuah at naniko si Jacob. Nagsimula naman akong kumain.

TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon