First Chapter

4 1 0
                                    

Third person's POV

Napakatahimik ng lugar, tanging ang tunog lamang ng kanyang sapatos sa bawat paghakbang ang maririnig na inggay sa paligid. Madilim at walang katao katao, puro sasakyan na walang laman ang naroon sa parking lot ng isang abandonadong gusali. Pinagmasdan nito ang paligid sa tulong ng liwanag na nagmumula sa buwan, tumambad sa kanya ang kalumaan ng lugar, mga nagkalat na bato sa kung saan at ang nakakasulasok na amoy na hindi malaman kung saan nagmumula. Napatigil ito sa paglalakad nang magliwanag ang paligid dahil sa kotse ng lalaking kaniyang hinihintay.

Tumigil ito at pinatay ang makina, lumabas ang isang lalaking matangkad at may malaking ngisi na makikita sa kaniyang labi. May kasama itong isang alalay na may dala dalang baril.

"Kapkapan mo sya." utos nito sa kasama at agad na lumapit sa babae upang gawin ang pinag-uutos ng amo.

"Nothing, Boss" pagkumpirma nito.
"Good, very good! Yan ang gusto ko sayo, marunong kang tumupad sa usapan." naka ngisi itong lumapit habang nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang suot pang-ibaba.

"Hindi ko kailangan ng papuri mo, tanda...." tila isang insulto sa kanyang kausap nang tawagin nya itong matanda. "Just spill it already, hindi yung ang dami dami mo pang sinasabi." nag-angat ito ng tingin at ginawaran ang kausap ng isang napakatalim na tingin.

"Sa tagal ng panahon na nakalipas, for almost 10 years ngayon lang nagkaroon ng taong interesado sa pagkamatay ng pamilyang iyon, sabihin mo nga kung sino ka para gawin 'yon? Sino ka para pagsabihan ko ng nalalaman ko?" Mayabang ang dating ng lalaking ito, humakbang ang babae, sa inis ay akmang susuntukin nya ang matanda. Agad na naglabas ng baril ang kanyang alalay at itinutok ito sa mismong ulo ng babae.

Walang mababakas na takot sa kaniyang mga mata, mabilis nyang hinawakan sa braso ang lalaki at pinilipit ito dahilan para maihulog ang baril. Humihiyaw sa sakit ang lalaki. Sinipa nya pataas sa ere ang baril at kinuha naman ito ng kanyang isa pang kamay. Habang nakatalikod ay pinaulanan niya ng bala ang bawat poste sa dilim, bawat putok ay may isang hihiyaw mula sa kawalan. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman ang mga lalaking nagtatago sa kadiliman. Pinatamaan nya ang mga ito ngunit sinisigurado nyang hindi nya ito mapapatay. Binalik nito ang tingin sa matandang kausap na ngayon ay nakanganga na at tulala.

"Sino ka ba talagang babae ka? Anong pakay mo sa akin?" wika nito habang pilit na itinatago ang takot.

"Alam mo ang pakay ko dito, hindi na mahalaga kung sino ako, sabihin mo sa akin kung sino ang pumatay sa pamilyang iyon, pero anong ginawa mo? Traydor ka, tanda!" pinutok nya ang baril sa binti ng lalaking kanyang hawak hawak bago ibaling sa matanda ang baril.

"Sige, patayin mo ako!! Hindi mo malalaman kung sino ang totoong pumatay sa kanila!! Sige ituloy ako lang yang binabalak mo!!" sya pa mismo ang nagtutok ng baril sa katapat ng kanyang puso. "Ano bata? Naduduwag ka ba?" Gusto man nya itong patayin ay hindi nya magagawa, tangging ang lalaking ito lamang ang makakapagbigay ng impormasyong napakahalaga para sa kanya.

Napapikit ito sa galit at hinampas sa ulo ng baril ang matanda at nawalan ito ng malay, agad syang tumakbo palabas ng gusaling iyon dahil alam nyang paparating pa ang ilan sa mga kasama nito.

Huli na dahil naabutan sya ng mga ito. Umuulan ng bala sa paligid at mabilis nya itong naiwasan at nagtago sa isang abandonadong sasakyan, madami sila at sakto na lamang ang bala ng kanyang baril para sa mga ito, hindi dapat sya magkamali ng pag-asinta. Kinasa ang baril, mabilis na lumabas sa pinatataguan at sunod sunod na itinumba ang kalaban bago magtagong muli sa kasunod na sasakyan.

"Lima." bilang nya sa kalabang natitira, tinignan nya ang bala ng baril at saktong saktong ang bilang nito para sa kanila. Walang takot nyang sinugod ang mga ito at walang palya ang patama ng mga bala sa balikat at binti ng kalaban na isa isang nagsitumbahan.

Hingal na hingal ito habang prenteng nakatayo at pinapanood ang pag-agos ng mga dugo mula sa mga ito.
"Yaaaah!!!" sunod sunod ang putok na kumawala sa kung saan, kaya't mabilis syang tumalon upang magtago sa pinakamalapit na kotse.

"Ahh!" hindi sya nakaligtas sa isang balang dumaplis sa kaniyang braso.

"Lumabas ka dyan babae!" sigaw ng lalaking alalay.

Maingat sya gumapang sa sahig papalapit sa baril na pag-aari ng kalaban, mabilis nya itong pinulot at saktong pagtayo nito ay nasa likuran na sya ng kalaban na iika ika kung lumakad.

"Pst!" oras na humarap ang lalaki ay pinaputukan nya ito sa ulo.

"Binigyan na kita ng chance na mabuhay pero sinayang mo, tsk."

Agad itong sumakay sa kanyang kotse at nilisan ang lugar. Bago umuwi ay dumaan muna ito sa isang convenience store. Sinuot ang kanyang makapal na itim na coat upang takpan ang kanyang sugat at ang dugong dumadaloy mula rito.

Matapos bayaran ang mga pinamili ay saka lang ito umuwi.

Pagpasok ay tumambad sa kanya ang mga kasamang tutok na tutok sa movie na pinapanood. Agad itong lumapit sa kanila para iabot ang galon galong ice-cream na binili.

"Parang natagalan ka yata? saan ka galing?" tanong ng isa.

"May dinaanan lang ako, sige una nako, pagod ako." paalam nya sa mga ito.

"Teka! okay ka lang ba? Namumutla ka ata?" tanong ng babaeng may blonde na buhok. agad syang hinila sa braso sakto pa doon sa may sugat. Hindi binibitawan hanggat hindi sya sasagot.

Tumango nalang ito dahil sa pagkahilo at pagsakit ng kanyang sugat. Agad nyang binawi ang brasong hawak ng kaniyang kaibigan na nag-aalala. Nasa kanya ang atensyon ng lahat nang maglakad ito paakyat sa hagdan.

Love LineWhere stories live. Discover now