“Ang ganda ng movie ano? Nakakaiyak. Namatay si—“

“Typical story.” Biglang sinabi niya. Typical?! Ang ganda kaya.

“Gusto ko ng ganoon, gusto ko makahanap ng true love na ganoon. Gusto ko makahanap ng taong kahit mamamatay na ako hindi ako susukuan, yung taong hindi aalis kahit malaman niya na iiwan ko siya.”

“Isn’t that hard? Where do you find someone like that? I want to know.”

“Meron pang mga taong ganoon. Yung mahal ka talaga. Makakahanap din ako noon.”

“Don’t you think I’m that person for you?” Bigla ko namang tinitigan si Enzo tapos narealize niya na… Parang out of place yung tinanong niya kasi…

Kasi alam kong hindi niya kayang gawin yun para sa akin. L

Naging awkward kami, tapos naglakad lakad lang sa loob ng mall na parehas hindi nagiimikan. Hay. Hindi pa nga nagiging kami, para na kaming nagbreak.

Hanggang sa nagaya na siyang umuwi.

Ano ba ‘to. Lagi na lang bang ganito?

Noong maihatid niya ako sa bahay ko…

“Oh, Hope. Okay ka lang? Bakit matamlay ka? Akala ko nagdate kayo ni Enzo?” tanong ni Ate na nagbabasa ng magazine sa may sofa.

“Ah. Ano. Pagod lang. Sige taas na ako.” May sasabihin pa sana siya kaso di ko na narinig kasi tumaas na agad ako. Ayokong pagusapan muna si Enzo.

Pagpasok ko sa kwarto ko may malaking malaking teady bear tapos may nakasulat.

To: My ‘Hope’

Hope, I’m sorry for not paying attention to you, or for being cold lately. Sorry. Sana okay na ‘tong bear. Isipin mo ako ‘to. Go ahead. Hug it.

Tapos hinug ko yung malaking bear. Life size! Pagkahug ko sakanya biglang tumunog yung boses ni Enzo…

“Sorry, Hope.”

Napangiti ako. Ngayon lang may nagbigay sa akin ng ganito! Chineck ko yung orasan ko. 7:30 PM pa lang naman at sigurado akong wala na namang kasama si Enzo sa bahay. Bibisita lang ako para magthank you! Ay, oo. Ipaparinig ko na din pala sa kanya yung kinompose ko na kanta! Yung ‘WHAT HAPPENED TO US’. Napuri kaya ako ni Miss Inigo doon!

“Ate, Lola. May sasabihin lang ako kay Enzo, babalik ako agad. Siguro papahatid ako sa driver niya.”

“Okay. Balik ka bago mag 9:00 okay?” Sabi ni Ate. Nagokay ako, kinuha yung jacket ko kasi medyo malamig na ngayong December at pumara ng taxi. Wala pang 10 minutes nasa tapat na ako ng bahay nina Enzo.

Noong magdoorbell ako pinapasok ako ng maid nila. Kilala na naman nila ako eh.

“Si Enzo po?” tanong ko.

“Ay umalis lang. Babalik din daw po siya. Hintayin niyo na lang po siya sa kwarto niya.” Sa kwarto niya? Okay sige. Kahit nagpupunta ako dito, hindi pa ako nakakatambay sa kwarto niya. Nakita ko lang once, pero dahil may kinuha siya.

Saan kaya nagpunta yung si Enzo? Baka may binili? Pero ano naman? Text ko nga.

To: Enzo Gutierrez

Enzoooooo! Nasa house mo ako. Uwi ka na!!! =)

Pero pagkasend ko may narinig akong beep beep. Ay tupa! Iniwan niya yung phone niya! Fine, sige hihintayin ko na lang siya. Hindi naman yun umaalis ng matagal. Baka may dinaanan lang kay Bryle o kung ano.

Sinet up ko na lang muna yung music player niya. Teka paano ba ‘to?

Matapos ang 15 minuto na pagkalikot ko sa music player, sa wakas napagana ko rin. Kinonek ko yung phone ko sa music player tapos tumunog na yung kanta ko. Sige irerepeat ko na lang para pagdating ni Enzo feeling niya ako yung kumakanta kahit na medyo inayos ni Venice yung boses ko sa recording hehe!

100 Steps To His Heart [Published Book]Where stories live. Discover now