Chapter 9

98.5K 2.6K 168
                                    

Chapter 9
Lutang

Naging normal ulit ang aking mga araw. Nagkakasalubong kami at nagkakatinginan pero hanggang doon nalang.

Nakikita ko rin siya minsan kasama si Berna.Hindi ko maiwasan makaramdam ng pait.

Napagtanto ko na mas okay rin pala ang ganito. Kahit na lihim akong nasasaktan. Mas okay na ito kumpara noon.

"Sasama ka mamaya sa Wet party?'' Jenn asked.Nagliligpit na kami. Ang iba naming kaibigan ay nauna nang umuwi.Magpe-prepare daw para mamaya.

Nilagay ko sa loob ng bag ang aking notebook. "Oo naman , ikaw?"

"Of course , may susuotin ka na ba?" tanong niya at umalis na kami doon.

"Marami pa akong damit na hindi nasusuot na pwede kong gamitin."

"Ako 'rin." sabi niya habang papatawid kami patungong Starbucks.

Medyo puno na ang loob. Pagka pasok namin ay humanap agad kami ng pwesto na malapit sa gilid.

Napamulagat nalang nang makita ang lalaking ayokong makita.

He's with Radleigh and Sir Sebe.
Gosh! Makita mo lang sila na magkasama ay mapapraning kana. Ang ibang babae ay nakatingin lamang sa pwesto nila na tila mga santo na sinasamba.

Radleigh is playing his lips, while Sir Sebe ay naka halukipkip. Si Clinton naman ay nakahalukipkip din at nakatingin sa akin.
Umiwas ako at umupo sa palaging pwesto namin. I crossed my legs and tried to act normal. Kinuha ko ang cellphone at nagkunwaring What the hell. Bakit ako nanginginig?

"Hey , Clinton is here." Jen whispered.

I rolled my eyes. "Shut up! Umorder ka nalang." walang tingin na sabi ko sa kanya na nag lalaro lamang sa cellphone ko.

Madrama siyang suminghap. "Ah!Okay!"

I really hate his presence.Naglalaro lang ako sa cellphone ko ng may humampas mismo sa mesa ko. Nagulat ako doon. May mga napapatingin na sa amin.

Nag angat ako ng tingin. "Excuse me?" sabi ko at napataas ang isang kilay.

He crossed her arms. A petite girl and she's pretty. But I don't know her. Sa uniform palang ay alam ko nang sa Mt. Carmel nag aaral.

"Leave Jedd alone."

"Jedd?" Jedd is my suitor. At wala akong balak sagutin yo'n.

"Oo kung ayaw mong lampasuhin kita , lubayan mo siya."

What the fuck?

Tumayoako. Hindi ako kinakabahan. Naiinis ako sa mga sinasabi niya sakin. Hindi ko naman inaano iyon a! Isaksak niya si Jedd sa bunbunan niya.

"Lampasuhin?" I mocked.
"Ang magandang mukha na ito? Lalampasuhin mo lang?"

Marahil ay may gusto ito kay Jedd.Napakit ako ng tinulak tulak niya ako sa balikat.

"Oo bakit? Anong tingin mo sa sarili mo? You're a bitch! Inaagaw mo sakin si Jedd."

Hinawi ko ang kamay niya at nagulat siya.Marami na ang napapatigil sa kanilang ginagawa at tumingin sa amin.Meron din nag singhapan at nagmumura.

"Wala akong inaagaw! Saksak mo siya sa baga mo! Nakaupo lang ako dito at sumugod ka para makapag eskandalo? Anong pinaglalaban mo?" sabi ko sa kanya sa isang kontrolado na boses.

Hinawi naman siya ni Jenn para makadaan papunta sakin.Nanginginig ako sa galit.

"Anong nangyayari?" tanong ni Jen.

"Dahil sayo nakipaghiwalay si Jedd sakin! Palagi nalang pangalan mo ang bukambibig niya!" Sigaw nito sa akin.

Napakurap kurap ako. I tried to composed myself.

"Wala akong pake'alam! Kaya 'pwede ba? Wa'g mo kong idamay sa problema niyo."

"Athena!" napatingin kami sa bagong dating na si Jedd.

Hinawakan ni Jedd ang kamay niya.
"What are you doing?"

"Siya ba?!" Turo sa akin ni Athena. "Siya ang dahilan huh?" ngayon umiyak na ito ng todo.

What the hell.Hindi ko alam na nakakasira na pala ako ng relasyon na hindi ko alam!

"Oo!" sigaw ni Jedd. " Siya ang mahal ko! Now stop this!" At kita ko kung paano nasaktan si Athena.

Shit! Hindi ko alam na ganito. Kung alam ko lang.

"Jedd ayusin niyo ang relasyon niyo.Wa'g niyo akong idamay." Kinuha ko ang gamit at umalis na doon.

Hindi ko na inalala si Jen. Dumaan ako sa gilid ni Jedd. But I gasped when he gripped on my arms.

"Nicole lets talk."

Yan pa ang sinabi niya sa harap pa mismo ng babaeng mahal siya? Nawala bigla ang galit ko para kay Athena at napalitan iyon ng awa.

" Ayoko ng gulo." Sabi ko na nilingon siya.

Hinila ko ang braso ko pero hinigpitan niya iyon.

"Lets talk." diin na sabi niya at hinila ako palabas doon.

"Jedd! What are you doing?!" I hissed at hinila ang braso ko.

Pero nabigla ako ng makalabas na kami ay may sumuntok sa mukha ni Jedd.

The heck.

Napalayo si Jedd sakin at nabitiwan ang braso ko.Sapo niya ang ilong niya na may dugo.

"H'wag pilitin ang ayaw." buong diin na pagkasabi ni Clinton.Hinawakan niya ang braso ko na namula dahil sa pagkakahila ni Jedd.Kumalabog ang dibdib ko sa sobrang kaba...

Hinimas niya iyon.

Tumalim ang tingin ni Jedd kay Clinton.
"Bakit huh? Girlfriend mo ba?" Hamon ni Jedd kay Clinton.Ayoko ng may makitang nag -aaway.

Si Sebe at Radleigh ay nasa gilid lang at preskong nanonood.

Ngumisi naman si Jedd.
"She will be my girl soon." buong tapang na sabi niya.

Humalakhak naman si Radleigh dahil doon. I know! Nakita niya kami ni Clinton na naglalampungan!

"Stop it Jedd.." saway ko.

Hinila ako ni Clinton at nabangga ako sa dibdib niya.

" Oh, ikaw ang nanliligaw? Bakit ako ang nakauna?" Clinton teased.

What the hell.

Rumehistro ang gulat sa mukha ni Jedd. Halos hindi ako makatingin sa lahat. Nagyuko nalang ako ng ulo.

Agad napamura si Sebe.
"Tama na yan." Awat ni Sebe kay Clinton at tinapik ang balikat.

Hindi ko na alam ang nangyari dahil masyado akong lutang. Naramdaman ko nalang na hinila ako ni Clinton paalis doon.

Just LustWhere stories live. Discover now