Pilit akong ngumiti at sinalubong ang malamlam niyang tingin.

"Wala natanong ko lang! Sige na dito ka nalang ako na ang papasok!" I kissed him on the cheeks at nagmamadaling lumabas pero bago ko pa buksan hinila niya ako kaya napabaling ako sa kanya.

He claimed my lips .Tinapos niya ang halik at pinunasan ang luha ko.

"Palagi ka nalang umiiyak. Ano paba ang dapat kong gawin maging masaya kalang?" nanatili ako nakapikit takot na mas dumami pa ang aking luha. Hindi niya nilayo ang labi sa labi ko kaya bawat salita niya at dumadampi iyon sa akin.

Binuka ko ulit ang labi ko at ako naman ang humalik sa kanya. I held his face and deepened the kiss. I shivered when his hand touch my back.

"I love you.." I whispered.

"I love you more.." he said at ngumisi pa.

Alas syete palang ng umaga ay nagtext na si papa sa akin na magkita kami sa starbucks sa harap ng HMU.

Alas otso pa naman ang klase ko.
Pababa ng taxi ay nakita ko na agad si papa dahil wall glass ang dingding ng starbucks. Marami na rin ang studyanteng labas masok.

Agaw pansin rin ang kumikinang na itim na kotse ni papa sa gilid ng daan at may dalawang bodyguards pa. Pagkapasok ko agad siyang tumingin sakin.

May dalawang kape na sa mesa at may donuts.

I kissed his cheeks . "Good morning pa."

"Good morning."

I know this. Alam ko kung ano ang ipinunta niya dito. It's about Berna.

"I wont stay long dahil babalik kami ng US." panimula niya at tumango ako.

"Take care dad."

He smiled at sumimsim sa kanyang kape.
"Alam ko ang pabor na hinihingi ni Bernadette sayo Kylie."

"Nagmamahal kayo ng iisang lalaki." He chuckled at umiling.

"So what's your decision Kylie? Your sister is sick and getting worst."

Halos dumugo na ang labi ko sa kakakagat. Nanginginig na ako sa sobrang emosyon.

"Pah pareho s-silang mahalaga sakin. Hindi ko kayang isuko si Clinton at ayoko ring mawala ang kapatid ko. Mahal ko silang dalawa. W-wala na bang ibang hiling si Berna? Y-Yung hindi si Clinton."

Papa sighed heavily and held my hand.
"You sacrificed so much mula pa noong bata kapa hija. Alam kong mali na iwan ka sa lola mo noon pero lahat ng pagsisikap at pagtatrabaho ko ay para sayo. Lahat ibibigay ko sayo hija." he smiled.

"Matigas lang talaga ang ulo ng ate mo. Ayoko nang magsakripisyo kapa ngayon. Piliin mo ang lalaking mahal mo. Don't mind Bernadette I'll take her with me."

" Sa Us?" takang tanong ko.

"Yes hija. We'll find a heart donor dahil wala dito pero sa US marami.She will be under a heart transplant. I'll take her with me wether she like it or not."

Happiness filled my heart.

"T-talaga p-po?"

Lumawak ang ngiti ni papa. "Choose the boy you love hija. And I want to meet him soon." he grinned.

Napatawa ako sa galak at saya. Parang nawala ang bigat na nararamdaman ko.

Sa kabila ng kadiliman alam nating may liwanag. Pagkatapos ng bagyo ay may bahag hari.

Malapad ang ngiti ko ng pumasok ako sa skwelahan. Nang lunch time ay nagtambay kami ni Natalia sa bench sa harap ng field.

"Minsan kailangan mo ring maging selfish Kylie." aniya ni Natalia at uminom sa kanyang frappe. Kinuwento ko sa kanya yung napag usapan namin ni papa at ang tungkol sa amin ni Berna.

"Hindi talaga ako makapaniwala na yung babaeng kinasusuklaman ko ate ko pala." tumawa ako ng pagak.

"Mas malala pa noong nalaman kong may heart failure siya.Yung feeling na nawawasak yung puso ko habang nagmamakaawa siya na ibigay ko nalang si Clinton sa kanya."

Tumawa si Natalia.
"Unbelievable." komento nito.

"Minsan naisip ko rin na mag sakripisyo nalang at kung 'pwede ibigay ko nalang si Clinton sa kanya."

"Really?"

A baritone voice came from my back . Napatayo ako ng makita si Clinton. Wearing a gray shirt and a khaki pants.

"C-Clinton."

"I gotta' go.." paalam ni Natalia.

Clinton jaw clenched.
"Pamimigay Nicole? Really?" he smirked with sarcasm.

"N-No Clinton--"

Tinaas niya ang kamay niya na pinutol ng mga sasabihin ko.

"I got it. Magkapatid kayo may sakit si Berna at ibibigay mo ako sa kanya dahil sa pabor niya?" sigaw nito at halos manginig ang supot na dala niya.

"Clinton hindi."

"I'm so done Kylie.I' m so done." Tinapon nito ang supot sa kung saan at tumalikod. Mabilis ang bawat hakbang niya paalis.

I ran after him. Hindi niya maiintindihan dahil wala akong sinabi sa kanya mula pa noong kailan.

"Clinton! " patuloy parin siya sa paglakad ng mabilis habang ako ay tumatakbo na. Napapatingin na rin sa amin ang karamihan.

"Baby! please!!" I shouted. Hindi ko alam pero bigla nalang iyon lumabas sa aking bibig.

Huminto si Clinton sa paglakad ng marinig niya ang sigaw ko.Halos uminit ang pisngi ko dahil first time ko siyang tinawag na baby.

Nilingon niya ako halos anim na dipa ang aming layo.

Halos matumba ako ng lumakad siya pabalik sa akin. Bawat hakbang niya papalapit sa akin ay parang sasabog ako sa kaba.

He pulled my waist kaya napahawak ako sa dibdib niya. Napayuko ako pero hinawakan niya ang pisngi ko at pinaharap sa kanya.

"Ulitin mo." diin na bulong niya.

Napakagat labi ako at tiningnan siya.

"Yong b-baby?" sabi ko sa mahina na tono.

Tumingala siya at napapikit ng mariin.
"Isang baby mo lang nawala na agad ang galit ko! Tangina!" ginulo pa nito ang buhok niya at frustrated akong tiningnan na tila pate siya hindi makapaniwala.

Napangisi ako at niyakap siya.

Just LustOn viuen les histories. Descobreix ara