Chapter 24

83.7K 2.6K 196
                                    


Chapter 24
Fuck You

Halo halo ang aking nararamdaman pero nalalamangan ng galit.

Hindi ako umuwi sa aking condo. Dito ako nanatili sa condo ni Jenn. Ayokong umuwi dahil sa posibilidad na baka puntahan ako ni Clinton doon. Kung sakali man.

Umagang umaga ng pangalawang araw ko dito sa condo ni Jenn nang dalawin ako ng pagsusuka. Parang kinakalikot ang aking tyan kaya tumakbo ako patungong banyo at nagsuka bowl.

"Kylie are you okay?" pag aalalang tanong ni Jenn at hinagod ang aking likod. Naluluha ako sa sobrang pagsusuka at tila nagkasugat ang aking lalamunan sa pagsuka na puro tubig naman ang lumabas.

Hapong hapo ako nang humilig sa sink at naghilamos.

"A-Ang sama ng pakiramdam ko Jenn."

Huminga sya ng malalim at inabutan ako ng tubig.Kinuha ko iyon at ininom.

"You're pale Kylie. Nangayat ka din. I think you're pregnant."

Dumagundong agad ang kaba ko sa sinabi ni Jenn at tila dumaloy sa aking mga ugat ang kaba na iyon at naramdamang kakaibang pulso sa aking tyan.

Oh no.

Suminghap ako at tinignan si Jenn.
"We did'nt used protection Jenn. P-Pero hindi ko alam na mabubuntis agad ako."

Hinila niya ako papuntang kwarto at pinaupo sa kama.

"Maligo ka at magbreakfast. Sasamahan kita sa OB gyne. Patingnan natin ang tyan mo. At kung gusto mong kausapin si Clinton para mag explain. May alam akong paraannisama natin si Jedd at Athena. "

Umiling na agad ako sa kanya.
"A-Ayoko, walang hiya siya para makipag halikan sa harap ko! Kung aakalain niya na iiyak ako at mag makaawa sa kanya, he's fucking wrong! I'll show him kung gaano ako ka kawalan sa kanya. " napakuyom ako sa kamao ko dahil sa galit.

"Ang kapal rin ng Shantal naiyon. Akala ko kung sinong mabait. Naku ha. Duda ako sa kanya. Baka sya ang nagpadala ng pictures kay Clinton! Enidit niya pa talaga huh!"

Kinwento ko kasi kay Jenn ang pangyayari kung paano ko nakilala si Shantal. Well, I don't care anymore.

Wala na tayo sa panahong Maria Clara ngayon. Kung nakuha man ya ang virginity ko? Hindi ako maghahabol. Ang dami pang lalaki dyan.

Pagkatapos mag breakfast ay nag bihis na kami ni Jenn. Nauna akong magbihis kaya hinintay ko siya dito sa sofa. Habang maghihintay ay tiningnan ko ang cellphone ko na dalawang araw nang patay. Huminga ako ng malalim at ini on iyon para makapag facebook ako.

Nang ma on na. Halos sunod sunod na message ang pumasok at two hundred na misscalls, at one hundred messages. Puro kay Clinton iyon.

Halos lumukot ang puso ko sa sakit at nangilid ang aking luha.Hindi ko na iyon tiningnan lahat at diretso kong dinilete iyon.

Habang nag sscroll ako sa facebook ay may nabasa akong tabloid tungkol sa kompanya nila Clinton.

Nabasa ko na winithdraw raw ng stockholders at clients nila ang mga stocks nila sa Highland Company dahil daw sa pag papabaya na ng kanilang CEO na si Clinton. Dahil daw doon ay sinuko ni Clinton ang pagiging CEO sa kanyang ama na si Rogue Montemayor.

What? Hindi na siya ang CEO? Ano kayang kabaliwan ang iniisip niya?

Wala ako sa sarili nang papunta kami ng hospital. Sobra sobra ang pasalamat ko kay Jenn na hindi niya ako pinabayaan. Ayoko din kasing abalahin si Nathalia dahil buntis siya.

"Kylie, kasama pala natin si Jedd. Hinihintay niya tayo sa hospital."

Nangunot ang noo ko at napabaling kay Jenn na nagmamaneho. "Bakit?"

Just LustWhere stories live. Discover now