Chapter 30

87.6K 2.4K 107
                                    

Chapter 30
Lumuhod

Kabadong kabado ako habang tinutungo ang condo ni papa sa De'luxxe Condominium.

Tumawag siya sa akin at sinabing kung 'pwede daw akong pumunta doon dahil nandoon si mama at Claudette galing pa sa US. Hindi ko nga rin alam na nandito din si papa.

Nung isang araw bago kami umuwi dito sa Manila naging emosyonal si Tita Magda. Madami siyang pinadalang prutas at iba pa.

Namimiss ko na ang kapaligiran ng probinsya kaysa dito sa lungsod. Nakakalungkot tuloy dahil hindi man lang ako nakapunta sa talon doon.

Hindi na ako nag-dadrive at may kinuhang driver para sakin si Clinton. Siya naman ay maraming pending works dahil na din sa pag iwan niya ng kompanya nila.

Nang makarating ay agad kong tinungo ang front desk.

"Good afternoon! I am the daughter of Bernardo Hernandez. Anong floor siya?" Tanong ko. Hundi ko kasi natanong kanina ng tumawag 'sya dahil excited ako.

"Oh! You've must be Kylie Nicole Ma'am? This way po." Nilahad niya ang daan papasok sa elevator at pinindot ang 16th floor.

Napabuga ako ng hangin at napahimas sa aking tyan na medyo halata na. Meron pa ring morning sickness,cravings, pagkahilo aat iba pa.

Bumukas ang pinto at tinahak namin ang kulay puting pinto na may 104 na numero.

"This way Ma'am."

"Thank you." Ngumiti ako at binuksan ang pinto.

Bumungad sa akin ang lamig ng aircon at ang kulay dark and gold na sala ng pad ni papa.Nahanap ng mata ko si mama at Claudette na nakaupo sa mahabang sofa at nakatingin sa akin.

"Hija."

Wow, is this a family reunion?

Niyakap ako ni papa pero mas binigyan ko ng pansin si mama. Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Mama." Sa haba ng panahon na hindi kami nagkita , maligaya ako na umuwi siya dahil buntis ako. It means. She still care for me.

Dahil sa bugso ng damdamin umamba ako ng yakap ng palapit siya para yakapin siya.

Lumagapak agad sa aking pisngi ang kanyang palad.Halos maduling ako sa lakas 'nun at ramdam ko ang sakit. Dumaloy agad ang luha sa aking mata at napahawak sa aking pisngi.

"My gracious! Helen! Your daughter is pregnant!" Dinaluhan ako ni papa at niyakap na para bang pinoprotektahan ako laban kay mama.

Namumula si mama sa galit, at umirap naman agad si Claudette habang tahimik si Berna sa gilid.

" I told you to abort that thing!" Dinuro niya pa ang tyan ko na tila ba nandidiri siya.

"Hindi mo'ko sinunod!May pinagmanahan ka talaga! Bubuntisin kalang ng lalaki mo at iiwan!"

"Stop it! Hindi kita pinatuloy dito para saktan ang anak natin Helen!" dumagundong ang boses ni papa sa buong sala.

Ang sakit. Bakit ba hindi niya matanggap? Hindi naman ako humihingi ng kahit anong tulong sa kanya a.

"Dahil magiging katulad lang natin siya! Look! Hindi pa siya graduate! Bakit hindi niya man lang magaya si Claudette?! Walang wala-"

"Palagi naman e!" Pinunasan ko ang aking luha at hinarap siya.
"Palagi nalang ang anak mo ang napapansin mo! Bakit? Kailan lang ba ako sumagi diyan sa isip niyo? Di'ba hindi? Bakit hindi niyo nalang ako pabayaan mama? Kaya akong buhayin ni Clinton! We Simula nung iwan niyo ko kay lola naghanap ako ng kalinga niyo pero wala! Hindi nga kayo nagkulang sa pagbigay ng pera pero kulang na kulang ako sa pagmamahal ng magulang! Hindi niyo ko masisi kung sa piling ni Clinton ko iyon naramdaman yung alagaan at mahalin tulad ng pagmamahal na hinihingi ko sa sainyo! Ikaw nandiyan ka palagi kay Claudette! Si papa kay Berna! Ako? Wala mama! Lumaki ako na wala kayo! Sana kahit ito man lang pabayaan niyo ako dahil kailan man hinding hindi ako tutulad sa inyo. Hindi ko iiwan ang anak ko."

Just LustWhere stories live. Discover now