"Eh kasi..."

Pinutol ko kaagad yung sasabihin ko habang naniningkit pa ang mga mata ko. At bakit ko naman ikukwento sa kanya? He doesn't need to know anyway.

"Eh kasi what?" he asked eagerly.

I shook my head and rested my back on the backrest. "Wala."

"Wala? Are you sure?"

I sighed deeply. Hindi ko alam kung bakit ako naiirita. Feeling ko kasi, sinadya ni Kurt na kumuha ng secretary na kapangalan ko pa. Para ano? Para gantihan ako? Para asarin ako? Para saktan ako?

Wait... Why would I be hurt? I am not supposed to care even if he calls million of girls the way he calls me before. Ugh! What's happening to me?!

"Ano, Crystal?"

"Shut up," I hissed.

Naningkit naman ang mga mata ni Fifth kaya naalarma ako. Masyado na siguro siyang nawiwirduhan sa sudden change of mood ko kaya pinilit kong ngumiti. "Sorry, Fifth. Nakakapagod lang kasi."

Umiling siya sa sarili niya. "Weirdo." I know I am and it's frustrating me! "Dumaan nga pala si Tita--- I mean yung mom mo dito. You weren't here so she left a message to me for you."

"What's it?"

"She said that she'll be picking you up here after office hours. Magdidinner daw kayong dalawa."

"Kaming dalawa? You're not coming with us?" Tanong ko at mabilis siyang umiling. "Bakit? Sumama ka nalang, Fifth."

"Hindi na. Kayong dalawa nalang," he replied smilingly and went back on his work place. Pinagmasdan ko lang siya habang may kung anong tinatype sa laptop niya. I wonder what's running on his mind. Does he feel the same way about me?

Haayy... Crystal! You better pull yourself together. Ugh, bakit nga pala Crystal ang tawag ko sa sarili ko? It should be Gail! G-A-I-L. How I hate the name Crystal!

Hindi ako mapakali hanggang sa matapos ang office hours. Sa department namin, hindi ako umuuwi hanggang hindi pa umuuwi ang lahat ng teammates ko. In my case right now, there are two people left in their workplace. Hindi pa yata tapos sa ginagawa nila, kaya hindi pa rin ako pwedeng umalis.

"Crystal, 'di ka pa ba aalis?" si Fifth.

Umiling ako. "No, 'di pa sila tapos oh. At saka wala pa naman si Mama. Magtetext naman yun kung nasa lobby na siya."

Umupo siya sa tapat ng desk ko at pinaglaruan yung rubix cube na sinusubukan kong buuin kapag coffee break namin. "Edi hintayin nalang kita hanggang sa matapos sila at dumating si Tita."

Kumunot yung noo ko sa huli niyang sinabi. "Tita? How close are you with my mom?" I've been itching to ask him this but I seemed to forget it. Masyado kasing na-occupy ng pangyayari kanina sa office ni Kurt ang utak ko.

"Slightly close. Pfft!" He chuckled.

I rolled my eyes at his non-sense answer. "I'm serious here, Fifth. Bakit Tita ang tawag mo?"

"Wala. Para raw tunog Filipino," sagot niya.

Napatango nalang ako kahit na medyo malabo yung explanation niya. Kasing labo lang ng dila niya na medyo nabubulol-bulol pa.

"Mauna ka na kayang umuwi?"

Umiling siya. "I'll wait for you to leave before I go home in your penthouse."

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα