EPISODE 26.

403 8 0
                                    











JIMIN POV's













May dahilan si suga hyung bakit hindi na niya napigilan na masaktan niya ako kilala ko na si suga hyung, halos lahat kami takot na magalit sa kanya dahil alam namin na kaya niyang gawin kapag nangyari yun, i deserve this at aminado ako nasasaktan ko yung kapatid niya...














" jimin oppa, are you okay? Bakit ka naman niya sinaktan?" Tanong sa akin ni eunha habang pinapunasan niya ito ng towel.
















" hyung? May kasalanan ka ba kay suga hyung kaya ka niya nasuntok?" Tanong naman sa akin ni jungkook.
















" its fine. " sabi ko sa kanila.














" jimin~ssi, can we talk?" Tanong sa akin ni tae.













" maiwan muna na namin kayo hyung." Sabi naman ni jungkook at isinama niya si eunha papasok sa loob at naiwan kami ni tae dito sa labas.



















" hyung... hindi mo ba talaga mahal si seulgi?" Tanong niya sa akin pero natahimik lang ako.." hyung... alam kong hindi pwede pero kung sakaling tuluyan mo na siyang hiwalayan handa akong saluhin siya." Sabi niya sa akin at nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.


















" tae....? Gusto mo ba siya?" Tanong ko sa kanya.


















" jimin... alam kong mali to dahil alam kong kasal pa siya sayo, and lately naguguluhan ako sa feelings ko dahil sa tuwing nakikita ko siya gusto ko siyang protektahan, sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak, gusto ko siyang pangitiin, alam ko naman na ikaw lang talaga yung mahal niya pero handa kong gawin ang lahat para maging masaya siya sa piling ko." Sabi niya sa akin .




















" taehyung..... kung sakali bang iwan ko siya handa ka bang maging ako para sa kanya?" Tanong ko sa kanya.

















" hindi madaling maging ikaw jimin,pero kung sakaling iwan mo siya at ayaw mo na talaga handa ko siyang protektahan siya." Sabi niya sa akin at hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ko para bang sinasabi na wag kong iwan si seulgi at ako lang dapat, ako lang dapat ang mahal niya.




















" mabuti pa pumasok na tayo sa loob baka hinahanap na nila tayo." Yaya ko sa kanya.



















At pumasok na kami sa loob sympre andun si yoongi hyung, awkward dahil sa nangyari kanina kaya hindi kami masyado naguusap ni suga hyung medyo malayo din ang distansya namin dalawa at hindi kami nagkakatinginan na dalawa hindi tulad ng dati....





















~Time Skip ~

















Nang makauwi ako hindi ko alam kung bakit ba bigla ko na lang siya hinahanap..." seulgi~ssi! Seulgi? Seulgi?" Sabi ko pagpasok ko ng bahay bigla na lang ako napaupo." Ano ba to? Bakit ba ikaw ang hinahanap ko at hindi siya? Bakit parang natatakot ako na makuha ka ng iba? Bakit?" Sabi ko at napayukom na lang ako habang sabay na pumatak yung mga luha ko.." bakit sa lahat ng babae ko ikaw ang inayakan ko? Bakit sa lahat ng babae ko sayo ko lang naramdaman na sobrang sakit pala? Bakit?" Sabi ko sa sarili ko.













Kumuha ako ng isang bote ng alak at tinunga baka sakaling makalimutan ang lahat ng to...KINABUKASAN may naririnig ako na maingay sa labas sobrang sakit ng ulo ko at hindi ko alam kung paano ako napunta dito sa kwarto ko pagkalingon ko meron isang basong tubig at gamot napabangon ako may nakalagay din na notes na ang nakalagay ay..." inumin mo to paggising mo alam kong sa sakit ang ulo mo paggising mo later. -seulgi." Sabi dun sa notes at agad akong napalabas ng kwarto at hinanap ko siya..

















" sir? Ano po ang hinahanap niyo? " tanong sa akin ng katulong ko.


















" manang... dumaan ba dito si seulgi?" Tanong ko sa kanya.
















" oho sir, pero saglit lang naabutan niya nga po kayo na tulog sa sofa niyo at lasing na lasing kaya po dinala ka po niya sa kwarto niyo at pagkatapos nun ay umalis na rin po siya." Paliwanag sa akin ni manang.



























" ganun ho ba? Wala ba siyang sinabi na iba o kailan daw siya babalik dito?" Tanong ko ulit.




















" wala naman ho sir." Sagot niya.




















" sige salamat manang.." sabi ko at pumasok ulit sa kwarto.





















Ano ba ang pwede kong gawin para bumalik ka lang seulgi? Alam kong sobrang laki ng kasalanan ko sayo pero ayoko makita kang masaya ka sa iba.... hindi ako makakapayag na kunin ka sa akin ni tae.

MY HUSBAND IS A PLAYBOY [ SUELMIN FANFIC ]Where stories live. Discover now